Thursday, March 18, 2010

Beach Mode

Finally! Just booked a flight to Dumaguete! Now, I have something to look forward... Dumaguete-Siquijor! Wait for me, and my high school friends! Haha I can't wait. Pero syempre, mag aaral ako for boards. Ayoko ma boljak. Haha

Tuesday, March 16, 2010

Ayoko na mabuhay....

Syempre joke lang yan no. 'Yan lang ang nasabi ko nang marinig ko ang balitang ang supposedly free day ko sa thursday, ang last day before Pedia Ward, ay naging OPD-Cancer Institute duty pa. Huhuhu. E wala naman akong choice. Gumuho bigla ang mga pangarap kong matulog lang buong araw... but why? tapos nang aasar pa talaga yung pangalan ng first patient ko... ay naku, inaasar lang talaga siguro ako ng mga pangyayari. why me? haha. Akala mo naman kung anong crisis ang nangyayari sa buhay ko. Last 46 days na lang kasi kaya reklamador na ako. Arg.

For some reason, nalulungkot ako. At hindi ko sya nadaan sa KitKat Drumstick. Dahil hindi ako natuwa. Normal chocolate drumstick lang sya, na tinusukan ng isang kitkat stick sa gitna. Na gumasgas pa sa hard palate ko. :(

Wait lang. Bakit ako nasales talk ni Mich na magpabook ng Dumaguete-Siquijor trip? Haha. Naexcite ako. Bakit ang mura? Sana naman hindi ako nakasakay sa pakpak nito. Haha. Anyway, go na. Beach na ito.

Monday, March 15, 2010

Flighs of Ideas

New blog. Hindi ko na kasi inuupdate yung multiply blog ko for the longest time. Anyway, whatever. I need a new space for my random thoughts. Haha. Internship ends in 47 days. I love it. But still, parang ito ang pinakamatagal na 47 days, I have to spend it in Pedia pa talaga. At hindi nakakatulong si Neilson, na super tinatamad na din kumilos. Teh, wala tayong mararating pareho nito. Super tamad na natin pareho. Anyway, may new found hobby ako (c/o Maetan). Ang ifollow ang mga tao sa twitter, ie. Kris Aquino. Friends, itry nyo din. Medyo boring minsan pero pwede na din. Haha. Kanya kanyang hobby lang yan.

Kailangan ba talaga mag boards? Sabi ko kaya mama, hindi na muna ako magboboards. Sabi ko magtitinda na lang din ako. At tinawanan nya ako. Haha. Syempre, joke ko lang yun. Deep inside naman alam ko na hindi yun mangyayari dahil magboboards na ako. (Friends, pray for me. This is it.) Haha. At minsan, alam kong kinocomfort nyo lang ako kapag sinasabi ninyong papasa naman ako, pero sa totoo lang, added pressure sya minsan. E paano nga kung hindi?! Haha. Kailangan ko matuto maging optimistic ulit. Pero ang masmalaking tanong, ay pag pumasa ako, anong gagawin ko? Hindi naman ako nag iisa sa dilemma na yan. But still, ano na nga ba ang master plan? Sabi ko nga, pwede bang mag housewife na lang? Kahit walang asawa? Masmaganda kasi yung pakinggan kesa sa bum for life. Haha. Or magresidency? E ano naman? Parang inaassume na ng mga tao na IM person ako. Paano kung iba na lang pala? E ano naman? So confusing. Sana high school na lang ako ulit, na ang pinoproblema ko ay kanino ako kokopya ng assignment. At naremember ko lang ang pinagkkwentuhan namin nung isang araw. Lahat kami ay boto sa mag babies na si Joanne Santos (special mention). Isipin mo na lang Joanne, at least your eggs will be useful, unlike sa mga eggs namin na nasusunog lang sa radio. (I hate rad techs… X-ray! Toot!) Wala man lang chance magtago? At ilang beses mong uulitin? Ano na? Sacrificial eggs. Anyway, masmarami na kaming nakakarealize ng No to PGH sa residency. At wag nyo kaming ijudge kung ang rason namin ay gusto naman naming mag outfit pag resident na kami. Yung mabango kami. Yung white talaga ang dapat na white na damit. At higit sa lahat, yung hindi namin pproblemahin ang mga stretcher ng mga pasyente. Syempre mas may seryosong reasons kami, pero diba? Ok na din na reason yan? Kanya kanya lang yan.

Old Posts

Kamusta naman ang 15 hours sa bus. Para kaming evacuation area sa bus. Walang pagkain at kung may tubig man, walang gustong uminom dahil sa gitna ka lang ng highway (na baha) pwede umihi. Bakit ako nasa bus?

Kasi may pasok kasi ako sa PGH ng 4pm. Syempre umuulan, naisip ko na na baha sa taft. So tinext ko si Neil nung morning. Sabi nya nung pumasok sya di pa naman baha sa Faura. So sabi ko aalis na lang ako ng maaga para maabutan ko pa ang no-flood-sa-faura. So yun, nagbus na ako since dadaan naman yun sa harap ng condo, feeling ko naman makakarating ako ng matiwasay. So wala pa namang flood sa Imus, with minimal flood sa Bacoor. Tapos pagdating sa may Baclaran, traffic kasi super di na umaandar yung mga papuntang EDSA pero nakadaan pa naman kami. So in short nakarating pa kami sa Quirino. But no hope talaga na makarating sa Taft. So umikot pa yung bus to Roxas kasi dun lang yata may dry land. Until makarating kami near Manila City Hall, na baha na. Tapos after super tagal naming nakapark dun, sinampa na lang nung driver yung bus sa island para makarating sa other lane. Kaya naman pala hindi umaandar. Kasi waterworld na yung kasunod. Puro tubig lang talaga yung makikita. Hindi ako bababa! And kung bumaba ako, saan naman ako pupunta diba? So mga 3:30 na ito ng hapon. Ilang hours na kami sa bus, at si manang di na kinaya, umihi na sa balde sa likod kasi wala naming tao (mga 6 lang kami sa bus). Composure pa ako pero may slight panic na kasi gusto ko na lang talaga makauwi. Tapos may narrating na naman kaming dry land somewhere sa area na yun, and super daming stranded na mga tao. Super basa na sila and all. Tapos napuno na yung bus and pabalik na kami sa Cavite… na narating namin nung 3:30 na ng umaga! NPO. Napanood namin lahat ng palabas ng GMA 7 mula yung show before Eat Bulaga hanggang Walang Tulugan ni Master Showman. Katext ko pa si Jane na nagkkwento ng disaster sa UERM. Super worried ko na. Di ko pa macontact si Christian. So panic. Nakakabaliw, agit pa yung ibang tao sa bus kasi nga parang wala naman kaming mararating. Baha naman sa labas. Walang food. Walang CR. Nagiging kalmado na lang ako kasi at least wala ako sa bubong mala Cristine Reyes. Gusto ko lang makauwi ng matiwasay. Hindi masaya. Thank you na din kay Lord, di ko naman kinailangan mabasa at lumusong sa baha.

Old Posts

Exagge naman yung ten years, mga 11 months lang to be exact. At baka nga this time, looseness of associtations na. Anyway, short kwento muna: second attempt ko na ito to blog. I hate multiply for not saving my blog! After approximately 30 minutes of typing (my random thoughts), I clicked on the publish button, then *poof*, bumalik lang sya sa site then walang blog. Arg. Effort. Anyway, my psych/anes experience is driving me crazy. Crazy people. At nakakapagod ng malala. Kakasira ng ulo sa psych (maiimunne ka nga naman, which is scary kasi baka lang dahil yun crazy ka na din) At kamusta naman ang diner dash ng pagBP sa PACU (recovery room)!?!?! I hate it. Dapat may hinahire na lang para magBP eh. Super sakit sa kamay last time nung toxic duty ko. Try nyo magBP for…. 15 hours!!! Buti na lang 1 more duty na lang (tomorrow… ngayon pa lang nagdadasal na ako) Not fun. And my patient’s have NPO breath… hmmm… reminiscing OB… Anyway, last time may mga funny kwentos, but ngayon na lang sya funny dahil during that time, naiirita lang ako sa kapaguran ko. May lola, na sumisigaw… sabi nya wag daw syang deadmahin, at wag magbingibingihan. Naiinip na kasi sya. Then she saw me, “Doktora, pakipulot nga ang sipilyo ko (sabay turo sa floor), nahulog ko.” (syempre walang toothbrush, imagination lang ni lola. Tapos 66 year old female, kakagising lang, umiiyak. Yung pang kinder-na-inagawan-ng-candy iyaw. “ang ate ko, asan ang ate ko?” paulit ulit. Nakakaloka si kuya nurse, pinatulan. “Lola? May ate pa kayo?” (with a grin). At si pay patient, “Nurse?!” (I’m not a nurse, I’m not wearing green scrubs!) “pakitawagan ang relatives ko sa roon, I want my pillow and my blanket. And water.” (Ate, nakita mo bang umaapaw na ang mga pasyente dito sa PACU at medyo all by myself ako ngayon?) syempre, in real life, deadma lang ako, walk away at baka may maisip pa syang iutos sa akin. Syempre, di din ako tumawag sa room nya. At maya maya narinig ko na lang winawarla na nya yung mga nurse.
Anyway, triage ako the yesterday sa ER. May patient from Bulacan, referred for CTT insertion. Pina THOC (to hospital of choice). So mega explain na naman ako, “punong puno po ang ospital, walang kama, walang mag oopera etc etc…” (habang nagsusulat na ako ng form) so gone na si lola. After 1 hour, bumalik sya at dineclare ni kuya ng pumunta daw sila Ospital ng Maynila at pinabalik daw sila sa PGH!!! Nakakaloka. Tinurf na nga pinabalik pa sa amin. So explain na naman ako na hindi nga sya maadmit dahil no vacancy. Even the floors are not vacant! Haha so… after 20 minutes, nagpapaliwanag pa din ako.. hay.
Tap tap revenge! Where’s sandee? Adik na ako sa tap tap revenge 2. Gusto ko na tuloy ng iTouch just for that. I miss lady gaga and her themed stage (complete with all the diamonds spinning) Hehe I want to play.. 
Si joanne ang kasama ko ngayon dito sa PACU…. Resident to patient: Anong pangalan mo? Patient: Bumubulong… Resident: Lakasan mo, kailangan marinig ko dito (nakatayo sya sa medyo malayo.. ) Joanne: may ganun ba, parang snellen? Kasama bas a NVS ang distance? Ace: baka ayaw nya lang maamoy ang NPO breath.
Gusto ko na magbakasyon. As in beach. May sand, may araw, may tubig… walang pasyente. But no, ang meron lang ako ay countdown to IM rotation.. boo. Boljakan na naman. Wish ko lang tlga, wag ako madeprive ng tulog! And food. Marunong pa kaya ako magbasa ng ECG? Sana naman no, dahil balak ko magIM.
Manood kayo ng Glee. Na nakuha ko lang kay Bea “nagbago na ako” Tauli. Magsstart na ulit yung Grey’s Anatomy. Yey. Meron pang kasunod yung mga sinulat ko kaso pagod na ako magtype. To be continued.