Thursday, November 25, 2010

Flights of Ideas.. ng isang taong bangag at walang tulog.

inaantok na talaga ako. every rounds ko sa floors, tumatawad na ako ng power nap. in short, natulugan ko ang lahat ng nurses station, at may red na bilog na ako malamang sa noo. hehe. in fairness to me and my new found default face, natuwa naman ako sa complement na: you always look happy, that's nice. haha. dati kasi puro na lang mukha kang suplada. haha oh well. bangag pa din ako. di lang siguro halata na from na ako at hindi pa naliligo. buti na lang, may mga baon ang mga nurses at pinapakain ako. at tinitimplahan pa ako ng iced tea. natuwa naman ako.

ano bang mahirap sa sapinoso? hindi naman ako galit, nagwowonder lang. haha s-a-p-i-n-o-s-o. kasi sabi ko sa nurses, pag may nagpapage pa na Dr. Sapinosa, or Dr. Pinoso, hindi na ako sasagot. hahaha. natawa lang din sila kasi tumatawa ako. ok na yun, basta patulugin nyo ako, hehe. salamat sa mga hindi nang gigising para sa to follow at rbs. very good. clap, clap. kasi hindi ko na alam kung pano ko hahatiin ang katawan ko.

ayun. may irita mode pa. buti na lang, sa mga tinginan, nagkakaintidihan kami na.. alam na. nakakainis. kaya idadaan na lang namin sa sinigang. at starbucks coffee (para sa sticker). cheers na lang.

antok na talaga ako. at di ko na rin masyado maramdaman yung legs ko. haha. kaya, iba na lang. ayoko na pag usapan ang ospital. pagkain na lang kaya ulit. bakit ang sarap kumain? favorite ko talaga yun. ay, mas masaya pala. Pumasa na yung brother ko sa boards!! Woohoo. Sana yumaman na sya at tustusan nya ako. Poverty kasi. Bakit ba ganun? hehe antok na talaga ako. As in may ptosis na nagaganap. Di ko naman alam kung bakit ko pinagpipilitan mag blog. Wala namang kwenta ang random thoughts ko. Naiinis lang din kasi ang ng bonggang bongga. Dinaig pa ang... anong tawag dun sa color blue thingy na hand sanitizer sa hospital? hay wala na.. di na gumagana yung utak ko. anyway, malupit pa sya dun sa paglilinis ng kamay. wala pang 2 seconds, nakaturo na sa iba. lupet.

"assumera ka kasi" shet, sumakit yung tyan ko kakatawa. umiral na naman ang kamalditahan ko. di naman yun kamalditahan. truth lang ito. fact. ganun. bagay na di ko kaya baguhin, kahit anong pilit. sadyang ganun talaga ang buhay. kanya kanyang trip yan sa buhay. ganun din naman, may ayaw ka.. di mo naman mabago din. e.. ganun talaga. kesa mag ubos ako ng energy, kebs na lang. napakarandom na nito...

ano na ulit tawag dun sa kulay blue na hand sanitizer?! nakakainis. bakit hindi ko maisip! tumigil na yung utak ko.

Friday, November 5, 2010

Flights of Ideas: just because mainit ulo ko.

hay. ang sama ko ba? pero for some reason.. actually, maraming rason, naiirita na talaga ako. as in major BV. na hindi pang public viewing.. hay. gusto ko lang ishare, na naiirita talaga ako! at hindi ko alam gagawin ko, kaya major deadma. sana magfast forward na lang ng konti ang time, tiis tiis muna. haha. ang sama ko. pero irita talaga. tatawanan ko na lang.

anyway, dahil ayoko na yan isipin. kwento na lang ako about ibang stuff. hindi na masyado sumasakit yung legs ko lately, nasasanay na sya sa never ending rounds. haha :P hindi na ako masyado lost. semi na lang. haha kainis lang, hindi ako nakasama kay apple and ava sa laptop shopping dahil pinaduty ako :( next time, sana may day na hindi tayo duty! no offense Georgy! :P

i love big bang theory! kakanood ko lang kasi ng episode 7. love it.


ano pa bang pwedeng random thoughts? first time ko mag star city last monday. as in rides. masaya naman pala dun. haha. in fairness, nag enjoy naman ako sa rides :) try nyo. wag lang kayo tatabi sa mga.. judgy! basta. haha tsaka wag kayo makipagsiksikan sa mga tao sa bilihan ng tickets. not so fun ang scent. at wag nyo na din itry ang 4D. masakit lang sya sa katawan. itry nyo na lang yung ibang rides, wag lang yun. At sa laser blaster, wag ka pumayag na red team ka, lugi. hindi strategic ang position ng base nyo. haha. ayun lang naman. bakit ba may namatay sa wild river? i mean bakit sya tumayo? nahulog tuloy sya.

gusto kumain. kakakain ko lang, gutom na naman ako. gusto ko ng steak. haha or bonggang burger. ayoko ng mcdo or jollibee burger kasi parang puro tinapay na lang nalalasahan ko dun, panimipisan ng patty. yung power burger. or japanese food. gusto ko ng maki. gusto ko ng kani salad. tofu. hay. gutom na ako. or para mas masaya, let's go cyma. cyma. i love it.
ayun lang. gutom na ako lalo :(