Thursday, November 19, 2015

Seriously? Seriously?!?

Hindi ako mahilig mag rant sa facebook.  Dahil una sa lahat, hindi sya nakakasolve ng problem. (baka nga dumagdag pa ang problema mo) Pangalawa, kasi… hindi ba nakaka-BV kapag puro mga random rant ng tao yung feed mo? Well, may option ka naman to unfriend/unfollow.
                                              
Pero… minsan… itry ko nga din.  Minsan lang 'to promise.  So, may option ka na ngayon, para tumuloy sa pagbabasa ng blog na ito…






Final answer?

So, game? Game ito.  For every statement na ilalagay ko, kailangan, sa end, sasabihin mo ang title ng entry na ito.  With feelings.  Try mo.



Yung tone na parang naiirita ka talaga.  Ulitin mo.

·         Kris Aquino.

·         E yung may 14, 918 na nag-like.
·         Yung 35 days na lang before Christmas.. pero summer na summer yung init sa labas.
·         Yung may nakikibasa sa wall mo, tapos cocomment ng nega about it sa ibang wall. (napaisip ka ba kung ikaw ‘yan? Pwes. Ikaw ‘yan)
·         Yung pauwi na si cute lolo patient… kaso biglang naghemorrhagic stroke. (nakakaiyak, for real)
·         Yung natanggal na naman ang dental filling ko, tapos ilang days pa ang hihintayin ko bago ako makabalik sa dentist ko.
·         Yung sumisingit sa pila, e gutom na gutom ka na.
·         Yung intellectual ang discussion tapos may ganitong comment

·         Tapos may 7 likes pa.
·         Yung nakipagmeeting kayo ng maayos… pero wala pala sila naintindihan pa rin.
·         Tapos feel na feel nilang entitled sila ng lahat ng ginusto nila.
·         Yung kakakain ko lang ng lunch… pero gutom na naman ako.

Hmmm… ok na siguro ‘yan. Haha.

Monday, November 9, 2015

Si Rmin.. at ang butas nyang eardrum.

At dahil pinost mo na din naman... at hanggang ngayon tumatawa pa din ako mag-isa tuwing naalala ko ang event natin kanina... ito na, let me explain.. para maramdaman nila ang naramdaman ko kanina sa van!!!

So, kanina, may ginawa kami sa UST (legit activity 'to for hema fellows).  Anyway, kasama ko ang batchmates kong si Rmin at Ginny, at may bright idea silang mag FX na lang kami pauwi.  (Nakahanda na kasi ang Uber app ko, pero sige, magtipid tayo, bilang mga fellow na walang sweldo).  So ayun na nga.... naghintay kami ng van.

So may van na, yung mahaba ha, hindi yung ordinary FX.  Kaso medyo puno na sya, so sumenyas si Mrs. Driver na isa sa amin sa harap, tapos yung iba dun na sa likod.  So, ako na ang napunta sa harap, katabi ni Mrs. Driver.

Tapos, pagsakay, nagbayad ako, after 30 seconds:

Rmin: Magkano po hanggang Vito Cruz? (saktong volume lang, yung rinig lang from dulo ng van, hanggang sa area namin sa harap)

Mrs. Driver to Mr. Driver: Magkano 'yun?

Mr. Driver: Bente

Mrs. Driver: (in a saktong volume lang din naman) Bente.  Saan po itong trenta? (Kasi may nagbayad)

Mystery Passenger: Isa pong Lawton, isang Vito Cruz.

Mrs. Driver: Kinse po hanggang Lawton.

Rmin: Dalawang Vito Cruz po (after a few seconds natanggap ni Mrs. Driver ang dalawang P 20 ni Rmin)

Mr. Driver: (Yes Rmin, si Kuya ang nagtanong) Meron pong Morayta?? (Kasi nasa Morayta na kami, at gusto nyang malaman kung titigil ba sya)

Rmin: (Sa todong volume.. as in yung WOW ATE, sinong sinisigawan mo? Welga, ganon?) DALAWANG VITO CRUZ PO!! DALAWANG VITO CRUZ!!

So si Mrs. Driver, nakita ko sa ang reflection nya sa glass... with her major confused look to Mr. Driver... naiimagine kong though bubble nya: BAKIT MAY NAGSUSUMIGAW NG VITO CRUZ DON? ANONG ISSUE NI ATE? SABI KO NAMAN BENTE ISA, NAG-AABANG BA SYA NG SUKLI?

Habang ako, nagpipigil ng tawa.  Medyo naisip ko pa na sana di maalala ni Ate na sabay kami sumakay ni Rmin!! Nahiya kasi ako bigla!!

Noong una, successful pa ako magpigil ng tawa... natext ko pa sya:


Kaya lang hindi ko kinaya!! Hanggang makarating kami sa may Rizal Park, tumatawa ako mag-isa! Sumkit pisngi ko, gaga ka.  With tears pa 'yan.  Bakit kasi kung ano anong pinatak mo sa tenga mo at nabingi ka.  Ikaw pa galit! 'Wag kang ganyan Rmin! Sumakit tyan ko kakatawa mag-isa.. hanggang ngayon!! 

May ipopost sana akong iba today, pero mas urgent 'to, so next time na yun.

Thursday, November 5, 2015

Asyang & Tabs: Guilty Pleasures

Haaaaaaay!! Ano ba itong araw na ito? Ang daming ganap.. or hindi naganap (na dapat may ganap!). Well, dahil maraming nangyari today.. magkkwento na lang ako.  Medyo natagalan ang kwento ko, kasi… medyo minunimuni ko ‘to nang matagal, kung ishashare ko sa inyo ito (hello to my judgy friends, haha).  But anyway, fine, go na, pero mangdadamay ako.  Hello Tabs!

Hello Tabs… kasi karamay kita sa mga kaadikan kong ito.  Ang mga guilty pleasures...  Like, unahin na natin ang Pretty Little Liars.  Na kahit sa age na ito, sinusubaybayan ko pa din ang mga adventures sa Rosewood high school.  Pero kasi, let me explain, naadik kami dito, kasi adik kami sa mystery… at mga clues, sa details, at sa mga theories.  At crush ko si Tyler Blackburn. (Haha).


 
Bukod dyan, mahilig kami sa mga taong mga may tama sa ulo.  May topak.  Ganyan.  Hence, our fascination for Amy Schumer, JLaw… and tenenen… Natalie Tran! (Sino ‘yan?.... secret!)  But bukod sa kanila, may dagdag pa sa listahan, na connected sa next kwento:

Nung isang araw,  katext ko si Tabs:

Sabi ko kay Tabs, may kwento ako.  Kung paano napadpad si Maine Mendoza sa Eat Bulaga.  Tinanong nya kung paano.  Sabi ko, sa interview ni Jenny Ferre, sabi nya, kinuha nila si Maine, na hindi lang basta sa dubsmashing skills nya, but because mukhang makapal ang mukha at may topak sya. (which is bakit din kami naadik sa kanya bago pa man sya mapadpad sa Eat Bulaga)

Sabi ko kay Tabs, di mo ba itatanong kung paano ko nalaman yan? So syempre tinanong na ng nya... ganito kasi ‘yan…

Nung isang araw, kailangan ko ng ballpen… tsaka index cards… tsaka ng kahit anong feeling ko important na makita ko sa National Bookstore.  

So nagshopping ako sa bookstore.  

Tapos ang haba ng pila.   

Tapos finally, nung turn ko na.. napunta ako kay cashier ate #2.  

Tapos sa station nya, may nag iisang magazine.  At sa apat na magkakatabing cashier ates… sya lang ang meron nito….



Tada! So, wala na din sya.  Kasi pinasalubong ko na kay Mama ang nag-iisang copy nya.  Pero binasa ko muna no.  Pero to clarify things, wala po kami ni Tabs sa Philippine Arena nung Tamang Panahon.  'Di pa kami umabot sa level na 'yan.  Benta lang talaga sa amin si Maine... at ang JoWaPao.