Thursday, December 3, 2015

Asyang's Slam Book #1


Ang dami ko na naman inaatupag.  Nakalimutan ko na naman tuloy itong blog ko, hu hu hu.  Pero, I promised, na hindi ko na ineneglect ang aking blogging duties.  For my future self.  Anyway, chineck ko ang listahan ko, wala kasi akong maikwento na interesting... so...

nung grade school ba kayo nauso sa class nyo ang autograph? Yung katulad nang nasa picture..

Anyway, sa amin kasi nauso yan, yung nabibili sa national bookstore.  So syempre, gusto ko din, para cooll ako.  Kaso ayaw ako ibili ni Mama.  Sabi nya, gagawan na lang nya ako ng slam book / slum book (bilang artsy artsy si mother).  True enough, ginawan nya talaga ako, from scratch.  Recycled notebooks, colored pens, magazines, glue, tira tirang wrapping paper... tadah!



syempre hindi yan ang actual, pero para sa mga hindi nakaexperience nyan, ganyan sya.  Pipili ka ng number, then every page, susulat mo yung answer mo sa number mo.  Eventually, di na cool ang nabibiling autograph sa national bookstore.  At 'must-have' na sa class ko ang artsy slam book. 

Tapos naalala ko, nung high school ako, parating nagrereklamo yung circle of friends ko, na napakasecretive ko daw.  May issues pa ako nun sa buhay.  #teenager.  Pero ngayon, wala naman na, so ang dami ko nang kwento no?  Minsan, gusto ko na nga pigilan yung sarili ko magkwento, kasi feeling ko, ayaw na nila makinig sa mga napakarandom sharing ko.  Pero sa mga friends ko lang ako madaldal, in real life, tahimik ako.

Pero 'di ko pipigilan tonight ang pagsheshare ko ng random things about me.  Dahil.... wala akong kwentong adik.  Slam book entry #1 na lang muna.

---

> My name is Frances Alexandra.  Frances ay galing sa paternal lola na Francisca, at Alexandra from my maternal lola, Alejandra.  Para walang tampuhan.  Wala akong naabutan na lolo, so sila lang.  Ang nickname na Ace ay walang origin.  Gusto lang ni mother.

> Akala ko unique na ang name ko, pero nung high school, may kapangalan ako.  Lamang lang sya ng I... Frances Alexandria.  At hindi Ace ang nickname nya.

> My favorite color is...

> Super naadik ako sa nail polish.  Actually, ang goal lang naman dati ay bawal ang maruming nails.  Pero eventually, naging regular reward for myself na 'yan.


> No to Hawaiian pizza


> Yes to books... kahit ang dami ko pang hindi nababasa *tears*


> Coffee or tea? COFFEE.  and my default starbucks drinks: iced soy latte or iced green tea latte


> Kaya ko ito ubusin



- 'yan muna for now -




Thursday, November 19, 2015

Seriously? Seriously?!?

Hindi ako mahilig mag rant sa facebook.  Dahil una sa lahat, hindi sya nakakasolve ng problem. (baka nga dumagdag pa ang problema mo) Pangalawa, kasi… hindi ba nakaka-BV kapag puro mga random rant ng tao yung feed mo? Well, may option ka naman to unfriend/unfollow.
                                              
Pero… minsan… itry ko nga din.  Minsan lang 'to promise.  So, may option ka na ngayon, para tumuloy sa pagbabasa ng blog na ito…






Final answer?

So, game? Game ito.  For every statement na ilalagay ko, kailangan, sa end, sasabihin mo ang title ng entry na ito.  With feelings.  Try mo.



Yung tone na parang naiirita ka talaga.  Ulitin mo.

·         Kris Aquino.

·         E yung may 14, 918 na nag-like.
·         Yung 35 days na lang before Christmas.. pero summer na summer yung init sa labas.
·         Yung may nakikibasa sa wall mo, tapos cocomment ng nega about it sa ibang wall. (napaisip ka ba kung ikaw ‘yan? Pwes. Ikaw ‘yan)
·         Yung pauwi na si cute lolo patient… kaso biglang naghemorrhagic stroke. (nakakaiyak, for real)
·         Yung natanggal na naman ang dental filling ko, tapos ilang days pa ang hihintayin ko bago ako makabalik sa dentist ko.
·         Yung sumisingit sa pila, e gutom na gutom ka na.
·         Yung intellectual ang discussion tapos may ganitong comment

·         Tapos may 7 likes pa.
·         Yung nakipagmeeting kayo ng maayos… pero wala pala sila naintindihan pa rin.
·         Tapos feel na feel nilang entitled sila ng lahat ng ginusto nila.
·         Yung kakakain ko lang ng lunch… pero gutom na naman ako.

Hmmm… ok na siguro ‘yan. Haha.

Monday, November 9, 2015

Si Rmin.. at ang butas nyang eardrum.

At dahil pinost mo na din naman... at hanggang ngayon tumatawa pa din ako mag-isa tuwing naalala ko ang event natin kanina... ito na, let me explain.. para maramdaman nila ang naramdaman ko kanina sa van!!!

So, kanina, may ginawa kami sa UST (legit activity 'to for hema fellows).  Anyway, kasama ko ang batchmates kong si Rmin at Ginny, at may bright idea silang mag FX na lang kami pauwi.  (Nakahanda na kasi ang Uber app ko, pero sige, magtipid tayo, bilang mga fellow na walang sweldo).  So ayun na nga.... naghintay kami ng van.

So may van na, yung mahaba ha, hindi yung ordinary FX.  Kaso medyo puno na sya, so sumenyas si Mrs. Driver na isa sa amin sa harap, tapos yung iba dun na sa likod.  So, ako na ang napunta sa harap, katabi ni Mrs. Driver.

Tapos, pagsakay, nagbayad ako, after 30 seconds:

Rmin: Magkano po hanggang Vito Cruz? (saktong volume lang, yung rinig lang from dulo ng van, hanggang sa area namin sa harap)

Mrs. Driver to Mr. Driver: Magkano 'yun?

Mr. Driver: Bente

Mrs. Driver: (in a saktong volume lang din naman) Bente.  Saan po itong trenta? (Kasi may nagbayad)

Mystery Passenger: Isa pong Lawton, isang Vito Cruz.

Mrs. Driver: Kinse po hanggang Lawton.

Rmin: Dalawang Vito Cruz po (after a few seconds natanggap ni Mrs. Driver ang dalawang P 20 ni Rmin)

Mr. Driver: (Yes Rmin, si Kuya ang nagtanong) Meron pong Morayta?? (Kasi nasa Morayta na kami, at gusto nyang malaman kung titigil ba sya)

Rmin: (Sa todong volume.. as in yung WOW ATE, sinong sinisigawan mo? Welga, ganon?) DALAWANG VITO CRUZ PO!! DALAWANG VITO CRUZ!!

So si Mrs. Driver, nakita ko sa ang reflection nya sa glass... with her major confused look to Mr. Driver... naiimagine kong though bubble nya: BAKIT MAY NAGSUSUMIGAW NG VITO CRUZ DON? ANONG ISSUE NI ATE? SABI KO NAMAN BENTE ISA, NAG-AABANG BA SYA NG SUKLI?

Habang ako, nagpipigil ng tawa.  Medyo naisip ko pa na sana di maalala ni Ate na sabay kami sumakay ni Rmin!! Nahiya kasi ako bigla!!

Noong una, successful pa ako magpigil ng tawa... natext ko pa sya:


Kaya lang hindi ko kinaya!! Hanggang makarating kami sa may Rizal Park, tumatawa ako mag-isa! Sumkit pisngi ko, gaga ka.  With tears pa 'yan.  Bakit kasi kung ano anong pinatak mo sa tenga mo at nabingi ka.  Ikaw pa galit! 'Wag kang ganyan Rmin! Sumakit tyan ko kakatawa mag-isa.. hanggang ngayon!! 

May ipopost sana akong iba today, pero mas urgent 'to, so next time na yun.