Showing posts with label Asyang's Adventures. Show all posts
Showing posts with label Asyang's Adventures. Show all posts

Saturday, February 17, 2018

Asyang on Valentine's Day


Yes, late na... February 16 na kasi... now... (so kung kelan ko ito ma-ipublish... hehe anong petsa na?).  Sabi ko kasi nung February 14, ibblog ko 'to. Kaso super pagod na ako pag uwi.  'Di ko sure kung accumulated pagod (kasi di ako nagpahinga nung weekend) or sign of aging... or both.  Or may factor din na nakakadrain ng energy ang heat wave sa labas... summer heat na.  (Why?? February pa lang...) But anyway, I have a hearts day kwento!

So last year (well 2017, pero mga late last year.. fine, November to be exact) ko inumpisahan ang efforts ko para sa hindi-ko-pinangarap na skill of driving.  Kung kilala nyo ako, delaying tactics to the max.  Initially naman, legit ang reason ko na nagka near-death experience naman ako nung nabangga kami ng 10-wheeler truck.  Pero nung nakaget over na ako dun... oh well.  Ikkwento na lang ang valentine's day kwento ko.

So, kumuha na ako ng driver's license.  Basta si-net ko ng wednesday, para di naman ako mawalan ng source income, dahil yan ang day na wala akong clinic sa umaga.  In short, gusto ko lang sabihin na hindi ko sinadyang pumunta dun ng February 14, 2018.  Anyway, so naexperience ko naman ang waiting game nung kumuha ako ng student's permit, I came prepared.  Inexpect ko na ang matagal na paghihintay... at pagtunganga.  Actually, may bitbit na din akong libro (novel, not textbook).  At excuse me, nag aral din ako ha, kahit sabi nilang madali.  Ilang beses ko tinake ang reviewer online.  Ang issue ko lang talaga, sa dami ng exam na tinake ko sa buong buhay ko, hindi ako sanay sa Tagalog exam.  Hindi sa nag iinarte ako, pero may weird feeling na nag eexam ako ng Tagalog.  Pwede ka naman magrequest ng English exam, pero kasi, magpapaspecial pa ba ako.. Anyway...

So andun na nga, after ng maraming minutes of paghihintay after ng picture taking... tinawag na ako para pumasok sa "lecture room" daw, also known as "review room" which in reality ay waiting room na may nakapaskil na mga road signs and all para ireview mo daw.  In fairness to A1 driving school, pinatitigan din naman sa akin yan nung orientation day ko.  Tapos may video lang about instructions sa exam, na sinascan daw sya at bawal mag bura at isa lang dapat ang answer mo.  Ganyang stuff, at konting samplex.  So medyo matagal ulit na hintayan dito... okay lang naman sa akin.. sabi ko nga, inexpect ko ito.  Ang hindi ko inexpect ay ito....

Si Kuya Officer sa entrance, yung nagtatawag ng mga papaupuin sa "review room", pumunta sa harap at akala ko naman tuloy nga, maglelecture.  Tapos sabi nya, 'wag daw kami mainip.  Kasi baka bumagsak daw kami kung papasok sa kami sa exam room na mainit ang ulo dahil nainip kami sa labas.  So sabi ko, ah di naman pala lecture, baka pep talk lang.  But no...

Kuya LTO Officer: Sige, bibigyan ko kayo ng tips.  Katulad nito. Anong ibig sabihin nito? *sabay turo sa one way na sign*

Examinees: One-way *yun lang ba?!* (haha)

Kuya LTO Officer: Okay.  Pwede ba mag-park dyan?

Examinees: *iba-iba na sagot* 

Tapos may sumigaw with confidence: Hindi! *syempre naisip ko na mali sya, kasi... testmanship*

Kuya LTO Officer: *medyo galit voice* bakit, ano bang sabi ng sign? one way.  Ito ang no parking *sabay turo sa no parking sign* 'Yan, inip na inip kayo dito, di nyo alam pagpasok nyo dun, mahirap yang exam.  Babagsak kayo.

I therefore conclude, hindi ito pep talk.

Ang dami nya pang sinabi, lahat nagtatapos sa hindi kayo papasa sa exam.  Hanggang si ate na katabi ko, nakayuko na.

Kuya LTO Officer: Akala nyo kasi madali lang.  11 years na ako dito sa trabaho, alam ko na itsura nung mga bumabagsak.  Ganyan na ganyan, yung mga itsura nyong inip na inip na.  Binasa nyo ba ito? *sabay turo sa printed policy about sa mga magrere-take ng exam* Maghihintay kayo ng 1 month and 1 day para mag apply ulit at mag take ng exam.  40 items lang ang exam, kailangan nyo ng 75%.  Iba iba kayo ng exam ng mga katabi nyo kasi 660 questions yan, na nirarandomize.  Hindi kayo pwede magkopyahan.  Mahirap yan.  Pustahan tayo, marami sa inyo babagsak dyan.  Ako nga, magkakamali pa dyan eh.  Kahit may mga kakilala kayo dito, hindi nila kayo matutulungan.  Mag isa ka lang dyan sa loob!

Ay naku talaga, ang tagal nya dun sa harap. Naglelecture kung paano kami ay babagsak dahil mukha kaming inip na inip.  So finally, umupo na sya ulit sa likod.  Hindi ko alam kung nagkataon lang, or ako talaga ang pinaparinggan nya.  Kasi lumingon ako sa likod.  'Di ko alam kung bakit, syempre nakatunganga lang ako dun eh.  For some reason lumingon ako tapos nakita nya ako.  Tapos sabi nya, "Hay nako, inip na inip pa din."  Tapos tumatawa sya. 

Kuya LTO Officer:  *kausap ang isang Kuya na naka Gear One Driving School uniform* Inip na inip sila.  Hayaan mo, matatandaan nila ito, Valentine's Day, bagsak sila sa exam.

Kuya, ano bang pinagdaanan mo today at ang bitter mo? Una sa lahat, yung answer sheet, ordinary papel, wala nung mga mark para sa automated na checking.  Fifty pesos kaya binabayad namin sa med school para sa extra na answer sheet na pang automated.  At nung inabot sa akin ang answer sheet ko, may malaking handwritten in red ink na 38.  (nagkamali ako ng shade sa isa eh) pero may isang tanong na di ko talaga alam.  Pangalawa, pumasa ako.  'Wag kang ano dyan ha.  Imbes na naghintay ako patiently, pinainit mo lang ulo ko eh.  Pero after naman, nakakatawa na lang sya.  At nagkaron pa tuloy ako ng blog.  But anyway, bakit nga ba ang nega?!  Masama bang mainip? E wala namang nagrereklamo sa amin, lahat naman kami silently naiinip lang.  Baka sya yung inip na inip na kaya nya naisipan na manindak ng mga mag eexam.  Oh well.  Natapos na yun.  Nakakatawa na lang sya now. Pumasa na ako. Bow.


Tuesday, December 19, 2017

Oh girls TAIWANna have fuuuun


Ang galing ko sa title no.. (naisip ko 'yan in 5 seconds, bwahaha)

Para saan nga ba ang blog na ito? Parang last week pa nasa draft ko yung title at picture.  'Di ko na maalala kung ano nga bang naisip kong ikwento. Haha.

Well.... I guess, "travel-ish" blog na lang.. actually, food blog na lang pala, i-memory bank ko na lang ang full travel experience (ng bus bloopers, hiking at mga random places na narating nang di sinasadya).  Sana napicturan ko pala lahat ng kinain ko, meron yatang kinain ko lang agad. :P

Spicy Beef Noodles at Yong-kang Beef Noodle (since 1963)
~500 NTD for 2

Yes! So number 1 talaga namin kinain ay beef noodles sa Taiwan. Hindi naman sya mahirap hanapin kasi malayo ka pa lang matatanaw mo na yung pila sa labas.  Mga ilang tumbling lang from the metro station ('yan ang kung sa tamang exit ka lumabas..).  For the record, sa tamang exit kami lumabas.  So no English, at kahit may checklist sila na pang tally ng order namin, di naman namin mabasa.  Medyo inaattempt pa ni tabs na isa-isahin ang chinese characters kung pareho, nauwi naman din sa pagturo lang sa picture.  Make sure lang na sabihin mong small ang order mo (small na 'yang nasa picture), unless na lang bongga talaga yung gutom mo, go.  By the way, warning ko na.  Hindi ako foodie, at di ko madedescribe in detail ang mga pagkain, ang kaya ko lang ay kung masarap, pwede na or kadiri.  Kanya kanyang judgment na 'to.  But ito, masarap naman kasi talaga.  Masarap kahit yung normal/original lang, pero for me, spicy version ang mas winner.  'Di naman namanhid ang bibig ko, pero kasi si Kuya Japanese na kasama namin sa table, nagwaterfalls ang pawis nya.  Well, baka lang di sya sanay sa spicy, or baka may factor na large kasi ang inubos nya.

Scallion Pancake, sa kanto ng Yong-kang
~20 NTD (?)
Lasang pancake nga.  Hindi yung pancake ng pancake house.. yung nilalako or nabibili lang sa kanto-kanto.  Except may hints of fishball-ish na lasa.  Original yung kinain ko, baka masmasarap yung ibang options: with egg, with cheese.. with everything, everything, everything (kumanta ako).  Mahaba kasi yung pila, so nakipila lang kami.  Okay lang naman sya. Nothing stellar (wow).  Haha.

Ay Chung Flour Rice Noodle, Wanhua District
~50 NTD, small (?)

Masarap din! Kahit wala kang ilagay, pwede na.  Pero masmasarap pag may black vinegar.  Tapos konting (as in konti lang kasi ang anghang ng chili sauce nila) chili sauce.  Medyo nung bandang huli nga lang iniwasan ko na yung mga pork intestine, kasi nangawit na ako.  


Crispy Crab, Raohe Night Market
~100 NTD
Masarap din, pero mas masarap siguro isawsaw sa suka (mahilig kasi ako talaga sa suka).  'Di ko masyado naisip na balikan kasi halos same lang naman sa mga nakakain sa Pilipinas.

Taiwanese Pepper Angus Beef, Raohe Night Market
200 NTD
Ito, promise, naenjoy ko.  Ang sarap eh.  Maraming stalls naman nito, sa kahit saang night market.  May mga stalls din na may iba't ibang seasoning.  Pero parang best seller ay yung with Himalayan Salt lang.  Pero Taiwanese Pepper yung na-try ko, kasi nasa Taiwan ako eh, so why not try ang pepper nila (haha). Super sulit. 

Black Pepper Pork Bun, Roahe Night Market
50 NTD
Masarap din.. kaso.. sobrang busog na busog na kasi ako nung binili ko ito.  Pero masarap nga naman, may konting kunat factor yung bread, or mali na yung naimagine ko (medyo, more than a month ago na kasi bago ko pa ito nagawan ng blog).  Pero naaalala kong masarap sya ay nanghinayang ako ng wala nang space yung tyan ko. 

Hot star large fried chicken

Masarap talaga eh.  Actually, sa Australia ko unang na-try ito, habang naglalakad sa may China Town area.  So syempre, kinain ko din sa Taiwan.  In fairness, same naman ang lasa.  Nakakaadik.  Medyo nakakatuyo lang ng lips sa alat after a while (kung uubusin mo mag-isa siguro), pero pwede naman uminom, so go lang sa kain.  May natikman din akong giant fried chicken sa Shilin Night Market, pero ito pa din ang masmasarap (IMHO).  Buti na lang meron na nito dito sa Pilipinas, so kung magcrave man, may chance kumain dito. 

Crispy Baguette, Vanilla

Masarap din, pero pwedeng hindi na balikan.  Lasang broas na may vanilla cream.  Pero in fairness, masarap nga pala yung vanilla filling nila.  Katabi lang ito ng hot star sa may Ximending.


Addiction Aquatic Development

Yes! Masarap! One of my favorite kinain in Taiwan. Kasi mahilig ako sa seafood at Japanese food.  Nasa may fish market lang sya.  Kung magmetro ka papunta, medyo may more than 1km lakad from the nearest metro station.  May option naman na magbus or magcab, pero maspinili namin ang metro + power walking.  Actually, yung walking nakatulong after kumain.  Kasi kinailangan kong idigest ang napakarami kong kinain.  

So may option ka na kumain sa loob, resto style.. or, maggrocery ka ng mga pagkain at kumain sa labas (which I think is cheaper, actually di ko sure).  Pero anyway, naggrocery lang kami, na may kasamang panic kasi hindi ko alam kung anong uunahin.  Sa dami ng choices ng mga nakabox na sushi at sashimi, at kung ano ano pang seafood.  In fairness sa lahat ng kinuha namin masarap lahat.  At bilang isang adik sa miso soup, ang sarap ng miso soup nila.  The best.  At ang daming laman, na hindi ko na mainintidihan kung anong kinakain ko, pero basta masarap.  Price range ~150-350 NTD each para sa mga sushi/sashimi and other seafood boxes.  Fresh pa lahat.  Basta, ang point ko, try nyo.  Favorite ko dito.

Stinky Tofu, Maokong
Medyo requirement naman na matikman ito sa Taiwan kasi sikat sya at kahit saan maamoy sya.  Hindi naman sya nakakasuka.  May mga tao kasing nagsabi na kadiri.  Not so bad, or dahil lang default na mahilig ako sa tofu.  Anyway, kahit saan nga makakakita ka naman nito.  Pero itong sa Maokong, (dun lang sa may kainan paglabas mo ng Maokong Gondola station), not as stinky as the usual stinky tofu, and compared sa nakain ko sa Shilin.. mas masarap ito, medyo mas todo ang weird asim kasi yung gulay sa iba, plus masmasarap yung chili nila. Pero as a Pinoy, walang sinabi 'to sa tokwa't baboy natin.  Haha.  Tokwa't baboy forever.

Oyster Omellete, Shilin Night Market

Legit. Masarap.  Masmasarap pag may chili.

Beef Curry, Modern Toilet Restaurant

Modern Toilet Restaurant

Sweet & Sour Fish, Modern Toilet Restaurant
Hmmm... ordinary lang yung food.  I guess ipupunta mo lang ang experience na weird sya kasi toilet ang theme.  Or baka lang sa dami ng masarap kasi kainan sa Taiwan, di ko sya naappreciate. Chineck lang talaga namin sa checklist na at least na-try namin.



Kung ano man 'tong deep fried taro/yolk custard, Ningxia Night Market
100 NTD
Sobrang sarap.  Sa Ningxia Night Market ko lang ito nakita, at thank you sa nagrecommend na hanapin ito.  Isa sya sa mga stalls na may kapilahan, pero sulit naman nga kasi ang pila.  Kahit ang pagkalost in translation, sulit na, kasi ang sarap nya. Sana pala dinamihan ko pa ang bili, kaso naisip ko din na busog na busog na ako, as usual.  Nakapa-rate limiting factor ng capacity ng tyan ko, huhu.  Anyway, medyo more locals than tourists kasi sa Ningxia (or nagkataon lang?) compared to Raohe and Shilin.  So.. di kami magkaintindihan ni kuya.  Anyway, with some pagturo at pagkamot nya ng ulo sa pag iisip ng english key words, nakabili naman ako. 

Anyway, may mga hindi ko na yata nailagay dito.  Like yung peanut ice cream roll! Mas masarap yung nasa Juifen Old Street, parang mas quality yung wrap.  'Wag mo din palagyan ng kinchay, weird. Ano pa ba, tea egg, masarap din.  O basta, kain lang ng kain!

Bonus: For pasalubong, favorite ko ang hand-made nougat ng Cherry Grandfather.  Masmasarap sya kaysa sa mga nasa night market.  May mga pa-free taste naman ang mga stores/stalls, so pwede mamili.  Pero promise, yan na ang masarap for me (ssabi din ng mga langgam sa bahay namin masarap yan, kasi dinagsa nila yung isang pirasong naiwan ko sa table). 

Tsaka... kung ang requirement pasalubong ay pineapple cake (bakit nga ba? binilin kasi 'to sa akin, tapos ang dami nga naman pineapple cakes dun), sa mga tinikman ko, masarap yung nasa Juifen Old Street.  Di ko maalala yung name, pero color red ang box, tapos nasa mini gold boxes ang bawat pineapple cake.  250 NTD yung 10 pieces.  Pero kung gusto mo ng level up pineapple cake....


Ang sarap promise.  Mas mahal nga lang din (mga 3x times yung presyo, haha), pero ang sarap kasi. 'Di ko maexplain.  Meron silang plain lang na pineapple cake, pero wag mo na pansinin yun.  Mas masarap 'to. Wu Pao Chun sa basement ng Eslite Spectrum Shopping Mall.  Di ko natry yung Sunny Hills na pineapple cake, kasi msarap din daw yun.  Next time.

Oh well, nagutom na naman tuloy ako. 

Wow, after 3 weeks sa drafts, nakatapos din ako ng blog!
Nag-iisip ako ng pang year-end blog eh.  Kung wala, edi ito na yun!

Advanced Merry Christmas and may you all have a Blessed 2018.

- Love lots,
Asyang


P.S. May vlog version ang blog na ito. Kain tayo.




Ephesians 2:8-9 (NIV)
For it is by grace you have been saved, through faith -- and this is not from yourselves,
it is the gift of God -- not by works, so that no one can boast.


Wednesday, April 5, 2017

A Head Full of Dreams

April 4, 2017

So this finally happened...


It was extraordinary.. phenomenal.. kung ano pa.
Sobrang sulit.
Super saya.
Super bitin.
At may hangover talaga.

Pila and pagtayo since afternoon
Jumping and dancing and singing for 2 hours
Kahit after parang di ko na maramdaman yung legs ko

Kailangan maulit!!
Ang saya!!

Sana I can edit the videos soon.
Wala masyadong photos kasi busy ako sa pagtalon at panonood.

BEST CONCERT EVER.


I love you Coldplay.
Please come back.

Wednesday, May 11, 2016

Asyang was attacked!

So... it's been a while... again. Haaaay. Well this time, hindi naman sa busy busyhan, tinamad lang talaga ako.  In general.  I have those moments...  of katamaran.  Hence, my not studying for the exam and endless hours na naubos watching youtube videos and tv series.  Ngayon, trying to get back to my usual routine.  

So sabi ng schedule ko, kailangan na ng progress ng powerpoint ko for my lecture.  Kaso gusto ko pa tumawad ng konting slack time pa...

So let's see, my random thoughts... oooohhh! So last week ay PCP convention sa Marriott.. after nung isang lecture, had to go to the toilet.  Pero dahil kakatapos nga ng lecture, medyo sabay sabay nakaisip yung mga tao ng 'oooh! toilet break!', so ang daming tao.  Feeling ko naman keri ko pa, so bumalik muna sa mga friends ko at sabi ko later na lang dahil ten year yung haba ng pila.  Lumipas pa ang ilang minutes, (naiimagine ko yung sound effect sa movies, pag may may time lapse, or yung nag iimagine sila.. ten den den..) until, di ko na keri.  Pero this time... maluwag na sa CR.  Yey! 

Isa sa mga pet peeve ko, yung mga taong matagal sa cubicle, kahit alam nilang ang haba ng pila. Kasi diba, di mo bahay.  Isipin mo naman ang kapakanan ng mga taong ihing ihi (or jebs na jebs) sa labas. Rapido.  Ganon.  So minsan, pag super tagal nung tao sa cubicle, tapos ang dami nang lumabas sa ibang cubicle, na mas late pang pumasok sa kanya, ang expectation ko ay dapat pang miss universe na itsura nya paglabas.  Tipong dapat nakapagbihis na sya, blow dry ng hair at make-up sa tagal nya sa loob.

Anyway, hindi ako matagal. Actually, patapos na ako nung biglang may nag attempt buksan yung cubicle ko.  Tinry nya isa, tapos medyo nagpanic ako, kasi akala ko bubukas habang I was still in a very vulnerable state.  Buti na lang, hindi nagiba ang lock.  So akala ko nagets na ni ate sa labas na may tao pa.  After 3 seconds, inattempt nya ulit... paulit ulit.  Ate!! 'Wag kang mamressure!! Binibilisan ko na po.... and then, pagbukas ko ng pinto....


I wish nag e-exaggerate lang ako, pero na-trauma ako, kasi ganyan talaga sya pagbukas ko nang pinto.  Minus the sibak... plus a sosyal handbag on the other arm, sabay sabi nang... "ihing ihi na ako!!!".  Seriously, nag panic ako.  Kasi pumapasok na sya sa cubicle nang hindi pa ako nakakalabas. 

As in dumikit ako sa wall bigla kasi sumugod si Ate.  


Actually, hindi ganyan, kasi nagulat talaga ako... Feeling ko, more of ganito....


Shucks, sana napicturan ko yung itsura ko nung moment na yun.  Feeling ko benta.  Anyway, nakalabas naman ako nang buhay, with palpitations for a few seconds before ako nakarecover.

So that was my traumatic experience.  Whew!  Aaaaaaaaand... my extra slack time is over.  Back to work.

Monday, January 25, 2016

Asyang at ang Kwento ng Bisugo


Ito na nga.. ang kwento ng bisugo.  

Si Rmin kasi, ay ang NKTI rotator, at nung Saturday... inaabangan nya si Dr. Baylon para magrounds.  Sabi ko sa kanya, tapos na yung meeting namin ni Ma'am, so abang pa sya.

Sabi nya, gutom na sya.  Sa mga panahong iyon... kasama ko si Tabs, at nakapila kasi sa churros-san.  Actually, nakabili na yata kami non, pero ang tagal kasi ibigay ng churros.  So nakaabang ako kay Ate, as in di ako umaalis sa harap nya para mapressure sya.

Asyang: Awww. Kawawa naman si Rmin gutom na.  (Sabay abot ng phone kay Tabs)  Aliwin mo muna (kasi priority ko ang pressurin si ate dito sa churros)

Tabs: Ok.. (sabay text)


Asyang: Bakit kalentong? May kailangan ka sa Kalentong?
Tasbs: Wala. Wala lang.


Asyang: Bakit ang tagal ng churroooossss??
Tabs: (busy sa text... slightly tumatawa mag-isa)


Asyang: (basa ng text) Alam ko kung saan yung Kalentong! Pwede dumaan don pag pupunta sa PGH! Anong meron sa Kalentong?
Tabs: Ewan ko (text ulit)
Asyang: (balik ulit kay Ate churros)



Asyang: Bakit market?
Tabs: Ewan ko, baka sikat yun don.  Hahahaha.
Asyang: Bakit bisugo?!?! Ano ba ang bisugo?! Sea food ba yan?
Tabs: Isda... (pero tumatawa na kami pareho)

Actually, di ko ineexpect na papatulan pa kami ni Rmin.... kasi sa totoo lang, tawang tawa na kaming dalawa ni Tabs.... but wait, may kasunod pa...


Asyang: Bakit nya iniisip na pupunta ako sa Kalentong para sa bisugo?!? 
Tabs: (di makasagot sa kakatawa, pero text pa din)


Kami lang ba? pero tawang tawa kami ni Tabs sa gold fish.  Orange na maliit.. so gold fish nga? Kaso, sumagot pa din naman si Rmin...


Di na kami makapag usap actually ni Tabs, kasi tawa na kami ng tawa. In fairness, yan pala ang bisugo.  


Hindi na ako nakareply, kasi nanood na kami ng Our Brand is Crisis.  
Kami lang ba ni Tabs? O medyo obvious naman na hindi normal na conversation yun? I mean, knowing me, bakit naman ako pupunta sa kalentong para sa bisugo? But apparently, papasa syang normal conversation with me, kasi may humabol...


May nag-offer sa akin ng help.  Hahahaha. (Love you momma Jaymes)

Hindi pa natapos dyan... kinabukasan...


So sinabi ni Rmin kay Dr. Baylon, na pupunta ako sa NKTI para magdala ng bisugo. 

Rmin, singilin mo na lang si Tabs ng bisugo ha. Love you!




Monday, November 9, 2015

Si Rmin.. at ang butas nyang eardrum.

At dahil pinost mo na din naman... at hanggang ngayon tumatawa pa din ako mag-isa tuwing naalala ko ang event natin kanina... ito na, let me explain.. para maramdaman nila ang naramdaman ko kanina sa van!!!

So, kanina, may ginawa kami sa UST (legit activity 'to for hema fellows).  Anyway, kasama ko ang batchmates kong si Rmin at Ginny, at may bright idea silang mag FX na lang kami pauwi.  (Nakahanda na kasi ang Uber app ko, pero sige, magtipid tayo, bilang mga fellow na walang sweldo).  So ayun na nga.... naghintay kami ng van.

So may van na, yung mahaba ha, hindi yung ordinary FX.  Kaso medyo puno na sya, so sumenyas si Mrs. Driver na isa sa amin sa harap, tapos yung iba dun na sa likod.  So, ako na ang napunta sa harap, katabi ni Mrs. Driver.

Tapos, pagsakay, nagbayad ako, after 30 seconds:

Rmin: Magkano po hanggang Vito Cruz? (saktong volume lang, yung rinig lang from dulo ng van, hanggang sa area namin sa harap)

Mrs. Driver to Mr. Driver: Magkano 'yun?

Mr. Driver: Bente

Mrs. Driver: (in a saktong volume lang din naman) Bente.  Saan po itong trenta? (Kasi may nagbayad)

Mystery Passenger: Isa pong Lawton, isang Vito Cruz.

Mrs. Driver: Kinse po hanggang Lawton.

Rmin: Dalawang Vito Cruz po (after a few seconds natanggap ni Mrs. Driver ang dalawang P 20 ni Rmin)

Mr. Driver: (Yes Rmin, si Kuya ang nagtanong) Meron pong Morayta?? (Kasi nasa Morayta na kami, at gusto nyang malaman kung titigil ba sya)

Rmin: (Sa todong volume.. as in yung WOW ATE, sinong sinisigawan mo? Welga, ganon?) DALAWANG VITO CRUZ PO!! DALAWANG VITO CRUZ!!

So si Mrs. Driver, nakita ko sa ang reflection nya sa glass... with her major confused look to Mr. Driver... naiimagine kong though bubble nya: BAKIT MAY NAGSUSUMIGAW NG VITO CRUZ DON? ANONG ISSUE NI ATE? SABI KO NAMAN BENTE ISA, NAG-AABANG BA SYA NG SUKLI?

Habang ako, nagpipigil ng tawa.  Medyo naisip ko pa na sana di maalala ni Ate na sabay kami sumakay ni Rmin!! Nahiya kasi ako bigla!!

Noong una, successful pa ako magpigil ng tawa... natext ko pa sya:


Kaya lang hindi ko kinaya!! Hanggang makarating kami sa may Rizal Park, tumatawa ako mag-isa! Sumkit pisngi ko, gaga ka.  With tears pa 'yan.  Bakit kasi kung ano anong pinatak mo sa tenga mo at nabingi ka.  Ikaw pa galit! 'Wag kang ganyan Rmin! Sumakit tyan ko kakatawa mag-isa.. hanggang ngayon!! 

May ipopost sana akong iba today, pero mas urgent 'to, so next time na yun.

Thursday, October 22, 2015

Asyang presents... Ate Mystica versus the Machine

Hello Thursday!! Kakatapos lang ng quiz noong isang araw, at report ko kanina.  Tapos may quiz ulit, tapos may report ulit.  Tapos admissions.  Ulit ulit lang.  Pero keri lang… hiningi ko ito dati kay Lord, so bawal magreklamo.  Haha


Anyway, sabi ko nga may kwento pa ako.  Hindi kasi uso sa akin ang online banking and all that stuff.  So, pumipila pa din ako para magbayad ng bills.  Bill actually.  Dahil phone bill lang naman ang binabayaran ko.  Anyway, sa Globe kasi, may ganito nang thing…


…na touch screen, tapos insert insert mo lang ang cash.  So nung isang araw, ang haba nang pila.  Pero ayoko na bumalik, so pinush ko na pumila.  Habang nagbabasa ako ng Twitter pangpalipas oras, medyo napansin kong matagal na kaming hindi gumagalaw sa pila.  So kwento nga ni Tabs, shunga shunga kasi si Kuya.  Di nya kasi maintindihan ang gagawin sa touchscreen… at pumapride sya at ayaw magtanong.  Anyway, si kuya #2 na nakapila sa likod nya, mainit na ang ulo kasi kebs si Kuya sa mahabang pila behind him.  Haaaaay kuya, #ShungaPaMore.  After ten years, natapos sya.  Di ko lang alam kung naachieve nya ang goal nya… or natakot na sya kay Kuya #2.  So bukod kay Kuya #2, impatient na ang mga nakapila, except for me (joke lang, naiinip na din ako, ano ba…). 

So turn na ni Kuya #2.  Confident pa naman sya, na marunong sya gumamit ng machine, at hindi lost katulad ni Kuya Shunga.  Kaso, finail sya ng machine, kasi binabalik lang sa kanya ang bawat bill na pinapasok nya.  Sa point na ito, pinawisan na sya ng butil butil… may pressure kasi… mula sa mga taong impatient na sa likod nya.  Finally, gumive-up na din sya, feeling ko dahil di na nya kinakaya ang pawis nya.  And then… came Ate.  Ate Mystica.

E kasi nga, may topak na yung machine.  Choosy na sya sa bills.  Pero desidido si Ate… na makabayad.  As in now na.  Kaso talagang ayaw ng machine.  So paulit ulit silang dalawa.  Ate Mystica vs machine.  Habang nanonood kaming lahat kung sino mananalo.  Tapos, out of nowhere, lumipad ang kamay ni ate, nakita ko na lang ang long red embellished nails nya sa ere and then *baaaam!*.  Hinampas nya ang machine.  Woooow.  Tapos tinry nya ulit ipasok ang 100 pesos, pero di pa din tinanggap.  Hampasin mo ba naman.  Tapos, ito ngang machine, nagbbroadcast ng personal details mo… so ang laki-laking nakapaskil ang number ni Ate sa screen… 0917503****.  Medyo natempt ako itext sya ng, ok ka na ‘te?

Monday, July 27, 2015

Asyang, The Licensed Embalmer

I love Uber.  Una sa lahat, dahil di ako chinichika ng driver at hinahayaan nila ako mag muni muni by myself sa likod. 

Anyway, may koneksyon yan, pero side kwento muna.  Nung isang araw, nag aadik ako sa youtube.  Nag aadik meaning kung anong issuggest ni youtube sa gilid, pinipindot ko.  Hanggang sa marating ko ang the voice kids, at ang batang nakapasok sa Team Lea.  So may interview pa, sabi ni Lea, anong work ng parents mo?  At sabi nung bata, with matching accent, my mom is a lawyer and my dad is a licensed embalmer.  (Bumenta sa akin, bakit ba?) 

So nung isang araw, di ko na maalala san ako pupunta.  Pero walang Uber…. (Nooooo…) at kailangan ko na talaga umalis.  So napilitan akong mag cab.  Mukha namang mabait si kuya at politely nagtanong kung san ako pupunta.  Di naman sya nagreklamo at di nya rin ako binaba.  But, after 10 seconds, nagtanong na sya… Taga-PGH po kayo?

(Again, noooooo….) No to small talk sa cab.  Sabi ni mama, don’t  talk to strangers.  Nagflashback tuloy yung last time na may makulit akong driver, na ayoko naman din magsungit kasi mukha din syang friendly-ish.  Pero nung nalaman nyang doctor ako, ang dami nyang nakwento hanggang sa nagtatanong na sya kung anong vitamins ang pwede sa kanya. 

So sabi ko, “Opo”, with my prep smile (na by the way, ang meaning ng prep smile ko ay: I am uncomfortable).  Deep inside, sabi ko, “Please, please, please, wag ka na magfollow-up question.”  Pero di narinig ni kuya ang thoughts ko.  Sabi nya, “Ahhh, ano pong trabaho nyo?”

Sa point na ito, yung bata sa youtube ang naisip ko. 

Yep.  Yun ang naisigot ko, with matching accent, hence the title.


In fairness to me, nasabi ko with a straight face. (Pwede na ako mag-artista).  Effective.  Nakapagmuni-muni na ako after nun.

Thursday, July 16, 2015

Asyang, Tabs and Tabachoy

Para sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, meet my friend, Tabachoi.  Tabs for short.  Self-explanatory pag nakita mo sya.  Meron din syang ibang nicknames  (wag lang Taba, maooffend sya).  Pero feeling ko, Tabs ang pinakafavorite nya.

Anyway, niyaya ko si Tabs manood ng Insurgent (kasi gusto ko mapanood si Theo James).  Tapos, after ng movie, tinanong ko sya kung saang faction kami bagay: Abnegation, Amity, Erudite, Dauntless or Candor.  Pero nakalimutan ko na ang sagot nya.   Basta naalala kong bago kami lumabas ng mall, ang tanong ko sa kanya ay, paano kung napunta tayo sa Amity? (kung saan masaya lahat ng tao, at para lang silang high/lutang sa saya).

So ginaya ko sila.  “Hi Tabachoi” (medyo required na napanood mo ang movie, for full effect, pero kung hindi, imagine mo na lang na high ako on something).  Medyo loaded ako sa caffeine at ang dami kong energy kaya pinaulit ulit ko lang ang “Hiiiiii tabaaachoooiii” habang naglalakad sa kahabaan ng Pedro Gil.  Di ko naman napansin na napalapit kami sa isang  stranger…. na tabachoy din.

So sabi ko, “Hiiii Tabaaachhhoiiiii!”.  Tapos lumingon si Ate, dahan dahan kong nakita ang face nya sa peripheral vision ko, at ang sabi ng mukha nya: “$%!&* (insert bad word), sinong tinatawag mong taba----“… simultaneously sabi ko sa utak ko, “Ateeee, I caaaaan exxxplaaa—“ (slow motion kasi).  Pero bago namin matapos ang thought bubble namin, nahagip ng peripheral vision ni Ate si Tabs, walking at a glacial pace.  Tapos nawala ang bakas ng galit sa mukha ni ate, at nabasa namin ni Tabs ang thought bubble nya: “$%!&*, sinong tinatawag mong taba--- Aaaah, tabachoi nga.”


Shetty.  Muntik na ako mapaaway dun.


Wednesday, July 15, 2015

Asyang and the Make-Up Experts

Medyo late bloomer ako sa make-up.  Siguro bilang tamad ako.  Plus, walang point, siguro lalo nung college, kasi from swimming pool, nakakarating ako sa classroom ko in 20 mins (ang galing ko na pag di tumutulo yung buhok by then.. so ang point, wala din namang time dati).  Nung med school, medyo naglalagay na ako ng lipgloss.   Minsan blush-on.  Natuto lang ako nung residency na, ang (napaka) basic skills ko c/o Apple, at the rest ay c/o Youtube (kung saan, pwede mo na yata matutunan lahat).

Anyway, obviously, hindi ako ang expert.  At hindi rin ang mga youtubers (na by the way, million million ang followers dahil lang sa mga ganyan).  Para sa akin, ang mga expert ay ang mga ate sa LRT/MRT.  Natry nyo na ba sila panoorin?

Naalala ko talaga si ate sa LRT, start from scratch, with all the pimple marks at manipis na kilay. So concealer, effortless.  Tapos powder.  Ang bilis lang. Blush-on.  Carry. And then.. nilabas nya ang eye shadow… Sabi ko, so full make-up talaga? (syempre hindi out loud) In fairness kay ate, kahit umaalog alog ang LRT, perfect nya ang smokey eyes effect! (So yes, tinititigan ko lang si ate the whole time.)  Pero di pa sya tapos, naglabas pa sya ng… tentenenen… eyeliner. Nagawa na nya yung isang mata.  At by this time ay amazed na amazed na ako. Pero dahil sya si ate at gusto nya magpakitang gilas, bigla na lang sya tumayo, at inooffer nya kay lola ang upuan nya (sa sobrang intense ng pagkakanood ko sa kanya, di ko nga namalayan kung san nanggaling si lola!)  
So habang nakatayo, alog alog, napantay nya ang eyeliner pati ang mga kilay nya.  Just like that, bam! (Ulitin mo, with feelings… bheym!)



Bumaba na si ate, ready to face the world.  Ang galing.

After 10 seconds, tsaka ko narealize, dun din ako dapat bababa, kung saan bumaba si ate.

Asyang and the Scary Ate sa Shuttle

Saturday is my free day. Ito ang araw na ang attitude ko ay: lahat ng ayoko gawin today ay kaya kong gawin bukas.. (except pala kung ako ang duty.. rounds muna; tsaka usually, tinatapos ko na ang mga bagay bagay pag Friday – yes, kailangan ko mag explain).  Hence, I love Saturdays.  Pero may isang part ng Saturday, na hindi masyado fun: ang pagpila sa shuttle.
Dati naman kasi wala si Ate dun.  Pero few weeks ago, after ko magliwaliw sa Makati at oras nang umuwi, pumila ako sa shuttle. Tapos, bigla na lang may lumapit sa akin na Ate, na maspayat pa sa akin, and I think masmatangkad pa ako sa kanya. Pero feeling nya sya si John Regala.. (or si Dick Israel… ginoogle ko pa yan).  So out of nowhere, in her siga voice, sabi nya sa akin, “Asan na ang pamasahe?”.  Natakot ako promise.  Sabay hanap ng pambayad.
So, nung sumunod na week, ayan na naman si ate.  But this time, si ate girl na nasa harap ko ang una nyang nilapitan, at inabutan sya ng 500 pesos.  Again, in her siga voice, sabi nya “Ate, wala ka bang barya?” (with a facial expression na nagsasabing “ang hassle mo naman ate”).  Natakot din yata si ate girl kasi bigla syang nakapaglabas ng exact amount. Buti na lang, sakto din ang pambayad ko.
At ang pinakarecent incident ay ang paghahanap nya sa pasaherong di nya pa nasusuklian.  So nakaupo na kaming lahat sa van, sabi ni ate, “sino yung may sukli pa?”, again sa pinakasiga nyang boses.  Lagot, ang tahimik.  After 3 seconds, inulit nya ang tanong, nilevel up nya lang ang volume. Finally, itong si kuya nan aka earphones ay nagtaas na ng kamay.  Tapos sabi ni ate, “Hindi pa kasi sumagot agad!”  Sabay abot ng sukli then slide ng pinto.  Galit si Ate.
So, kung uuwi ka din sa Imus from Makati, like me, maghanda ka ng P55.00, pumila ng maayos.. and avoid eye contact.  You are welcome in advance.

Asyang versus the Swimming Ipis

Yes. Swimming ipis. 

Ako ay isa sa mga taong nag-aalarm ng super maaga, para lang makapag-snooze ng maraming beses. At pag totoong time na bumangon, kailangan ko pa ng ilang minutes para umiikot ikot sa kama, at mga 3 mins for social media browsing bago ako finally bumangon.  At pag bangon ko, parang tulog pa din ang half of myself.  

So, nung isang umaga, half-asleep me, ay nasa shower na.  At ang bumati sa akin that day… ay isang floating ipis sa half-full na timba.  Actually, di sya floating, nakatungtong pa naman sya sa handle ng tabo.

Take note, hindi sya ipis.  Isa syang IPIS.  So nagpanic ako at nawala ang bawat butil ng antok sa katawan ko.  Nagtowel ako agad just in case maging flying ipis sya.  Ayokong tumakbo sa hallway nang walang saplot.

Anyway, tumayo ako for 30 seconds, para mag isip ng game plan.  Kasi hindi option ang hindi maligo.  Anyway, naisip kong kailangan ko muna tanggalin ang tabo.
So habang nagpapalpitate ako (seryoso kasi, i hate ipis), nilubog ko ang tabo sa water hanggang sa napilitan syang magfloating tapos kinuha ko ang tabo.  So nagpanic swimming paikot ikot sa timba, at buti na lang di sya nakalipad.
Tapos, binuhos ko sya sa toilet. 

Goodbye ipis.  Ayun lang.  Nanalo ako.