Wednesday, July 15, 2015

Asyang and the Make-Up Experts

Medyo late bloomer ako sa make-up.  Siguro bilang tamad ako.  Plus, walang point, siguro lalo nung college, kasi from swimming pool, nakakarating ako sa classroom ko in 20 mins (ang galing ko na pag di tumutulo yung buhok by then.. so ang point, wala din namang time dati).  Nung med school, medyo naglalagay na ako ng lipgloss.   Minsan blush-on.  Natuto lang ako nung residency na, ang (napaka) basic skills ko c/o Apple, at the rest ay c/o Youtube (kung saan, pwede mo na yata matutunan lahat).

Anyway, obviously, hindi ako ang expert.  At hindi rin ang mga youtubers (na by the way, million million ang followers dahil lang sa mga ganyan).  Para sa akin, ang mga expert ay ang mga ate sa LRT/MRT.  Natry nyo na ba sila panoorin?

Naalala ko talaga si ate sa LRT, start from scratch, with all the pimple marks at manipis na kilay. So concealer, effortless.  Tapos powder.  Ang bilis lang. Blush-on.  Carry. And then.. nilabas nya ang eye shadow… Sabi ko, so full make-up talaga? (syempre hindi out loud) In fairness kay ate, kahit umaalog alog ang LRT, perfect nya ang smokey eyes effect! (So yes, tinititigan ko lang si ate the whole time.)  Pero di pa sya tapos, naglabas pa sya ng… tentenenen… eyeliner. Nagawa na nya yung isang mata.  At by this time ay amazed na amazed na ako. Pero dahil sya si ate at gusto nya magpakitang gilas, bigla na lang sya tumayo, at inooffer nya kay lola ang upuan nya (sa sobrang intense ng pagkakanood ko sa kanya, di ko nga namalayan kung san nanggaling si lola!)  
So habang nakatayo, alog alog, napantay nya ang eyeliner pati ang mga kilay nya.  Just like that, bam! (Ulitin mo, with feelings… bheym!)



Bumaba na si ate, ready to face the world.  Ang galing.

After 10 seconds, tsaka ko narealize, dun din ako dapat bababa, kung saan bumaba si ate.

No comments:

Post a Comment