Looooooong weekend!
Actuallly, a verrrry looong weekend!!
(Na actually tapos na kasi late ko ito pinost!!!)
So kamusta naman?
(Na actually tapos na kasi late ko ito pinost!!!)
So kamusta naman?
Ito lang ang balak ko gawin this weekend. |
Soooo... naging patay na bata ako these last few weeks. Yes, me and my boring daily to-do lists. Haha. Boring meaning wala akong time mag people watching at mag adventure kung saan-saan, kasi may mga kailangan gawin.. (...pft! ---> so paano pala 'yan basahin?). In between, ang past time ko ay talking to myself. (Because I have no friends...) Joke lang, may friends ako. Like... my pillow. (Joke lang ulit). Anywaaaaay....
I have a (pen... Noooo...) list. Of things that are annoying. Pero dahil long weekend, at masaya yun, let's make it a happy-slash-positive list instead. Thanks to breakfast buffet.... na may bacon... (whaat!! BACON!!) and bread pudding (WHAAATTT!! BREAD PUDDING!!). So ang saya ko diba?
Alam mo kung ano pa ang masaya?
1. Yung malagyan mo ng nail polish yung mga nails mo sa right hand
1. Yung malagyan mo ng nail polish yung mga nails mo sa right hand
(Fine, left hand kung left-handed ka.) Nagawa ko yun last week! Sale kasi yung nail polish, so feeling ko kaya ko naman kulayan yung fingernails ko. Dark blue. Ganda. Successful naman ako, pero the struggle... is real. As a medyo-OC-ish person, di ako mapakali sa mga konting, lagpas lagpasa sa gilid. So ginaya yung ginagawa nina ate sa NailTropics, na may stick (gumamit ako ng toothpick) na may konting cotton sa end tapos sinawsaw sa nail polish remover. Kaso, ang nangyari, kumalat lang lalo yung blue. Pero maayos naman din kinalabasan nung nails, pero medyo blue nga lang din yung palad ko.. tsaka yung gilid ng kamay ko.. tsaka study table ko.
Tada!! Ganda ng nail polish ko diba? Galing ni Ate sa Nailtropics eh. |
2. Kapag nakakatawid ako sa pedestrian crossing
Yung dun talaga sa lines ha. Kasi nga, nakaka-OC. Gusto ko dun ako sa lines mismo maglakad. Feeling ko, may super powers sila na kaya nila akong iligtas. Bihira na yan mangyari, kasi maraming driver na pasaway.. na hihinto, dun mismo sa lines. Eh kung sagasaan ko kaya sila. Hindi ba nakakanega yun? Saan pala ako tatawid e nakaharang ka na. Feeling ko ninakawan ako ng super powers sa pagtawid. But anyway... kaya masaya pag may chance na maglakad sa lines.
3. Yung.. nagccrave ka ng ice cream.. tapos may ice cream tub sa freezer...
na.. wait for it..... ICE CREAM TALAGA ANG LAMAN! Credits to my brother, kasi paulit ulit nyang sinasabi sa akin na: "Gusto mo ng ice cream? Meron sa ref, hindi isda ang laman!!". Kasi nga, may mga pagkakataon na mabibigo ka sa quest mo for ice cream kapag tirang ulam (or yung napamalengke na pang ulam) pala ang laman ng mga lalagyan ng ice cream. Well, marami naman nang lalagyan ng ulam sa bahay, so pag may ice cream sa freezer... ice cream for real.
4. Yung.. nanonood ka ng concert ng PTX.. tapos kumanta si Avi.
Kasi nga, si Ate na wild na katabi namin sa concert, nakakabother na. (Read our medyo traumatic experience : http://nyabach0i.blogspot.com/2016/10/pentatonix-world-tour-2016-not-review.html) So ito lang yung part na bawal ang maingay kasi wala silang mic. Tapos si Avi yung kumantaaaaa. Seriously, bakit ganyan yung boses nya? Ang saya ko dyan.
5. Yung after mong madisappoint sa Pablo, may random kang nadaanan na cheese tarts...
...tapos legit sya. Ang saraaaap. Naubos ko agad yung cheese, so itong matcha na lang napicturan ko.
Seriously, ang sarap. Although, hindi ako legit na foodie. Ang kaya ko lang sabihin ay kung masarap, or hindi. Pero ito, promise, ang sarap eh. Kumori, P 60-70.00 per piece. Go na.
aaaaaannnnnnnddd.. that's it for now. Because I have a presentation tomorrow. A dance presentation. Interpretative. Joke lang. May case presentation ako tomorrow. So, good nighty!
-Asyang
No comments:
Post a Comment