Showing posts with label Medicine. Show all posts
Showing posts with label Medicine. Show all posts

Wednesday, August 19, 2015

Asyang and the Movies

Kahit busy busyhan ako ngayon, pipilitin ko magkwento.  Push ko na ‘to.  Tsaka kahit gaano ka-busy, kailangan ko pagbigyan ang “protected time” for myself, na madalas ay nailalaan sa pag-aadik ko sa good food (na sa ibang araw ko na kkwento) at movies.

(Side kwento) Bakit ako busy? Ito na kasi ang panahon ng paghahanda para sa annual convention… which means… required na naman kami magpakitag gilas with our dance moves.  Wow.  May moves.  Masaya naman in general ang experience last year, kahit narealize kong malayo ang expectation sa reality pagdating sa flexibility and dance skills ko. 



As a frustrated gymnast/contemporary dancer (contemporary talaga, Amy Yakima level, ganon), everytime may dance step na hindi mapagkasunduan ang utak ko at ng katawan ko, gusto ko sumigaw ng “kamoteeeee, swimming na lang, huhu”.  So, isipin mo na lang ang effort ko (actually, effort naming lahat) ngayon, na may legit teacher kaming push kung push.    At hindi kayang ibully ni Rmin na palitan ang steps na mahirap.  So yung utak ko, parating…

1..2..3..4..5..6..7..8..

At dahil legit si teacher, may ganito pa, 7…8…talon…takbo…hawak…5…6…7...8…1…2..Heeeeee! (strike a karate kid pose)..4..5..6..7..8. Run…  (Kamoteeee.. bakit ang hirap gumalaw sa lupa?)

Anyway, pangalawang reason… dahil sa pagbabalik ng weekly quiz.  Yes, grade school lang.  Quiz kung quiz.  At bitbit ko si Williams kahit saan.  Bakit? Kasi, kamote again, competitive kami.  Huwag na natin ideny and nerdy mode natin.  Yung nagcocompare-an kung ilang pages na ang nabasa, kung gaano kakulay ang mga libro, at nagsisite ng page pag sumasagot (yes Jayme, I am thinking of you).  At bibong bibo pagdating sa pagchecheck ng papers. 

So, medyo mahaba ang side kwento! Therefore, next time na lang pala totoong kwento.

Hehe.



Thursday, November 25, 2010

Flights of Ideas.. ng isang taong bangag at walang tulog.

inaantok na talaga ako. every rounds ko sa floors, tumatawad na ako ng power nap. in short, natulugan ko ang lahat ng nurses station, at may red na bilog na ako malamang sa noo. hehe. in fairness to me and my new found default face, natuwa naman ako sa complement na: you always look happy, that's nice. haha. dati kasi puro na lang mukha kang suplada. haha oh well. bangag pa din ako. di lang siguro halata na from na ako at hindi pa naliligo. buti na lang, may mga baon ang mga nurses at pinapakain ako. at tinitimplahan pa ako ng iced tea. natuwa naman ako.

ano bang mahirap sa sapinoso? hindi naman ako galit, nagwowonder lang. haha s-a-p-i-n-o-s-o. kasi sabi ko sa nurses, pag may nagpapage pa na Dr. Sapinosa, or Dr. Pinoso, hindi na ako sasagot. hahaha. natawa lang din sila kasi tumatawa ako. ok na yun, basta patulugin nyo ako, hehe. salamat sa mga hindi nang gigising para sa to follow at rbs. very good. clap, clap. kasi hindi ko na alam kung pano ko hahatiin ang katawan ko.

ayun. may irita mode pa. buti na lang, sa mga tinginan, nagkakaintidihan kami na.. alam na. nakakainis. kaya idadaan na lang namin sa sinigang. at starbucks coffee (para sa sticker). cheers na lang.

antok na talaga ako. at di ko na rin masyado maramdaman yung legs ko. haha. kaya, iba na lang. ayoko na pag usapan ang ospital. pagkain na lang kaya ulit. bakit ang sarap kumain? favorite ko talaga yun. ay, mas masaya pala. Pumasa na yung brother ko sa boards!! Woohoo. Sana yumaman na sya at tustusan nya ako. Poverty kasi. Bakit ba ganun? hehe antok na talaga ako. As in may ptosis na nagaganap. Di ko naman alam kung bakit ko pinagpipilitan mag blog. Wala namang kwenta ang random thoughts ko. Naiinis lang din kasi ang ng bonggang bongga. Dinaig pa ang... anong tawag dun sa color blue thingy na hand sanitizer sa hospital? hay wala na.. di na gumagana yung utak ko. anyway, malupit pa sya dun sa paglilinis ng kamay. wala pang 2 seconds, nakaturo na sa iba. lupet.

"assumera ka kasi" shet, sumakit yung tyan ko kakatawa. umiral na naman ang kamalditahan ko. di naman yun kamalditahan. truth lang ito. fact. ganun. bagay na di ko kaya baguhin, kahit anong pilit. sadyang ganun talaga ang buhay. kanya kanyang trip yan sa buhay. ganun din naman, may ayaw ka.. di mo naman mabago din. e.. ganun talaga. kesa mag ubos ako ng energy, kebs na lang. napakarandom na nito...

ano na ulit tawag dun sa kulay blue na hand sanitizer?! nakakainis. bakit hindi ko maisip! tumigil na yung utak ko.

Wednesday, September 15, 2010

Emotera Mode ni Asyang

Moving out! Huhu. Bakit nakakalungkot maghakot ng gamit? At nakakapagod.

Pero seryoso, may something sa paglilipat na ito. Una sa lahat, hindi ko na kasi alam ang kasunod. Parang, after nito, saan na ako pupulutin? Malamang sa bahay muna, pero after nun? Hindi ko na alam. Patience. Pero nakakapraning din. Pwedeng exciting at pwedeng scary, ang thought na hindi mo pa alam kung anong kasunod. Plus, sa totoo lang, tahimik man at mas tipid ang buhay probinsya, hindi na ako sanay. Parang masaya lang sya kung uuwi ka for the weekend para magrelax at makatikim ang lutong bahay. Pero hindi sa ganitong panahon. Parang nakakadagdag sya sa kalungkutan! Haha.

So anong next? Residency. Yun ang plan. Nag apply ako ng IM sa Polymedic, UE and Cardinal. Mag-apply sana ako ng OB sa TMC, pero parang masyado na magulo utak ko, ayoko na din dagdagan ang dilemma, so stick to IM na nga lang ako. So san na? Hindi ko alam! HINDI KO ALAM. Maghihintay na lang ako kasi nakakabaliw isipin. Siguro naman kung pinasa ako ni Lord sa boards, may paglalagyan naman sya sa akin.

Maiba naman tayo. Mineet ko yung friend ko sa Barcino para makipag kwentuhan. Medyo sakto din. Namiss ko talaga yun kausap. Anything under the sun, plus medyo nag reminisce and in a way, nagkaconfidence ako ulit after ko mag anxiety attack. Actually, narealize ko, ganun na nga ako. Nagpapanic slight, then panic ng major. Kahit alam ko naman na in the end, go lang ako ng go. Fight. Minsan talaga kailangan ko lang mag-rant, magreklamo.. In the end, I checheer ko din naman ang sarili ko. Kailangan ko lang siguro na maremind na kaya ko to. Kaya sa mga friends kong hindi nagsasawa sa mga panic attacks ko at nagcheecheer sa akin, thank you nang super dami. Hindi rin ako magsasawa sa pagcheer sa inyo kasi nagkakapanic attacks din naman kayo. Haha. Tsaka wala akong friend na loser kaya pag sinabi kong carry nyo yan, carry lang.

Ikkwento ko sana yung conversation namin ng friend ko, kaso over sharing. Haha. Naisip ko wag na muna ishare. Basta ang sagot ko sa malupit nyang tanong ay: pwede ‘wag ko na munang sagutin?! Haha kasi naman! Malalaman din natin siguro ang sagot, at wish ko ay hindi naman YES ang sagot. Ang lungkot nun.

Matanda na tayo. Bakit ako nakarecieve ng text na matanda na tayo?! Haha feeling ko kasi college pa din ako. Kaya nga ako nalulungkot na residency na ang kasunod, kasi wala namang college student ang nagreresidency! Ibig sabihin, 25 na talaga ako. (sorry naman sa mga hindi 1985. Pero nagets nyo naman ang point… ng MATANDA na tayo kasi magreresidency na tayo)

So, saan na ang next? HINDI KO NGA ALAM. Pero sabi nga ng friend ko, feeling nya kaya naman nya mag enjoy kung san sya mapadpad. Therefore, magfeefeeling na din ako. Kaya ko mag enjoy, kung saan man ako mapadpad. Pero, mamimiss ko kayo nang MALALA. As in. Magkikita pa din naman tayo diba?

Wednesday, May 5, 2010

Boards, boards, boards.

iPod (check)
highlighters in different colors (check)
iced coffee (check)
pen (check)
post-it (check)
reviewers (check)

Kailangan ko ng lang ng motivation para mag-aral.

Facebook (let me check my facebook again!)

Tuesday, May 4, 2010

April 30, 2010

There were times when it seemed to be endless. But now that it has finally ended, you can’t help but look back, smile, and realize that amidst everything that has happened, I am here.

Happy, fulfilled, sad, anxious… and the list goes on. These are the things that you feel when a chapter of your life ends. But how do we say goodbye? And as Father told us in his homily, we say goodbye by saying Thank You, I’m Sorry and I hope.

Thank you…
For the friendship that lasted a year of challenges, misunderstandings, stress and schedule wars (in general)…



For the times we spent eating together… Coop food, mess hall food, good food, happy food, tipid food, 7-11 food…



For the priceless memories… (staring during rounds, super rush presentations, making up stories.. ahem psych CL…, ACU haggardness, glee bondings...)



For keeping us healthy despite the abundant normal flora of PGH… and giving us the physical strength to endure the challenges...



Sorry…
For being mataray… although na mamask kasi mas madaming mataray sa akin.. *ahem*
For my tamaaaad days…



For whatever shortcomings I have…

I hope…
We pass the boards.. hehe



That we see each other again, preferably not in PGH!

Monday, April 12, 2010

Super rant!

Pumasok ako sa elevator, then may patient in stretcher (stryker) na tinutulak ng isang intern and isang clerk. Medyo mahirap naman talaga i drive yung stretcher na yun, so hindi nila nasagad sa may wall yung stretcher. And then, out of nowhere...

Philcare person na medyo elderly female: Hindi po ganyan, isagad nyo sa gilid. (sabay tulak tulak ng stretcher habang iniipit nya ako sa corner!!! Di man lang ako binigyan ng chance umusog!)

Finally, nasagad na nya sa side. Then, bumaba yung patient with intern and clerk. Sumara ang elevator, sabay ang lola philcare mo, sumimangot.

Philcare: Hindi kasi marunong magdrive. (with matching agit face)

NA: Hayaan mo na yun ate, mayayaman yung mga yun. Di yun sanay sa ganyan.

Philcare: Hindi. Dapat pinag-aaralan nila yan! (still with agit face, hindi nagpapatawa ang lola mo.)

NA: Ano ka ba. Dapat kasi may manong. (nakita nya siguro na nanlaki ang mga mata ko)

Elevator person: Oo nga, dapat may manong.

Philcare: Dapat inaaral nila yan kasi nandito sila!

Elevator person: Ang init naman ng ulo mo.

Then, bumaba na si philcare person.

Ay nako talaga!! Nakakaloka! At galit na galit talaga sya ha. Kung di lang talaga sya matanda, at di ako pagod na pagod kakaakyat baba sa NICU..!!!! DAPAT KASI MAY MANONG!!!

Thursday, April 8, 2010

Catcher Duties!



Our cutie babies! I want one! Pwede ko ba sila nakawin? Kasi ayoko manganak. Tsaka ibabalik ko naman sila pag malaki na sila. Hehe.

Sunday, April 4, 2010

Baby Angel


After being intubated, 2 weeks on NCPAP, weaning, and failing on nasal cannula, she finally tolerated minimal oxygen support. I was the proud intern. This is Baby Angel. Born preterm, 31 weeks by pediatric aging, via low segment ceasarean section. Her mommy died because of ecclampsia. She was readmitted because of aspiration pneumonia and coded twice. Today, she sleeps soundly in her incubator. While her dad goes from one bed to another, looking for mommies who are willing to donate breastmilk for Baby Angel. In this case, no such thing as 'bantay failure'. I hope she gets better soon.

I liked pediatrics for the cute babies. I liked seeing babies like Baby Angel get well. But I can't be in Pediatrics... because not all cute babies get well. Some of them will die.

He was an 8 year old kid, who was diagnosed with Osteosarcoma about a year ago. He underwent right hip disarticulation. He has been sitting for the last couple of months because he had trouble breathing when lying down. Then one day, he complained of difficulty breathing despite oxygen support. He waited for his mom, and after a while, he coded. I was there, doing chest compressions, until his mother asked us to stop resuscitating.

I don't know how to put it in words. It's different when an adult dies. Kids should not die, because they're kids. They're babies.

I can't be in Pediatrics because I don't like computations, formulas, tiny vessels, tantrums... and dying children. It's too sad.

Monday, March 15, 2010

Old Posts

Exagge naman yung ten years, mga 11 months lang to be exact. At baka nga this time, looseness of associtations na. Anyway, short kwento muna: second attempt ko na ito to blog. I hate multiply for not saving my blog! After approximately 30 minutes of typing (my random thoughts), I clicked on the publish button, then *poof*, bumalik lang sya sa site then walang blog. Arg. Effort. Anyway, my psych/anes experience is driving me crazy. Crazy people. At nakakapagod ng malala. Kakasira ng ulo sa psych (maiimunne ka nga naman, which is scary kasi baka lang dahil yun crazy ka na din) At kamusta naman ang diner dash ng pagBP sa PACU (recovery room)!?!?! I hate it. Dapat may hinahire na lang para magBP eh. Super sakit sa kamay last time nung toxic duty ko. Try nyo magBP for…. 15 hours!!! Buti na lang 1 more duty na lang (tomorrow… ngayon pa lang nagdadasal na ako) Not fun. And my patient’s have NPO breath… hmmm… reminiscing OB… Anyway, last time may mga funny kwentos, but ngayon na lang sya funny dahil during that time, naiirita lang ako sa kapaguran ko. May lola, na sumisigaw… sabi nya wag daw syang deadmahin, at wag magbingibingihan. Naiinip na kasi sya. Then she saw me, “Doktora, pakipulot nga ang sipilyo ko (sabay turo sa floor), nahulog ko.” (syempre walang toothbrush, imagination lang ni lola. Tapos 66 year old female, kakagising lang, umiiyak. Yung pang kinder-na-inagawan-ng-candy iyaw. “ang ate ko, asan ang ate ko?” paulit ulit. Nakakaloka si kuya nurse, pinatulan. “Lola? May ate pa kayo?” (with a grin). At si pay patient, “Nurse?!” (I’m not a nurse, I’m not wearing green scrubs!) “pakitawagan ang relatives ko sa roon, I want my pillow and my blanket. And water.” (Ate, nakita mo bang umaapaw na ang mga pasyente dito sa PACU at medyo all by myself ako ngayon?) syempre, in real life, deadma lang ako, walk away at baka may maisip pa syang iutos sa akin. Syempre, di din ako tumawag sa room nya. At maya maya narinig ko na lang winawarla na nya yung mga nurse.
Anyway, triage ako the yesterday sa ER. May patient from Bulacan, referred for CTT insertion. Pina THOC (to hospital of choice). So mega explain na naman ako, “punong puno po ang ospital, walang kama, walang mag oopera etc etc…” (habang nagsusulat na ako ng form) so gone na si lola. After 1 hour, bumalik sya at dineclare ni kuya ng pumunta daw sila Ospital ng Maynila at pinabalik daw sila sa PGH!!! Nakakaloka. Tinurf na nga pinabalik pa sa amin. So explain na naman ako na hindi nga sya maadmit dahil no vacancy. Even the floors are not vacant! Haha so… after 20 minutes, nagpapaliwanag pa din ako.. hay.
Tap tap revenge! Where’s sandee? Adik na ako sa tap tap revenge 2. Gusto ko na tuloy ng iTouch just for that. I miss lady gaga and her themed stage (complete with all the diamonds spinning) Hehe I want to play.. 
Si joanne ang kasama ko ngayon dito sa PACU…. Resident to patient: Anong pangalan mo? Patient: Bumubulong… Resident: Lakasan mo, kailangan marinig ko dito (nakatayo sya sa medyo malayo.. ) Joanne: may ganun ba, parang snellen? Kasama bas a NVS ang distance? Ace: baka ayaw nya lang maamoy ang NPO breath.
Gusto ko na magbakasyon. As in beach. May sand, may araw, may tubig… walang pasyente. But no, ang meron lang ako ay countdown to IM rotation.. boo. Boljakan na naman. Wish ko lang tlga, wag ako madeprive ng tulog! And food. Marunong pa kaya ako magbasa ng ECG? Sana naman no, dahil balak ko magIM.
Manood kayo ng Glee. Na nakuha ko lang kay Bea “nagbago na ako” Tauli. Magsstart na ulit yung Grey’s Anatomy. Yey. Meron pang kasunod yung mga sinulat ko kaso pagod na ako magtype. To be continued.