Pumasok ako sa elevator, then may patient in stretcher (stryker) na tinutulak ng isang intern and isang clerk. Medyo mahirap naman talaga i drive yung stretcher na yun, so hindi nila nasagad sa may wall yung stretcher. And then, out of nowhere...
Philcare person na medyo elderly female: Hindi po ganyan, isagad nyo sa gilid. (sabay tulak tulak ng stretcher habang iniipit nya ako sa corner!!! Di man lang ako binigyan ng chance umusog!)
Finally, nasagad na nya sa side. Then, bumaba yung patient with intern and clerk. Sumara ang elevator, sabay ang lola philcare mo, sumimangot.
Philcare: Hindi kasi marunong magdrive. (with matching agit face)
NA: Hayaan mo na yun ate, mayayaman yung mga yun. Di yun sanay sa ganyan.
Philcare: Hindi. Dapat pinag-aaralan nila yan! (still with agit face, hindi nagpapatawa ang lola mo.)
NA: Ano ka ba. Dapat kasi may manong. (nakita nya siguro na nanlaki ang mga mata ko)
Elevator person: Oo nga, dapat may manong.
Philcare: Dapat inaaral nila yan kasi nandito sila!
Elevator person: Ang init naman ng ulo mo.
Then, bumaba na si philcare person.
Ay nako talaga!! Nakakaloka! At galit na galit talaga sya ha. Kung di lang talaga sya matanda, at di ako pagod na pagod kakaakyat baba sa NICU..!!!! DAPAT KASI MAY MANONG!!!
No comments:
Post a Comment