Showing posts with label Pet peeves. Show all posts
Showing posts with label Pet peeves. Show all posts

Friday, November 24, 2017

Pila and Pet Peeves


Yes, check ang Taiwan!  Kung saan wala akong ginawa kundi kumain at maglakad para magburn ng kinain para makakain ulit.  Dahil dyan, sumuko ang tyan ko, lalo na ang legs ko... but that's for another blog.. or vlog.. or memory bank na lang.  Pag isipan ko.. (kung mamotivate akong gumawa ng alin man dyan hehe)

Because today, gusto ko lang i-share ang experience ko sa mga pila para lang makarating sa Taiwan.  Hindi ko na maalala kung anong number na sa listahan.. Number 8? But anyway, isa sa nakakainis diba, yung mga sumisingit sa pila.  Medyo malas talaga ako sa mga pilahan eh (parang medyo nablog ko na yata ng slight).

So after ten years namin sa pila for bag drop.. (yes, ten years ang pila.. why??), ang haba din ng pila sa immigration.  So dito nagsimula ang trend nang singitan.  Bakit kasi may concept tayo (di ko lang kasi sure kung very pinoy lang 'to) na pwede ka mag-save ng spot sa mga pila.  Lalo na sa aiport.. kung saan...



Una, sa labas pa lang kami ng immigration (kasi ganun kahaba yung pila, abot sa labas).. tapos may sumilip na Ate from inside, sabay kaway para sumenyas na "Guys, let' go, nag save ako ng space nyo sa delubyo sa kahabaan ng pila na ito".  Hindi lang kasi isang tao ang kasama nya (pero kahit isa lang, bakit di sya pumila katulad ng ibang tao? like me?), pero kasama nya ang isang baranggay.  Like nanay, tatay, ate, kuya, bunso, si inday, si tita, si tito, yung pinsan, yung boyfriend ng pinsan, yung kaibigan ng boyfriend ng pinsan... isang baranggay nga kasi.  Ang OA. Samantalang si Ate lang naman yung pumila tapos sisingit silang lahat.  Wala namang express lane for baranggay. Pakiexplain. 

Pakiexplain kung bakit naisip nilang okay lang 'yon.  At pakiexplain kung bakit okay lang din yun kay Kuya Guard?!

Dahil una pa lang yan, may pangalawa.  Kasi after ten years ulit sa immigration (at after unti-unting nauubos ang energy ko sa pagtayo sa kainitan), finally, dalawang ate na lang sana, tapos kami na.  But no, si Ate, nung turn na nya, lumingon para tawagin ang immediate family nya.  Na nasa kabilang pila. Tapos isang buong pamilya silang sumugod sa harapan namin.  At dahil immediate family sila ni Ate, okay lang daw.  

Pero may pangatlo pa.  Kasi nung boarding na, family outing din yung nauna sa amin.  'Di ko lang alam kung anong nangyaring aberya, pero ang bilis kasi nung kabilang line o.. nakapasok na sila, habang natrap na naman kami after ng family outing o.  Anong petsa na?

At kung akala mo ay tapos na, may pang apat pa.  'Di pa tapos eh.  Kasi syempre, pila ulit pagdating sa Taiwan.  Eh medyo nasa 30s ang seat namin, so paglabas namin pila na naman talaga.  Binilisan ko na nga lakad kasi naimagine ko na yung paghaba ng line, nag overtake na kami ng mga ate at kuya na nagsstroll pa.  Tapos, after ng efforts na 'yun, itong si Ate sa harap namin, senyas senyas na naman sa likod.  TAPOS MAY SUMUGOD NA PULUTONG NG MGA ATE AT KUYANG MABAGAL KUMILOS. Ano 'to? Save na naman? Di naman kayo disabled.  Pasalamat kayo pagod na ako..  at wala akong energy kumausap ng tao.. at ayoko ng mga confrontations.. pero ibblog ko kayo:

Hoy Mildred, (narinig ni Tabs, tinawag ka nyang Mildred) at friends and/or family of Mildred.  Mainit na ulo ko.  Walang save save sa pilahan.  Sa susunod pumila kayo, either bilisan nyo kumilos para mauna kayo, or dun kayo sa DULOOOO!


Hindi ko na alam minsan kung minamalas ako para lang may mablog ako eh.  But anyway, sana magka-energy ako for the real Taiwan blog, para naman hindi puro rant ang mga mababack read ko sa future. Haha.  Pero dahil bed time ko na, pictures na lang muna ulit... 








...and the rest to follow (after ten years din.  'Wag naman sana.)



Saturday, November 4, 2017

Sunday random kwento: Starbucks, Sam Smith and Singapore Airlines




Anong petsa na? Grabe, November na, patapos na ulit ang taon.  Why so fast? Parang kaka-Christmas pa lang.  Feeling ko kakablog ko lang.. at kakapromise ko lang sa sarili ko na magbblog na ako ng masmadalas.. *kru, kru, kru*

Ehhhhh dahil November na nga, sa ngalan ng Starbucks planner, nagkape ako.  So.. hindi ako makatulog.  'Yung antok ko, naligaw na.  Ang dami kong energy.  Kasi naman yung Vanilla Nougat ng Starbucks, kape na nga, hitik na hitik pa sa syrup.  'Yung syrup level na bumabara sa straw tapos pag ineffort mo higupin para dumaloy ang kape, boom, asukal. Bakit naimbento 'to?!  Very wrong, unless ang goal mo talaga ay diabetes levels.

Anyway, may bagong Starbucks sa Glorietta 4. (Apparently, di pa sapat ang dalawang Starbucks.)  Pero bukod sa disappointment ko sa super tamis na coffee, ang highlight ay si Ate sa starbucks.  Kasi, parang 3 lang silang barista. At actually, may tray table/area naman sila.  Wala naman nakapaskil na Clean As You Go, pero dapat naman medyo gets mo na yun..  na may lagayan ng used trays, na may laman na mga used trays, tapos walang personnel na nag-iikot sa tables area.  Actually, ang nakita ko lang naman ay ang si Kuya Guard na biglang nagligpit ng mga tray.  Pero sabi ni Maetan... chismis lang 'to... si Ate yung lumapit kay Kuya Guard at inutusan si Kuya.. 'Kuya, pakilinis ang table' in a very privileged bitchy tone (again, sabi lang ni Maetan, ginaya nya pa eh. Haha).  So si Kuya Guard, medyo confused, kasi nga naman seryoso sya sa pag gguard ng pinto, with full security guard costume, so pinuntahan pa din nya ang table, para kunin ang tray at ilipat sa tray area.

Una sa lahat, isang dipa lang yung return area dun sa actual table, so kung sino man ang umalis dun, di nya pa ineffortan.  Kung ang inorder nya ay Vanilla Nougat, I'm sure marami syang energy para iextend ang braso nya.  Pangalawa, mas malapit si Ate sa return area kesa kay Kuya Guard.  Mas ineffort nyang lapitan yung Guard para mag-utos, kaysa iangat yung tray, iextend yung braso nya, tapos bitawan ang tray. At bakit nga ba uso sa Pilipinas na ang guard ay janitor na din.  Para san pa ang full outfit nila at guarding accessories kung magliligpit lang din sila ng mga tray?  At ano bang mahirap sa clean as you go. Di naman kailangan squeaky clean as you go.  Saktong very minimal effort clean as you go lang.  Tinuro naman yun sa school guys.  Effort ng konti.  Tray lang 'yan.

Sam Smiiiiiith... hay Sam Smith.  So narelease na ang latest album nya.  Nung isang araw ko pa LSS ang too good at goodbyes.  Parang Adele lang 'yan eh, kahit wala kang pinagdadaanan, feeling ko may pinagdadaanan na din ako pag narinig ko sila. Plus, Sam Smith yun eh.  Kahit nga 'yung Work from home ng Fifth Harmony biglang ang ganda nung kinanta nya casually...




Isama natin sya sa list ng mga singers na kung nakuha ko ang boses nila, di talaga ako magdodoctor at wala akong ibang gagawin kundi kumanta.  So sana magconcert sya ulit dito.  At hindi na kami ma-sam smith all over again. Sam Smith concert kasi yung nag attempt lang kami bumili online, tapos dahil pang first world ang internet ng Pilipinas, nagcrash lang yung site, tapos pagrefresh nya, sold out.  Tapos mag slowmo yung mundo mo tapos... whyyyyy. So simula nun, pinipila na "namin" ang mga concert tickets.

So... may kwento pa dapat... pero next time na siguro.  Iattempt ko naman matulog na. Paano ba ito.... hay.

Anyway, di ko alam kung mabblog ko pa ang Australia trip.  Kasi yung 2016 nga di ko pa natatapos hanggang ngayon. (Hehe).  Isama na lang din natin ang ibang pictures dito para masabi ko lang na may blog ako. Pero alang alang sa future self ko na baka gustong mag back read ng mga blogs ko, ittry ko yan.

Adelaide Zoo

Barossa Valley






Yan na lang pala muna.. Sana may kasunod pa akong blog... *kru, kru, kru*




Wednesday, November 2, 2016

Asyang's Long Weeeeeeeekend

Looooooong weekend!

Actuallly, a verrrry looong weekend!!

(Na actually tapos na kasi late ko ito pinost!!!)

So kamusta naman?

Ito lang ang balak ko gawin this weekend.


Soooo... naging patay na bata ako these last few weeks.  Yes, me and my boring daily to-do lists. Haha.  Boring meaning wala akong time mag people watching at mag adventure kung saan-saan, kasi may mga kailangan gawin.. (...pft! ---> so paano pala 'yan basahin?).  In between, ang past time ko ay talking to myself. (Because I have no friends...) Joke lang, may friends ako.  Like... my pillow.  (Joke lang ulit). Anywaaaaay....

I have a (pen... Noooo...) list.  Of things that are annoying.  Pero dahil long weekend, at masaya yun, let's make it a happy-slash-positive list instead.  Thanks to breakfast buffet.... na may bacon... (whaat!! BACON!!) and bread pudding (WHAAATTT!! BREAD PUDDING!!).  So ang saya ko diba? 

Alam mo kung ano pa ang masaya?

1. Yung malagyan mo ng nail polish yung mga nails mo sa right hand

(Fine, left hand kung left-handed ka.)  Nagawa ko yun last week! Sale kasi yung nail polish, so feeling ko kaya ko naman kulayan yung fingernails ko.  Dark blue. Ganda.  Successful naman ako, pero the struggle... is real.  As a medyo-OC-ish person, di ako mapakali sa mga konting, lagpas lagpasa sa gilid.  So ginaya yung ginagawa nina ate sa NailTropics, na may stick (gumamit ako ng toothpick) na may konting cotton sa end tapos sinawsaw sa nail polish remover.  Kaso, ang nangyari, kumalat lang lalo yung blue.  Pero maayos naman din kinalabasan nung nails, pero medyo blue nga lang din yung palad ko.. tsaka yung gilid ng kamay ko.. tsaka study table ko. 


Tada!! Ganda ng nail polish ko diba? Galing ni Ate sa Nailtropics eh.


2. Kapag nakakatawid ako sa pedestrian crossing

Yung dun talaga sa lines ha.  Kasi nga, nakaka-OC.  Gusto ko dun ako sa lines mismo maglakad.  Feeling ko, may super powers sila na kaya nila akong iligtas.  Bihira na yan mangyari, kasi maraming driver na pasaway.. na hihinto, dun mismo sa lines.  Eh kung sagasaan ko kaya sila.  Hindi ba nakakanega yun? Saan pala ako tatawid e nakaharang ka na.  Feeling ko ninakawan ako ng super powers sa pagtawid.  But anyway... kaya masaya pag may chance na maglakad sa lines.

3. Yung.. nagccrave ka ng ice cream.. tapos may ice cream tub sa freezer...

na.. wait for it..... ICE CREAM TALAGA ANG LAMAN! Credits to my brother, kasi paulit ulit nyang sinasabi sa akin na: "Gusto mo ng ice cream? Meron sa ref, hindi isda ang laman!!".  Kasi nga, may mga pagkakataon na mabibigo ka sa quest mo for ice cream kapag tirang ulam (or yung napamalengke na pang ulam) pala ang laman ng mga lalagyan ng ice cream.  Well, marami naman nang lalagyan ng ulam sa bahay, so pag may ice cream sa freezer... ice cream for real.

4. Yung.. nanonood ka ng concert ng PTX.. tapos kumanta si Avi.



Kasi nga, si Ate na wild na katabi namin sa concert, nakakabother na.  (Read our medyo traumatic experience : http://nyabach0i.blogspot.com/2016/10/pentatonix-world-tour-2016-not-review.html) So ito lang yung part na bawal ang maingay kasi wala silang mic.  Tapos si Avi yung kumantaaaaa.  Seriously, bakit ganyan yung boses nya? Ang saya ko dyan.

5.  Yung after mong madisappoint sa Pablo, may random kang nadaanan na cheese tarts...

...tapos legit sya.  Ang saraaaap. Naubos ko agad yung cheese, so itong matcha na lang napicturan ko.


Seriously, ang sarap.  Although, hindi ako legit na foodie.  Ang kaya ko lang sabihin ay kung masarap, or hindi.  Pero ito, promise, ang sarap eh.  Kumori, P 60-70.00 per piece. Go na.

aaaaaannnnnnnddd.. that's it for now.  Because I have a presentation tomorrow.  A dance presentation.  Interpretative.  Joke lang.  May case presentation ako tomorrow.  So, good nighty!

-Asyang



Wednesday, May 25, 2016

Asyang, at ang Listahan Part II

Wow, umuulan na.  Grabe, may times nang medyo lumalamig.  Hindi na whole day na nakakatunaw ang weather.  I love rain. Chrysalism.  (Wow... paki-google).  Syempre except kung sakuna na yan, like Yolanda.  Yung saktong pang emote na ulan at kulog lang.  Tsaka, isa sa mga hate na hate ko lang pag umuulan ay ang squishy shoes.  Eiw.  Mabasa na lahat, wag lang yung paa ko, pagnakashoes ako.  *Squish, squish*  Kaya pag umuulan, dapat boots lang (yes, dahil required 'yan dito sa Manila, lalo na sa Taft) or slippers.  At least sa slippers, matutuyo lang din sya, or kaya ko punasan.  Pero weird, kasi may kilala akong mas preferred ang shoes... like squishy shoes.  I don't understand.  Bakit mo gugustushin ang prune-like-toes dahil nakababad sya sa basa.  So, yan na ang Number 5 sa listahan.

Number 6:  Narealize kong... 'wag nyo sana akong ijudge, kung ang dami kong kinaiinisan.  Hindi naman lahat lahat, like all out inis.  Yung iba, medyo nakakabother lang.  May levels.

Anyway, back to number 6.

Alam mo yung mga eskinita... or hallway.. na maliit lang... yung medyo sakto lang sa magkasalubong na tao.  Tapos may barkadang namamasyal, chika chika, kebs sa mga mga taong nakapila sa likod nila KASI ANG BAGAL NILANG MAGLAKAD TAPOS WALANG SPACE PARA MAKAOVERATAKE KA.  (Nafeel mo yung level ng inis ko? All caps,  para intense) Huwag kayo humarang utang na loob, nagmamadali ako.


Or.. ito, hindi ako naiinis.. medyo naweiweirdan lang ako.  Na medyo madalas pa mangyari sa akin.  Hanggang sa ginawa ko na syang experiment for a time.  Yung pag may makasalubong ka, tapos for some reason... marerealize mong pag tinuloy nyo pareho ang direkyon na tinahak nyo, magkakabunggo kayo.  Like face to face.  Tapos magkaharap kayo, stranger to stranger, ittry mo sya kausapin telepathically kung sino ang pupunta sa left side ng daanan or sa right... pero di gumagana.   Tapos sa bawat attempt nyo pareho pa din kayo ng direksyon.  So, ginawa ko, everytime na may ganyan, titigil ako.  At tatayo na parang poste, tapos sya na bahala magdecide.  Alam mo kung anong nangyayari?  Mga nakatatlong tao na 'to, na medyo recent (kasi madalas nga sya mangyari, di ko alam bakit), na hindi na ako gumagalaw, dun pa din sila pupunta sa kung san ako nakatayo, or, aattempt nila mag left, tapos aatras para magright na lang.  Isang beses, muntik na talaga ako matawa.  Ate, decide!! It's your choice, di na ako gumagalaw. Wag ka mag cha-cha sa harap ko.  No joke.  Muntik na ako matawa sa kanya.

Number 7:  Sabi ko nga, mabilis ako mag CR.  So 'pag may kasama ako, madalas, ako yung maghihintay.  At habang naghihintay ako, syempre, mag oobserve ako.  Very wrong lang talaga ito.  Na may mga taong hindi gumagawa nito.  Kung sa bahay nga automatic ito, lalo na dapat sa public restrooms.  Ito ay ang.... Handwashing.


Seriously, naiimagine mo ba kung anong mga nasagap na germs ng kamay mo sa banyo?!  (Hindi ko rin alam exactly.. so: http://www.womenshealthmag.com/health/public-bathroom-facts)  Ang alam ko lang, bawal silang baunin sa kung saan ka man pupunta next.  Hindi pa man ako doctor (na nakapag attend ng mga proper handwashing lectures... lecture talaga), alam ko nang dapat kang kumanta ng Happy birthday habang naghuhugas ng kamay.  Kung irarason mong never ka pa naman nagkasakit, fine.  Kaadiri pa din, naiimagine ko pa lang.

to be continued


Thursday, November 19, 2015

Seriously? Seriously?!?

Hindi ako mahilig mag rant sa facebook.  Dahil una sa lahat, hindi sya nakakasolve ng problem. (baka nga dumagdag pa ang problema mo) Pangalawa, kasi… hindi ba nakaka-BV kapag puro mga random rant ng tao yung feed mo? Well, may option ka naman to unfriend/unfollow.
                                              
Pero… minsan… itry ko nga din.  Minsan lang 'to promise.  So, may option ka na ngayon, para tumuloy sa pagbabasa ng blog na ito…






Final answer?

So, game? Game ito.  For every statement na ilalagay ko, kailangan, sa end, sasabihin mo ang title ng entry na ito.  With feelings.  Try mo.



Yung tone na parang naiirita ka talaga.  Ulitin mo.

·         Kris Aquino.

·         E yung may 14, 918 na nag-like.
·         Yung 35 days na lang before Christmas.. pero summer na summer yung init sa labas.
·         Yung may nakikibasa sa wall mo, tapos cocomment ng nega about it sa ibang wall. (napaisip ka ba kung ikaw ‘yan? Pwes. Ikaw ‘yan)
·         Yung pauwi na si cute lolo patient… kaso biglang naghemorrhagic stroke. (nakakaiyak, for real)
·         Yung natanggal na naman ang dental filling ko, tapos ilang days pa ang hihintayin ko bago ako makabalik sa dentist ko.
·         Yung sumisingit sa pila, e gutom na gutom ka na.
·         Yung intellectual ang discussion tapos may ganitong comment

·         Tapos may 7 likes pa.
·         Yung nakipagmeeting kayo ng maayos… pero wala pala sila naintindihan pa rin.
·         Tapos feel na feel nilang entitled sila ng lahat ng ginusto nila.
·         Yung kakakain ko lang ng lunch… pero gutom na naman ako.

Hmmm… ok na siguro ‘yan. Haha.

Wednesday, August 12, 2015

Asyang, at ang Listahan (more pet peeves)

I am a happy person, in general.  Meaning, mas pinipili kong makita ang happy slash positive side of things, even in mundane things (naks).  Kaya nga kahit nakipagsapalaran ako sa ipis wars, nagpalpitate dahil kay scary ate, or muntik nang mapaaway sa stranger na tabachoy, natatawa pa din ako mag-isa tuwing binabasa ko ang mga sarili kong kwento ng kaadikan.

Kaya lang, tao lang din, at nauubos din minsan ang super powers kong humanap ng good vibes.   Kaya may listahan, at least partial list (kasi medyo mahaba na sya), ng mga bagay na NEGA talaga. So ito na…

Number 1: Pag pinapahirapan ako ng cashier sa sukli ko.  Yung iaabot nya sa kamay mo ang maraming bills… tapos tsaka nya ipapatong ang maraming barya in different sizes. 

Me: Ateeeee, please, wag mo ako ichallenge.


Dahil ang ending, may mahuhulog.  Madaming beses na yan nangyari sa akin, so effort magpulot.  At, one time, sa Starbucks, nahulog ang limang piso sa ibabaw ng banoffee pie ko.  Buti na lang second to the last piece sya at napalitan pa ni Kuya. Kundi…. Walang banoffee si Asyang.

Number 2: Ako, ayoko ng mahahabang instructions.  Kasi nakakatamad basahin.  Ang kaya ko lang ay, “encircle the correct answer” or “this way to somewhere”.  Pag humaba pa dyan, eeffort na ako humanap ng patience.

Pero,  naman, ito, hindi ko magets.


I mean, simple lang naman.  Napagkasya na nga in 4 words.  Nilakihan pa.  Whyyyy??? Paano na uunlad ang Pilipinas?  Tinuro naman sa school ang I have two hands, the left and the right.

Number 3: Ito, parang medyo napapadalas kong nasasaksihan.  Like nung isang araw, habang nagsusulat ako ng orders sa chart, nag ring yung phone ni person sa harap ko.  So, sinagot nya…

Person: Hello? Hello? (after 3 seconds) Hello??? Hello???  (itaas pa natin ang level ng volume) HEELLLOO??? HEEELLLLOOOO?? (sinilip pa ang phone…) Hello??

Me: Yung totoo kuya, I give up mo na.  Mahina ang signal.  Nakita mo yung poste na yun? Punta ka dun, tapos side step ka ng 3x to your left, tapos harap ka sa north, lalakas na yang signal mo.

Joke lang.  In reality, thought bubble ko lang yan.  Nakayuko lang ako habang tinatapos ko ang orders ko.  Pero seriously, 3 lang ang quota ko.  Pag wala kang marinig, give up mo na.

Number 4: Ang selfie flood.  May levels lang din ang tolerance ko sa selfie.  I mean, fine, kung pa isa-isa, go.  Or kung nagtravel sya mag-isa at gusto nyang ishare ang view, why not (dahil ginagawa ko din yan).  Pero, yung 16 photos na puro mukha mo in different angles…
(iniisip ko kasi mag grab ng pics ng iba, kaso baka mapaaway na ako, so ineffort ko na lang to… kaninang umaga)


(4 lang kinaya ko eh, multiply mo na lang)

OR mas lalo na to… paulit ulit… na di ko maintindihan kung nagpapagame sya ng spot-the-difference… 


OR (shout out to Francis Asilo), isang selfie lang, pero lalagyan mo ng quote, na walang kinalaman sa mukha mo.


To be continued....


Wednesday, July 15, 2015

6,944


Ako lang ba ang nabobother sa ganito? Whhhyyyy??? 😨 (P.S. Hindi ko pinaalam sa may-ari na pipicturan ko ang iPad nya ✌🏻)

Pet Peeve

Pet peeve - minor annoyance that an individual identifies as particularly annoying to himself or herself, to a greater degree than others may find it