Showing posts with label Playlist. Show all posts
Showing posts with label Playlist. Show all posts

Thursday, November 10, 2016

Playlist: With tears edition

Yellow!

I'm okay guys.. (well, di ka naman nagtanong, pero sinagot ko na din)

Pero kasi, baka isipin ninyong something is wrong, dahil ang susunod na playlist ay maaring maglaman ng mga kantang para sa... mga malulungkot, para sa may pinagdadaan, para sa may mga hugot in life...

..at para sa akin na mahilig lang talaga mag sound trip.  Bakit nga ba kahit okay lang ako, gusto ko ng sad songs? (Random tanong) I guess there is a certain comfort sa sadness.  (Ano daw?)  Namuni-muni ko ito kanina.. habang naglalakad, tapos kausap ko ang sarili ko:

Ah, ibblog ko na lang ang mga yung playlist ko, kahit meron sad songs (ulit).

But why? 

Kasi gusto ko lang, at wala akong maisip na topic.

Ang dami mo yatang oras..

Hindi no, madaming kailangan gawin tonight, isingit natin habang nagpapainit ako ng tubig pampaligo.

Okay, so why sadness? 

E kasi, it's okay to be sad. Sometimes it feels good to be sad.  It reminds you that life is not perfect, and that's okay.  It reminds that you that being happy is a choice.  It's something you can control.  You can always chose to be happy and thankful for whatever you have.



...well, something like that.  Hindi ko na maalala verbatim yung conversation namin (namin talaga).  Pero actually, ang katotohanan sa title na may tears ay.. ito ang mga singers/band na pag napanood ko ng live, baka maiyak ako, kasi.... favorite ko sila.  Ayun lang naman. So 'di naman lahat ay sad songs pala. So let's go...


1. Coldplay

So unahin na natin yan, bilang namention ko sya recently, na baka maiyak ako kapag napanood ko sila live. Dahil... ang tagal ko na silang inaabangan.  O diba, Yellow.. tapos The Scientist, Clocks.. di pa ako super fan.. hanggang sa may Speed of Sound.. Fix You na...


(na by the way, choreography by Travis Wall.  Na pagnakita/napanood ko din si Travis Wall, baka mag fan girl ako at di ko mapromise na hindi maiyak sa tuwa.).... so diba? Ang dami na nilang album hindi ko pa sila napapanood, nakakaiyak.  Ayoko na umasa sa mga lumalabas sa facebook, maniniwala na lang ako pag may ticket na ako (kung makabili ako, shet, kailangan ko yan).  More than ten years na ito.  (11 years to be exact, kung sa Fix You ako nagsimulang mag abang.... na hindi ko na din sure).

2. Adele

Kakasabi ko lang din nyan.  Recently.  So ayan.  Hindi ko na maalala (well, marami talaga akong hindi maalala) kung paano ko nadiscover si Adele.  Di ko sure kung dahil dito sa Hometown Glory


...but anyway...  yung ibang favorite ko ay actually di nya original composition, pero super mas gusto ko yung version nya: I can't make you love meeeee, if you don't. You can't make your heart feel, something that it won't... tsaka yung When the evening shadows and the stars appear, and there is no one there to dry your tears, I could hold you for a million years, to make you feel my love...

Pero ibigay na natin sa kanya, pinanganak talaga sya para maging singer/songwriter.  Buti na lang narealize nya yun.

3. Birdy

Na parati nasa playlist entries ko.  Ito, naalala ko kung paano ko sya nadiscover.  Duty ako sa ICU.  Pagod na pagod.  (Toxic eh).  Tapos finally, nagkachance ako makahiga sa bed 1 ng ICU.  (Don't worry, walang nakaadmit.  Hindi ako tumabi sa pasyente.)  Tapos binuksan ko yung TV. Tapos MTV nya ng Skinny Love.  Tapos sabi ko, ay, favorite ko na sya.  Actually, di siguro yan ang first time na marinig ko sya, pero wala lang, maikwento lang.  

Pero seriously, favorite ko talaga sya.  So ito ang latest nya... starring Eleven.


4. Damien Rice

Ito talaga, malaki ang chance na nakakaiyak.. hindi lang fangirl mode, pero kasi ang dami nyang tagos sa heart na kanta.  'Yung kahit hindi mo pinagdadaanan yung nasa lyrics, feeling mo pinagdaanan mo na din.

Baka 'pag live,  intro pa lang ng 9crimes (shet....) maiyak na ako.  Tapos kahit anong kantahin nya maiyak na lang ako.  Haha OA.. (di naman siguro...)

Is that alright? Give my gun away when it's loaded. Is that alright? If you don't shoot it how am I supposed to hold it....


5. Ingrid Michaelson

Napagod na yata ako magkwento.. haha pero malamang narinig nyo sya, bilang madalas sya magamit sa mga TV series, as background music.  Like in Grey's Anatomy.  Hay.. Ingrid Michaelson.  All we can do is keep breathing....


Ayun lang naman for now.  Ano pa ba?  Wala na yata.


P.S. So kung may confirmation naman na magcoconcert sila, sa Pilipinas (or yung malapit na sa Pilipinas), pwede pa-text ako? Thanks. Bye!

Tuesday, May 17, 2016

LSS

Actually, dapat magkkwento about the last movie we saw.  Well, every weekend... actually every Saturday, nanonood kami ng movie.  Kung may maganda man or wala, go 'yan basta walang ibang agenda.  Kung walang maganda, we choose a random movie, and hope na lang na maganda.  Last year, the worst talaga ang transporter... pero after last saturday... scratch that WORST MOVIE: Transporter 2... may bago na akong answer... Precious Cargo.  Seriously, sino ba nagproduce non? Ang panget talaga, promise.  Unang hint na panget sya, sa pila pa lang, OP na kami, kasi puro nakapower card ang mga tao.  'Yung mga senior citizen na ang goal ang ay magpalamig sa sine, since libre sila.  But anyway... dahil ang masasabi ko lang ay panget sya, playlist blog na lang ulit.  Actually, this is inspired by Dr. Rmin Miranda, at sa ilang araw naming LSS.

Please play nyo to, at damayan nyo kami.  Hindi ko alam kung bakit to pinapanood ni Rmin, at bakit nasilip ko pa.  
1. Bonakid Theme Song

Very very wrong.... ilang araw namin kinanta ang Bonakid 3 Plus... parang hanggang ngayon... help.  Pag three pataas.... mag Bonakid pre-school, three plus! Isa pa ulit, Pag three pataas.... mag Bonakid pre-school, three plus!

2. Middle
Not so bad as an LSS, well compared to number 1.  Kaso nung time kasi na LSS ko to, hindi ko alam ang lyrics nya... so actually yung paulit ulit kong kinakanta ay... with you in the middle... ten tenenen tenen.  Yes, yung nasa 1:00 min ng video kung di mo gets.  As in 'yan lang, paulit ulit.  Pero ngayon, medyo alam ko na yung lyrics.

3. Youth
Bilang kahit saan ako magpunta recently, mall... or sa uber... or... wala na akong maisip... pero diba, maririnig mo sya.  In fairness to Troye Sivan... maganda naman.  Although yung Happy Little Pill nya, mas gusto ko yung cover version ng Superfruit.  Pero kung mas gusto nyo ng acoustic, may version din sya.  


Hmmmm... 'yan lang pala ang LSS ko lately... at least yan lang naalala ko sa ngayon.  Haha.  But just to complete my "list", lagay ko na lang ang mga "most played" ko recently... let's see....



Friday, September 11, 2015

Asyang's Playlist (Next week na ang kwento!)

Weeeekeeeeenddd!

Magkkwento sana ako kagabi... kaso, sa sobrang pagod ko, 7 pm pa lang, tulog na ako.  Dapat power nap lang sana, kaso 3 am na ako nagising.  Nadisorient pa ako nung nagising ako.  Ang haba kasi ng week na to, from last week, to weekend duty, to convention, to workshop.  Di ko na nasundan ang petsa.

Dahil dyan, guys, dedeposit ko na lang muna ang mga kwento ko.  For now, dahil medyo lutang pa ako, shashare ko lang ulit ang playlist ko (tutal, ten years ago na yung last playlist entry ko).  Warning, mga LSS ko to.

1. Can't Sleep Love by Pentatonix





Dahil super favorite ko talaga sila.  Para sa mga hindi nakakakilala sa kanila, google nyo.  Haha.  Acapella group sila, na super galing, at ito ang first album nila na all original songs.  Problema ko lang dito, nung pinakinggan ko sya, di ko alam ang lyrics, bukod sa title, so na-LSS ako sa part na "womp, womp, womp, womp, womp, womp, womp...." try nyo pakinggan ang first ten seconds, nakakabaliw, kasi isang buong araw (actually hanggang the following day) ko syang kinanakanta... out loud.

2. Sway by Bic Runga


Dahil pinatugtog sya sa car habang nasa kalagitnaan kami ng traffic.  Hello sa mga batang lumaki nung 90's.

3. Photograph by Ed Sheeran

(ctto)

Dahil gusto ko ang album na X.  Pero dahil araw-araw ko nang naririnig ang dalinay, dalinay (hello sa mga sumusubaybay sa Kalyeserye), ito na lang ang nilagay ko sa playlist ko.

4. My Heart is Open by Maroon 5 feat. Gwen Stefani


Ay!! Grabe, after ten years, pwede na ako ulit maexccite sa concert nila.  Humupa kasi for a while ang excitement ko, after ko nabili ang tickets.  Medyo nung March pa kasi yun.  Anyway, bukod sa Lost Stars (actually, mas maganda yung version ni Keira Knightly), ito na next favorite ko sa album.  Hay, see you next week!

5. 2 Become 1 by Spice Girls


Just because super fan ako ng Spice Girls nung 90's.  Girl Power!

6. Life Support by Sam Smith


Ito kasi talaga ang isa sa mga favorite ko sa album nya.

7. Happy Little Pill (Troye Sivan Cover) by Superfruit




Again, may malaking chance na hindi nyo sila kilala, pero ito ang dalawang beki from Pentatonix.  Na kahit anong kantahin siguro nila, bebenta sa akin.  Try nyo, promise.

8. Skinny Love by Birdy

https://www.youtube.com/watch?v=aNzCDt2eidg

Kahit luma na, di ko pa rin sinskip itong song na to pag nagplay sya sa shuffle.  Haaaay, kung kaya ko lang tong kantahin nang ganyan, magqquit na ako ng medicine tapos kakanta na lang ako kung san san.

9. I Need Your Love by Calvin Harris feat. Ellie Goulding


Kasi kailangan ko din mag dance party.  Pero ito din, di ko siniskip, sumasayaw lang ako bigla.

10. Missing You (Bedtime Remix) by Case

https://www.youtube.com/watch?v=VhS6W6VkKlA

Ang ultimate hele song! Taaaaabsss! (Medyo anime anime lang yung link, hehe, pero try nyo kung gusto nyo medyo mag emote, o gusto nyo lang matulog)

Ayun lang, kailangan ko na umalis!


P.S. Wala po akong pinagdadaan sa buhay... masaya po ako at hindi nag eemote.  Gusto ko lang talaga mga songs na yan.  (Kailangan ko mag-explain). Muah!

Friday, April 29, 2011

playlist



dahil wala akong magawa habang nag hihintay ng endorsements, i share ko na lang ang laman ng iPod shuffle ko. Masaya to (para sa akin, adik lang.. haha)

kahit lumang album na, namiss ko lang ang Sara Bareiles. Ayluvit. Ang malamig at se
mi paos din. although di naman ako nag eemote ngayon, para sa mga gustong mag emote, winner din.



next, ay dalawang album ni adele. before pa man sya magka-glee version at magflood sa fb/twitter, nasa iPod ko na sya. Haha. Pabida. Pero anyway, di ba? ang galing nya kasi, nakakainis na. Tsaka winner din kasi ang lyrics nya.

Maroon 5. Woohoo. Favorite ko din to. favorite ko din yung version nila ng if i ain't got you. wala lang.

Tsaka The Script.


At si Katy Perry. for some reason, parati kong LSS.
kanya kanyang trip yan. ang latest kong nilagay ay ang OST ng Rio :) let me take you to rio, rio. Ringtone ko yan. hehe
bow.