Friday, September 11, 2015

Asyang's Playlist (Next week na ang kwento!)

Weeeekeeeeenddd!

Magkkwento sana ako kagabi... kaso, sa sobrang pagod ko, 7 pm pa lang, tulog na ako.  Dapat power nap lang sana, kaso 3 am na ako nagising.  Nadisorient pa ako nung nagising ako.  Ang haba kasi ng week na to, from last week, to weekend duty, to convention, to workshop.  Di ko na nasundan ang petsa.

Dahil dyan, guys, dedeposit ko na lang muna ang mga kwento ko.  For now, dahil medyo lutang pa ako, shashare ko lang ulit ang playlist ko (tutal, ten years ago na yung last playlist entry ko).  Warning, mga LSS ko to.

1. Can't Sleep Love by Pentatonix





Dahil super favorite ko talaga sila.  Para sa mga hindi nakakakilala sa kanila, google nyo.  Haha.  Acapella group sila, na super galing, at ito ang first album nila na all original songs.  Problema ko lang dito, nung pinakinggan ko sya, di ko alam ang lyrics, bukod sa title, so na-LSS ako sa part na "womp, womp, womp, womp, womp, womp, womp...." try nyo pakinggan ang first ten seconds, nakakabaliw, kasi isang buong araw (actually hanggang the following day) ko syang kinanakanta... out loud.

2. Sway by Bic Runga


Dahil pinatugtog sya sa car habang nasa kalagitnaan kami ng traffic.  Hello sa mga batang lumaki nung 90's.

3. Photograph by Ed Sheeran

(ctto)

Dahil gusto ko ang album na X.  Pero dahil araw-araw ko nang naririnig ang dalinay, dalinay (hello sa mga sumusubaybay sa Kalyeserye), ito na lang ang nilagay ko sa playlist ko.

4. My Heart is Open by Maroon 5 feat. Gwen Stefani


Ay!! Grabe, after ten years, pwede na ako ulit maexccite sa concert nila.  Humupa kasi for a while ang excitement ko, after ko nabili ang tickets.  Medyo nung March pa kasi yun.  Anyway, bukod sa Lost Stars (actually, mas maganda yung version ni Keira Knightly), ito na next favorite ko sa album.  Hay, see you next week!

5. 2 Become 1 by Spice Girls


Just because super fan ako ng Spice Girls nung 90's.  Girl Power!

6. Life Support by Sam Smith


Ito kasi talaga ang isa sa mga favorite ko sa album nya.

7. Happy Little Pill (Troye Sivan Cover) by Superfruit




Again, may malaking chance na hindi nyo sila kilala, pero ito ang dalawang beki from Pentatonix.  Na kahit anong kantahin siguro nila, bebenta sa akin.  Try nyo, promise.

8. Skinny Love by Birdy

https://www.youtube.com/watch?v=aNzCDt2eidg

Kahit luma na, di ko pa rin sinskip itong song na to pag nagplay sya sa shuffle.  Haaaay, kung kaya ko lang tong kantahin nang ganyan, magqquit na ako ng medicine tapos kakanta na lang ako kung san san.

9. I Need Your Love by Calvin Harris feat. Ellie Goulding


Kasi kailangan ko din mag dance party.  Pero ito din, di ko siniskip, sumasayaw lang ako bigla.

10. Missing You (Bedtime Remix) by Case

https://www.youtube.com/watch?v=VhS6W6VkKlA

Ang ultimate hele song! Taaaaabsss! (Medyo anime anime lang yung link, hehe, pero try nyo kung gusto nyo medyo mag emote, o gusto nyo lang matulog)

Ayun lang, kailangan ko na umalis!


P.S. Wala po akong pinagdadaan sa buhay... masaya po ako at hindi nag eemote.  Gusto ko lang talaga mga songs na yan.  (Kailangan ko mag-explain). Muah!

1 comment:

  1. Namiss ko tuloy si Natalie Imbruglia at si Tina Arena.
    Standing here looking out my windoooooooooooooooooow (Zzzzzzzzzzzzzzzzzz)

    ReplyDelete