Friday, August 28, 2015

Asyang and the Movies (this is it)

Ayoko nang nalelate (sa mga important na bagay ha),  as in.  Kung ma-late man ako, yan ay sa mga kadahilanang beyond my control (katulad nung may nasunog na bus sa expressway, inabot ako ng 4 hours sa daan; tsaka nung ondoy, na ten years ako sa bus… actually, di ako late nun, di na talaga ako nakarating), or hindi kasi important (pero required).  Usually, maaga ako, tapos nagpapalipas ng oras some place near.

Kaya ganun na lang ang panic ko pag di ako nagigising sa alarm.. like nung isang araw, na aattend kami ng convention, at ang usapan ay aalis ng maaga.  8:15 daw aalis, at nagising ako ng 8:09am.  Hala.  Sabi ko: “Sssssshhhhhh*****” -- sabay dampot ng towel, toiletries, and within 5 seconds, nasa shower na ako.   Bam! Ang bilis ko kumilos.  Dumating pa din ako ng 8:15 sa office, kasi advanced naman ang watch ko.  But anyway…

So di ko na nga natuloy yung kwento ko last time.  Well, isa kasi ang movies sa mga pag aadik ko.  Lately, once a week, pag may magandang movie. Pag madaming maganda, edi 2 movies a day.  (walang makakapigil samen!)  Pero ang kwento ko ay… actually, gusto ko lang mag survey.  Di ko kasi napapansin to dati, nung sinabihan lang ako, tsaka ko narealize na pag magstastart na yung movie, halos ubos na ang movie food ko.

Kasi nga ayoko ng late (yes, important ang movies), so napapanood ko lahat.  Mula sa mga advertisement ng Ayala Land, ng mga sundalo, at ang babala nina Derek Ramsey at Gaby dela Merced about piracy.  Kung kumain pa naman ako ng popcorn, kasing bilis ng pag ligo ko pag 8:09am ako nagigising.  So, ang tanong ko lang ay, ako lang ba? Seryoso bang hinihintay nyo magsimula ang movie bago nyo sinisimulan kainin ang baon nyo?

P.S.

Alam mo yung mga taong inis inis sa mga kasama nila sa sine na mahilig magtanong kung anong nangyayari sa movie… habang andun din naman sila?  Hindi ako yun.  Haha. Partly dahil guilty ako dyan.  Pero hindi dahil di ko maintindihan ang movie at kailangan ko ng interpreter, pero kasi, for some reason, alam ng bladder ko pag nasa sine ako.  Di ko alam kung pano nya nalalaman.  Pero every 20 minutes kailangan ko magtoilet break.  So, babala sa mga makakasama ko sa movies, magnotes kayo.  Binibilisan ko naman promise, as in takbo… (kasi may mga movie house na walang toilet sa loob).


2 comments:

  1. hahahahahhhaha, ayoko din ng nalelate,, pero late pa din ako minsan pag tinatamad at lalo na pag pagod, kasi hindi matutumbasan ng extrang tulog ang pagiging maaga (at walang mkakapigil saken) lalo na kung work related ang pagod ko, hindi ko deserve ma istress (Tama!!!).

    I love movies too, pero yung downloaded version na, hahah, mga after 6months ako nag cacathup ng movies at yes, ayoko ng tanungan session! hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap talaga pag tinatamad... lalo na pag mahigpit ang hawak ng kama syo. Haha pero yes, no to stress!

      Delete