Kahit busy busyhan ako ngayon, pipilitin ko
magkwento. Push ko na ‘to. Tsaka kahit gaano ka-busy, kailangan ko
pagbigyan ang “protected time” for myself, na madalas ay nailalaan sa pag-aadik
ko sa good food (na sa ibang araw ko na kkwento) at movies.
(Side kwento) Bakit ako busy? Ito na kasi ang panahon ng
paghahanda para sa annual convention… which means… required na naman kami
magpakitag gilas with our dance moves. Wow. May moves.
Masaya naman in general ang experience last year, kahit narealize kong
malayo ang expectation sa reality pagdating sa flexibility and dance skills
ko.
As a frustrated gymnast/contemporary dancer (contemporary
talaga, Amy Yakima level, ganon), everytime may dance step na hindi mapagkasunduan ang utak
ko at ng katawan ko, gusto ko sumigaw ng “kamoteeeee, swimming na lang, huhu”. So, isipin mo na lang ang effort ko
(actually, effort naming lahat) ngayon, na may legit teacher kaming push kung
push. At hindi kayang ibully ni Rmin na palitan ang
steps na mahirap. So yung utak ko,
parating…
1..2..3..4..5..6..7..8..
At dahil legit si teacher, may ganito pa, 7…8…talon…takbo…hawak…5…6…7...8…1…2..Heeeeee!
(strike a karate kid pose)..4..5..6..7..8. Run… (Kamoteeee.. bakit ang hirap gumalaw sa lupa?)
Anyway, pangalawang reason… dahil sa pagbabalik ng weekly
quiz. Yes, grade school lang. Quiz kung quiz. At bitbit ko si Williams kahit saan. Bakit? Kasi, kamote again, competitive
kami. Huwag na natin ideny and nerdy
mode natin. Yung nagcocompare-an kung
ilang pages na ang nabasa, kung gaano kakulay ang mga libro, at nagsisite ng
page pag sumasagot (yes Jayme, I am thinking of you). At bibong bibo pagdating sa pagchecheck ng papers.
So, medyo mahaba ang side kwento! Therefore, next time na lang
pala totoong kwento.
Test.
ReplyDelete