Syempre, may kwento na namang kasunod. Naalala ko to habang nakatitig ako sa ilaw, nang matagal, kasi nasa dentist ako. Minsan di ko na alam saan pa ako titingin pag nasa dentist ako. Ayoko naman titigan yung dentist, awkward at nakakaduling. Anyway, back to kwento.
Few weeks ago, umattend kami ng grand rounds. Dun na kami umupo sa likod, kasi nagstart na ang lecture about heart failure. Ipupush ko sana makinig, kasi baka magfade na ang general IM knowledge ko. Kaso, wala pang 2 minutes akong nakikinig sa lecture, si intern sa harap namin ay nagpapapansin na sa headbanging skills nya.
"Woop! Woooooop!"
Yan yung sound effect na naiimagine ko everytime babagsak ang ulo nya tapos irerebound nya pabalik. From duty yata sya. So una, mild headbanging lang, so pilit ko syang deadmahin, but after a while, nabother na ako... Kasi nakikita ko na ang cricoid cartilage area nya (or, yung area kung saan ang adams apple dapat) at, sabi ko nga, nakaupo ako sa likod nya. Major "exorcist" skills. Kung dumilat siguro sya in that position, tatakbo ako palabas.
Walang true friends si ate intern, kasi walang gumising sa kanya! Di ko na natiis kasi wala nang nakikinig sa lecture, pinapanood na lang sya, kahit yung iba nagpapanggap at pumiperipheral view lang. So... binully ko ang friend ko para gisingin sya. Pero natulog pa din sya after 2 mins. Tapos sinabayan ko na lang sya ng "wiiikiiiii wiiiikkiiiii tsssssh tsssssh". (Yeah, my legit beatboxing skills).
Ayan. Wala akong naintindihan sa lecture. Thanks te.
No comments:
Post a Comment