Showing posts with label Flights of Ideas. Show all posts
Showing posts with label Flights of Ideas. Show all posts

Monday, December 31, 2018

Hala, anyare?!


Hala, naka tatlong entries lang ako ngayong 2018? Huhuhu.. medyo nalungkot ako ng very light na hindi pala ako nakapagblog masyado this year.  Feeling ko naman di masyado nabawasan, pero bonggang wala pala akong tinuloy sa mga nilista kong blog.  Oh well, since last day naman na  ng 2018, ihabol ko na lang ang annual blog post kong movies for the year... kasama ang pangakong... magpopost ulit. Sana. Soon. 

In fairness, walang pavideoke party ang mga kapitbahay namin this year.  Puro ulan lang ang naririnig ko.  Ang saya... so peaceful... malamig... at sabi nga ng trend list ng Twitter.. it's a lomi weather ('yun na pala ang tawag dyan).  Sana lang walang baha at sakunang kasama ang rainy new year weather.

Anyway, yes.. movies of 2018.  Umpisahan natin sa pinakabongga.


Pinakabongga kasi twice ko sya pinanood.  Isa sa Pilipinas... at inulit namin para lang maexperience ang Tempur Cinema.



Yes, pumunta kami sa Seoul para manood ng sine. Haha.  In fairness, ang mahal (haha!).  Pero kasi, ibang level naman nga talaga ang Tempur bed, with VIP lounge. May cinnamon cookies.. and pa-ice cream.

Try nyo din yan.  Google nyo Tempur Cinema. 

Next, yung mga movies na surprise.  Surprise kasi di ko man lang napanood yung trailer or any promo.  Tapos ang ganda.  



...tsaka ito, favorite ko din....


Tapos syempre every year, merong pinakapanget-na-movie-na-napananood-ko-this-year.  And the winner is.... tentenenen...


pero in fairness, naaliw ako. Kasi nakakatawa. The Meg.  Yeesssss. Sa sobrang panget, parang gumanda na.

Anyway, ililista ko na lang ulit yung iba kasi... wala lang.  Gusto ko na kasi tapusin yung binabasa kong book! Bigyan natin ng chance ang ibang hobbies ko. Habang may chance pa, kasi.. adulting happens. So ito na...

6. All of Me
7. 12 Strong
8. The Greatest Showman
9. Black Panther
10. Tomb Raider
11. Den of Thieves
12. The Titan
13. Ready Player One
14. Rampage
15. Avengers Infinity War
16. Love, Simon
17. Deadpool 2
18. Jurassic World: Fallen Kingdon
19. Ocean's 8
20. Ant Man and the Wasp
21. Skyscraper
22. Mission Impossible
23. Crazy Rich Asians
24. A Simple Favor
25. Venom
26. A Star is Born
27. Crimes of Grindewald
28. Ralph Wrecks the Internet
29. Aquaman

HAPPY NEW YEAR!

More blessings this coming 2019 guys.  Ittry ko na sipagan ulit magblog... ng mga random flight of ideas.  Ay actually, may kwento na akong naisip.. pero next year na! Oh well... ayun na.  See yah! Muah muah!   


Monday, May 28, 2018

Asyang's New Hobby


Yellow!

So... di ko lang talaga naipriority ang pagsusulat lately.  Wala kasi akong maisip ishare... actually meron pala.  Ang dami ko lang excuses.  Ako pa ba? Pero to be fair, pinagbigyan ko naman kasi ang iba kong hobbies.  Tulad ng manood ng manood ng kung anu-anong bagay sa youtube.  Alam nyo naman, pag sinimulan mo kasi yan, ang hirap na.. pindot na lang ng pindot  kung anong irecommmend nya sa akin.

Pero joke lang, hindi naman ako puro youtube, kasi obvious naman sa picture na hindi yun ang topic (at hindi lang yun ang ginagawa ko in life).  Kasi, isa talaga ito sa mga favorite ko gawin lately.  Nakakarelax kasi sya gawin.  Kahit papaano, nababawasan ang stress ko about adulting.  Pahinga.  Para after, ready na ulit yung utak ko for adult chores and pag iisip ng kung anong gagawin ko sa mga pasyente ko.

Ako lang ba, o talagang may therapeutic/relaxing effect ang pagbabalot ng mga libro? Sobrang nakakaadik magbalot ng libro.  Actually, may buong process 'yan na (masama na yata ito) nakakaadik para sa akin.

Una sa lahat (step 1), ang saya kasi sa bookstore.  Parang tinatawag ako talaga everytime alam kong may malapit na bookstore sa akin.  Hindi nyo naiintindihan..  Ang tagal kong isinangtabi ang pag aadik ko sa books... dahil lang ang dami dami medical books na kinailangan kong aralin.  Hanggang ngayon naman, nagbabasa pa din ako, plus journals.  Syempre, review review at update update din.  Pero, at least now, mas may time na ako (at nabawasan na ng bongga ang guilt ko pag nagbubukas ako ng librong hindi medical).  Ang sa daming taon na lumipas, kailangan ko magcatch up.  Pali-pali! (Sinong nakaintindi? Heartu)

Ang tanging nagpipigil sa akin para hindi ko bilhin sila all at once (I'm drifting on a lonely sea, wishing you'd come back to meeeee.. #Whitney), ay para may excuse ako bumalik every weekend.  Tsaka, pera na din. Fine.  'Wag tayo masyado magastos.  Hindi pa ako mayaman.

So 'pag nabili mo na ang books, as an addict, (step 2) dahan dahan mo syang ilalabas sa plastic. Kung di sya nakabalot, edi skip to the part ng paghaplos sa cover at pag amoy ng pages (step 3).  Aaminin ko, na minsan ayoko sila balutin, dahil ang ganda ng texture ng cover.  Kaso, dahil bitbit ko sila kung saan-saan, malaki ang chance ng gasgas at folds... na hindi acceptable.  So, for me, balot is the way to go.  Kaya crucial ang balot.  Hindi pwedeng basta-basta ang cover.  

Nakita ko pa ang mga old books ko, na may old-school plastic cover.  Yung nabibili sa bookstore, na 'di nawawala sa back-to-school necessities, na masmataas pa sa akin (dati 'yon, kasi bata pa ako noon).  


Pero ang chaka diba.  Bukod sa after a while ay nasisira sya (napunit na yung mga gilid gilid), at nag accumulate din ng alikabok inside.  Tapos nagkaron naman ng mga nakadikit na pambalot.  Ano bang tawag dyan?


Kaso, nagkakabubbles sya.  Syempre pag bagong lagay nakadikt sya.  Pero after some time, lahat sila nagkakaron ng ganyan.  Parang every bukas ko ng book, padami sila ng padami.  At pag hindi masyado mahaba ang nilagay mong allowance sa loob, natatanggal din sya.  Kaya finally, ang ginagamit ko ay yung pang glass.  Na nabibili sa hardware store.  S'ya ang the best for me sa ngayon.  So ang step 4 ay finally magbalot!  

Naisip ko gumawa ng video ng buong process ng pagbabalot ko..
kaya lang, masyadong weird na yata 'yon.

Tada! O diba, no bubbles, no lukot, di sya napupunit, at 'di chaka.  Natry ko na din tanggalin sya, just in case in the future, for some reason, gusto mo alisin ang cover.. naalis naman din sya (but I guess depende sa quality ng cover).  Kaya lang, kailangan mo lang pumili ng pattern na medyo tolerable as a book cover.  Unless okay lang syo ang mga overwhelmingly floral or kung ano-anong animals as a book cover.



So ayan, ang very satisfying finished product of my hobby.  Actually, hindi sa akin lahat ng books sa itaas.  'Yung nasa left ang akin.  Although, most of the books sa right, either may copy din ako, or nasa list ko ng bibilhin ko din.  In short, nagbabalot ako ng books ng ibang tao, for free.  Bilhin nyo lang yung prescribed pambalot ko syempre.  At tsaka kayo na bahala sa shipping fee.

P.S.
Dahil ang mga bookmarks ko ay mga boarding pass, at nagkandalukot na sila, at may mga sobrang pangcover, at actually dahil gusto ko pa magbalot...


tada!

Love lots,
Asyang

1 Corinthians 10;21
You cannot drink the cup of the Lord and the cup of demons too;
you cannot have a part in both the Lord's table and the table of demons.

Saturday, February 17, 2018

Asyang on Valentine's Day


Yes, late na... February 16 na kasi... now... (so kung kelan ko ito ma-ipublish... hehe anong petsa na?).  Sabi ko kasi nung February 14, ibblog ko 'to. Kaso super pagod na ako pag uwi.  'Di ko sure kung accumulated pagod (kasi di ako nagpahinga nung weekend) or sign of aging... or both.  Or may factor din na nakakadrain ng energy ang heat wave sa labas... summer heat na.  (Why?? February pa lang...) But anyway, I have a hearts day kwento!

So last year (well 2017, pero mga late last year.. fine, November to be exact) ko inumpisahan ang efforts ko para sa hindi-ko-pinangarap na skill of driving.  Kung kilala nyo ako, delaying tactics to the max.  Initially naman, legit ang reason ko na nagka near-death experience naman ako nung nabangga kami ng 10-wheeler truck.  Pero nung nakaget over na ako dun... oh well.  Ikkwento na lang ang valentine's day kwento ko.

So, kumuha na ako ng driver's license.  Basta si-net ko ng wednesday, para di naman ako mawalan ng source income, dahil yan ang day na wala akong clinic sa umaga.  In short, gusto ko lang sabihin na hindi ko sinadyang pumunta dun ng February 14, 2018.  Anyway, so naexperience ko naman ang waiting game nung kumuha ako ng student's permit, I came prepared.  Inexpect ko na ang matagal na paghihintay... at pagtunganga.  Actually, may bitbit na din akong libro (novel, not textbook).  At excuse me, nag aral din ako ha, kahit sabi nilang madali.  Ilang beses ko tinake ang reviewer online.  Ang issue ko lang talaga, sa dami ng exam na tinake ko sa buong buhay ko, hindi ako sanay sa Tagalog exam.  Hindi sa nag iinarte ako, pero may weird feeling na nag eexam ako ng Tagalog.  Pwede ka naman magrequest ng English exam, pero kasi, magpapaspecial pa ba ako.. Anyway...

So andun na nga, after ng maraming minutes of paghihintay after ng picture taking... tinawag na ako para pumasok sa "lecture room" daw, also known as "review room" which in reality ay waiting room na may nakapaskil na mga road signs and all para ireview mo daw.  In fairness to A1 driving school, pinatitigan din naman sa akin yan nung orientation day ko.  Tapos may video lang about instructions sa exam, na sinascan daw sya at bawal mag bura at isa lang dapat ang answer mo.  Ganyang stuff, at konting samplex.  So medyo matagal ulit na hintayan dito... okay lang naman sa akin.. sabi ko nga, inexpect ko ito.  Ang hindi ko inexpect ay ito....

Si Kuya Officer sa entrance, yung nagtatawag ng mga papaupuin sa "review room", pumunta sa harap at akala ko naman tuloy nga, maglelecture.  Tapos sabi nya, 'wag daw kami mainip.  Kasi baka bumagsak daw kami kung papasok sa kami sa exam room na mainit ang ulo dahil nainip kami sa labas.  So sabi ko, ah di naman pala lecture, baka pep talk lang.  But no...

Kuya LTO Officer: Sige, bibigyan ko kayo ng tips.  Katulad nito. Anong ibig sabihin nito? *sabay turo sa one way na sign*

Examinees: One-way *yun lang ba?!* (haha)

Kuya LTO Officer: Okay.  Pwede ba mag-park dyan?

Examinees: *iba-iba na sagot* 

Tapos may sumigaw with confidence: Hindi! *syempre naisip ko na mali sya, kasi... testmanship*

Kuya LTO Officer: *medyo galit voice* bakit, ano bang sabi ng sign? one way.  Ito ang no parking *sabay turo sa no parking sign* 'Yan, inip na inip kayo dito, di nyo alam pagpasok nyo dun, mahirap yang exam.  Babagsak kayo.

I therefore conclude, hindi ito pep talk.

Ang dami nya pang sinabi, lahat nagtatapos sa hindi kayo papasa sa exam.  Hanggang si ate na katabi ko, nakayuko na.

Kuya LTO Officer: Akala nyo kasi madali lang.  11 years na ako dito sa trabaho, alam ko na itsura nung mga bumabagsak.  Ganyan na ganyan, yung mga itsura nyong inip na inip na.  Binasa nyo ba ito? *sabay turo sa printed policy about sa mga magrere-take ng exam* Maghihintay kayo ng 1 month and 1 day para mag apply ulit at mag take ng exam.  40 items lang ang exam, kailangan nyo ng 75%.  Iba iba kayo ng exam ng mga katabi nyo kasi 660 questions yan, na nirarandomize.  Hindi kayo pwede magkopyahan.  Mahirap yan.  Pustahan tayo, marami sa inyo babagsak dyan.  Ako nga, magkakamali pa dyan eh.  Kahit may mga kakilala kayo dito, hindi nila kayo matutulungan.  Mag isa ka lang dyan sa loob!

Ay naku talaga, ang tagal nya dun sa harap. Naglelecture kung paano kami ay babagsak dahil mukha kaming inip na inip.  So finally, umupo na sya ulit sa likod.  Hindi ko alam kung nagkataon lang, or ako talaga ang pinaparinggan nya.  Kasi lumingon ako sa likod.  'Di ko alam kung bakit, syempre nakatunganga lang ako dun eh.  For some reason lumingon ako tapos nakita nya ako.  Tapos sabi nya, "Hay nako, inip na inip pa din."  Tapos tumatawa sya. 

Kuya LTO Officer:  *kausap ang isang Kuya na naka Gear One Driving School uniform* Inip na inip sila.  Hayaan mo, matatandaan nila ito, Valentine's Day, bagsak sila sa exam.

Kuya, ano bang pinagdaanan mo today at ang bitter mo? Una sa lahat, yung answer sheet, ordinary papel, wala nung mga mark para sa automated na checking.  Fifty pesos kaya binabayad namin sa med school para sa extra na answer sheet na pang automated.  At nung inabot sa akin ang answer sheet ko, may malaking handwritten in red ink na 38.  (nagkamali ako ng shade sa isa eh) pero may isang tanong na di ko talaga alam.  Pangalawa, pumasa ako.  'Wag kang ano dyan ha.  Imbes na naghintay ako patiently, pinainit mo lang ulo ko eh.  Pero after naman, nakakatawa na lang sya.  At nagkaron pa tuloy ako ng blog.  But anyway, bakit nga ba ang nega?!  Masama bang mainip? E wala namang nagrereklamo sa amin, lahat naman kami silently naiinip lang.  Baka sya yung inip na inip na kaya nya naisipan na manindak ng mga mag eexam.  Oh well.  Natapos na yun.  Nakakatawa na lang sya now. Pumasa na ako. Bow.


Tuesday, January 30, 2018

Warning: Medyo kadiri.




So bale, ito pala ang magiging first entry ko the year.  Hmmmm.. napaisip tuloy ako kung itutuloy ko pa.
I guess oo, may fair warning naman.



Intro na lang muna siguro.  So how's life?

Ito.  The beginning of adulting.  Parang lahat ng nangamusta sa akin kinwentuhan ko lang kung gaano kagastos and adulting time for doctors.  Lahat na lang may babayaran... application sa hospital, Philhealth accreditation, BIR registration, insurance, clinic.... oh well.  But patience is a virtue, at after ilang mga panahon.   na wala akong ginagawa (kung di magbayad ng kung ano-ano at tumunganga sa clinic), medyo may patients naman na, kahit papaano, kahit lagnat at ubo.. at konting hema.  Lahat naman ganyan ang sinabi, tyaga lang sa umpisa. So para sa mga magsisimula ng practice, the struggle is real, at di ka nag-iisa (Unless umaapaw ang pera mo at okay lang syo magbayad ng maraming bagay.  Good for you. Ikaw na. Haha.)  But from my experience, 'wag mag-alala, God will provide.  (Always!) Special thanks na din kay Chad (congratulations ulit, by the way), sa help at sa pag tour sa akin sa Cavite (na parang hindi ako taga dito, kasi ang daming lugar ng di ko na alam, at first time ko madaanan).

So back to kadiri.

Nung isang araw, after ko magrounds sa GentriMed (by the way, may Hematologist na sila... #ShamelessPlug), dumaan ako sa grocery.  Kasi may short grocery list ako galing sa nanay ko.. so...

           Gardenia Wheat Bread - check
           Nescafe Instant Coffee - check
           Colgate - check

So ang kulang ko na lang ay cheese.  Actually, wala naman sya sa list, naisip ko lang kasi lately nag aadik ako sa Arla Cream Cheese sa toasted bread for my breakfast. So nakarating ako sa mga cheese, at nakita ko na sya.  Kinuha ko, pero for some reason, naisipan ko pang maglakad sa kabilang dulo para tumingin ng iba.  Wrong move.

Kasi kadiri talaga.  May malaking daga na nagtatago sa likod ng mga Ques-O at Eden!  As in lumundag sya para magtago sa likod ng pinakamalaking size ng cheese.  Yung katawan nya, kasing haba nung mga pinakamalaking box ng Eden at Ques-O na cheese.  Hindi yung normal size ha.  Hanggang sa mahabang black na buntot na lang ang visible for ilang seconds, tapos nawala na sya sa ilalim ng mga cheese.  

Unfortunately, ako lang ang nakikita nung moment na 'yun  Wala man lang akong karamay sa shock.  Anyway, dahil may social concern ako, tinawag ko si Kuya na taga ayos ng mga shelf.  

          Asyang: Kuya, may malaki pong daga sa likod ng boxes ng cheese.
         Kuya Employee: Ay naku, hindi ko na po mahahabol yun.  *sabay layas*

Hmmm... parang normal lang kay kuya ang idea na may malaking daga sa grocery nila.  After kong kilabutan ng bongga, ganun na lang yun.  Kadiri talaga.




Mga ganyan siguro sya.  Sorry, kailangan ko ng karamay.  Para mafeel nyo din ang nafeel ko.  Anyway, di ko sana papangalanan ang grocery, pero apparently, kahit saan na branch may mga daga sila.  Kasi kinwento ko sa mga tao, tapos sabi nila, may mga daga naman daw talaga dun.. Bakit?!?!


Dear Walter Mart, 

Pakiexplain kung bakit kailangan ko ma-trauma habang naggrocery? Bakit po ang laki ng daga nyo? At bakit kebs si kuya employee na may dagang nagtatago sa likod ng cheese?

Thank you.

-Asyang





Saturday, November 4, 2017

Sunday random kwento: Starbucks, Sam Smith and Singapore Airlines




Anong petsa na? Grabe, November na, patapos na ulit ang taon.  Why so fast? Parang kaka-Christmas pa lang.  Feeling ko kakablog ko lang.. at kakapromise ko lang sa sarili ko na magbblog na ako ng masmadalas.. *kru, kru, kru*

Ehhhhh dahil November na nga, sa ngalan ng Starbucks planner, nagkape ako.  So.. hindi ako makatulog.  'Yung antok ko, naligaw na.  Ang dami kong energy.  Kasi naman yung Vanilla Nougat ng Starbucks, kape na nga, hitik na hitik pa sa syrup.  'Yung syrup level na bumabara sa straw tapos pag ineffort mo higupin para dumaloy ang kape, boom, asukal. Bakit naimbento 'to?!  Very wrong, unless ang goal mo talaga ay diabetes levels.

Anyway, may bagong Starbucks sa Glorietta 4. (Apparently, di pa sapat ang dalawang Starbucks.)  Pero bukod sa disappointment ko sa super tamis na coffee, ang highlight ay si Ate sa starbucks.  Kasi, parang 3 lang silang barista. At actually, may tray table/area naman sila.  Wala naman nakapaskil na Clean As You Go, pero dapat naman medyo gets mo na yun..  na may lagayan ng used trays, na may laman na mga used trays, tapos walang personnel na nag-iikot sa tables area.  Actually, ang nakita ko lang naman ay ang si Kuya Guard na biglang nagligpit ng mga tray.  Pero sabi ni Maetan... chismis lang 'to... si Ate yung lumapit kay Kuya Guard at inutusan si Kuya.. 'Kuya, pakilinis ang table' in a very privileged bitchy tone (again, sabi lang ni Maetan, ginaya nya pa eh. Haha).  So si Kuya Guard, medyo confused, kasi nga naman seryoso sya sa pag gguard ng pinto, with full security guard costume, so pinuntahan pa din nya ang table, para kunin ang tray at ilipat sa tray area.

Una sa lahat, isang dipa lang yung return area dun sa actual table, so kung sino man ang umalis dun, di nya pa ineffortan.  Kung ang inorder nya ay Vanilla Nougat, I'm sure marami syang energy para iextend ang braso nya.  Pangalawa, mas malapit si Ate sa return area kesa kay Kuya Guard.  Mas ineffort nyang lapitan yung Guard para mag-utos, kaysa iangat yung tray, iextend yung braso nya, tapos bitawan ang tray. At bakit nga ba uso sa Pilipinas na ang guard ay janitor na din.  Para san pa ang full outfit nila at guarding accessories kung magliligpit lang din sila ng mga tray?  At ano bang mahirap sa clean as you go. Di naman kailangan squeaky clean as you go.  Saktong very minimal effort clean as you go lang.  Tinuro naman yun sa school guys.  Effort ng konti.  Tray lang 'yan.

Sam Smiiiiiith... hay Sam Smith.  So narelease na ang latest album nya.  Nung isang araw ko pa LSS ang too good at goodbyes.  Parang Adele lang 'yan eh, kahit wala kang pinagdadaanan, feeling ko may pinagdadaanan na din ako pag narinig ko sila. Plus, Sam Smith yun eh.  Kahit nga 'yung Work from home ng Fifth Harmony biglang ang ganda nung kinanta nya casually...




Isama natin sya sa list ng mga singers na kung nakuha ko ang boses nila, di talaga ako magdodoctor at wala akong ibang gagawin kundi kumanta.  So sana magconcert sya ulit dito.  At hindi na kami ma-sam smith all over again. Sam Smith concert kasi yung nag attempt lang kami bumili online, tapos dahil pang first world ang internet ng Pilipinas, nagcrash lang yung site, tapos pagrefresh nya, sold out.  Tapos mag slowmo yung mundo mo tapos... whyyyyy. So simula nun, pinipila na "namin" ang mga concert tickets.

So... may kwento pa dapat... pero next time na siguro.  Iattempt ko naman matulog na. Paano ba ito.... hay.

Anyway, di ko alam kung mabblog ko pa ang Australia trip.  Kasi yung 2016 nga di ko pa natatapos hanggang ngayon. (Hehe).  Isama na lang din natin ang ibang pictures dito para masabi ko lang na may blog ako. Pero alang alang sa future self ko na baka gustong mag back read ng mga blogs ko, ittry ko yan.

Adelaide Zoo

Barossa Valley






Yan na lang pala muna.. Sana may kasunod pa akong blog... *kru, kru, kru*




Tuesday, October 4, 2016

Guess who's back!?!?

Back again... na, na, na, na, na.... na, na, na, na, na...


Asyang is back. Back again.

Actually, nagselfie ako.  Yung effort mag emote like Eminem.  Kaso si Eminem na lang nilagay ko kasi baka masira ang araw nyo. 

Hmmm... ang bilis. October na.  Natapos din ang 3 months ko na outside rotation.  Kung saan walang concept of weekends and holidays.  At hindi uso ang normal working hours.  Well, that's life.  And that's training.  And that's how you become a better doctor.  *nuks nemen* 

Kakagising ko lang eh.  Yes, this is the life.  Yung nakakapag late afternoon nap ako.  Pero actually, ang dami ko pang gagawin.  Anyway... anong kwento? Hmmm.. ano nga ba?

May narealize ako.  Hindi ko kayang maging full time whatever.  Nagrerebelde yung utak ko.  Kasi sa outside rotation, papasok ako ng maaga.. (define maaga: mga 7:30ish to 8ish, haha), tapos di na ako masisilayan ng araw.  Pumuti ako, in fairness.  Rounds, rounds.  Clinic, clinic.  Doctor all day.  Hanggang mid-way, ayaw na gumana ng utak ko for some time.  Tsaka ayaw gumalaw ng katawan ko.  Kasi bored na sya.  Hindi sa ayaw ko nung ginagawa ko, I love my job. *nuks nemen part 2*  At lalong hindi boring ang Medicine. Pero normal naman siguro na gusto mo naman ng ibang bagay in life.  So naalala ko, nung college ako, na ang dami kong agenda sa buhay.. Swimming.. School.. Tambay.. Santugon.. Student Council.. Tambay.. kasya yun lahat sa isang araw.  (Paano??) Di naman nagrebelde ang utak ko or katawan ko.  Ang saya kasi nun, na maraming bagay in life.  Namiss kong... mag blog... mag jogging... mag... ano pa nga ba? magbasa ng hindi about hematology...

So yun.  I can't be a full-time whatever.

Hmmm. And recently, medyo natanong ako kung introvert ako.  Nang magkakaibang tao. Hmmm.. mukha ba akong extrovert? Ever? 

Sa mga nakagets, yey! Welcome to the club.

Sa mga hindi.. Hello :D

Tsaka nagkaroon kami ni Tabs ng traumtic experience.  Na dapat si Tabs ang magkwento, para mas intense.  Kasi mag intense yung exposure nya.  Tabs! Pakiblog please.  Pero habang 'di nya pa kinukwento, yung fun part of the adventure na lang ang popost ko dito.  Kasi super fan girl mode ko nung Pentatonix Concert.  Super SAYAAAA.  Ang saya saya ko.  Haha. Pero di naman fan girl level na naiyak akong napanood ko sila.  Siguro pag Coldplay na.  Or Adele.  Or Birdy. 



Anyway, back to regular blogging efforts for me.  Guess who's back?!

Sorry. Finilter ko na lang ng slight. :P


Thursday, July 28, 2016

31 years of being Asyang

Hindi ako prepared for a birthday blog.  
'Yan lang yung title kasi nagbirthday ako nung Sunday... 


Again, let me explain.  Natunaw yung cake, kasi ang traffic pauwi sa bahay ko.  Actually, nagslide lang naman yung top layer, tapos dumikit sila sa box. Pero maiinggit kayo, kasi favorites ko ang mga yan from Slice.  I have a birthday-cake-ni-Asyang from Slice.  Yema Cheesecake is the best.  And Caramel Yema Chiffon ang runner-up.  Thank you ulit kay Chef Michelle Mae Vivo.  You are the best.

Anong ginawa ko nung birthday ko?

Gumulong ako sa kama.  Kumain sa kama.  Gumulong ulit.

Seryoso.  Kasi na-miss ko yung kama ko.  Yung bed sa bahay ko.  Kasi after 1 month, nakauwi ako.  Kaya rin ako walang kwento, kasi busy-busyhan ako as a rotator sa NKTI.  Na napakalayo.  So extra early than usual ang gising ko, Tapos commute papunta, then uber pauwi.  Kasi mahal kung uber pareho.  At scary kung FX pa rin sa gabi.  Hence my FX-Uber routine.  

At dahil nagcocommute ako, I have commute kwentos.  Nung isang araw, sumakay ako ng FX. Tapos dun ako sa gitna, (actually, choosy na ako. Yung mahabang van na lang sinasakyan ko, kasi pag yung FX, pinagsisiksikan yung 4 sa gitna, na dapat inhale ka nang malala tapos konting exhale lang, kasi ang sikip na.. lalo na, kung may medyo chubby pa sa helera nyo.  No offense sa malusog, pero Kuya Driver, hindi na po talaga kami kasya kahit itodo pa namin ang inhale.) sa tabi ni Ate, at nang isang Kuya na nakablack at may yakap na backpack.  So may background music kami, yung radyo, pero mahina lang.  Tapos... nag ring ang phone ni Kuyang nakablack with a backpack:

KB: Hello? (medyo mababa yung boses ni Kuya, tapos seryoso)  
        Hindi ako nakauwi.  Nasan si Criselda? (Hindi nya tunay na pangalan.)

Criselda: Hello?

KB: Ipasundo mo ako.

Criselda: Saan? (actually, di ko naman sya naririnig, inassume ko lang kasi ang sagot ni Kuya ay...)

KB: Sa presinto. 

Criselda: Bakit?

KB: Eh.. nakasaksak ako eh.  (Again, seryoso ang boses ni Kuya. Sabay kamot sa ulo.)  
        Basta pasundo mo ako.  Ngayon na.  

Criselda: *di na ako makaisip kung anong sinasabi nya kasi naloka na ako ng slight sa statement ni Kuya*

Asyang: *peripheral vision on* napakapit ng tight si ate sa bag nya after ng statement ni Kuya. *thought bubble* wala naman kami sa presinto, so nangjojoke tong si kuya dapat

KB: Papuntahin mo na nga! 

Asyang: *though bubble* shet, either nakasaksak talaga si Kuya at may history sya ng pagkakakulong or ang galing nyang voice actor

KB: Dito! Sa presinto *may address syang bingay*

Asyang: *peripheral vision* deadma naman kaming lahat

KB: G@g*, pauwi na ako. Hahahaha.

Asyang: *peripheral vision* nag exhale si ate, sabay relax ng kamay. *though bubble* kuya, di ka funny

Tapos binaba nya yung phone.  Sabay sandal sa bintana at natulog.  Whew!  So medyo may kaba/confusion yun ha.  Buti na lang may Ate sa gitna namin ni Kuya.  Anyway, back to silence in the FX... tapos after a few seconds... tumugtog ang Imagine You and Me sa radyo.  ('Wag kang ano... alam mo yang kantang 'yan.)  Tapos... si Kuya Driver, na malaking tao, with a man bun sa gitna tapos nakashave yung gilid... yung tipong kung mamatay tao nga si Kuya with a backpack, kaya nyang hilahin pababa ng FX nya... kumanta... nang malakas:

It would be nice to have yooouuu.. in my life... 
Would there be a chance... for you to give it a try..

and then narealize nya sigurong puno ang FX nya, biglang humina yung boses nya, tapos ang hum na lang sya.  

Asyang: *ang weird ng umaga ko, kailangan ko na ng kape*

Anyway, back to my birthday...  Hindi naman actually talaga ako mahilig magcelebrate ng birthday.  Ang natatandaan ko lang, naghanda ako nung 16th birthday ko, pero actually, thanksgiving yun, kasi nagkamajor car accident kami mga 2 months before. So yung celebrate na party, party and other birthday rituals for me, hindi ako masyado fan.  Thankful ako for every year, di lang ako mahilig magcelebrate.  So nung birthday ko, umuwi lang talaga ako.  Nagbinge eating kami ng kapatid ko ng pizza, pasta at spicy wings.  May wine at cheese pa sana kaso di na namin kinaya.  Tapos nung following day, Chinese food party naman.  Tapos bumalik na ako sa Taft.  Ayun.  Nagbirthday ako.  Haha.  Thank you ulit sa mga nag greet!




Tuesday, June 28, 2016

Asyang, at ang mga taong may pinagdadaanan.

'Pag meron ka bang pinagdadaanan, like serious stuff... 'yung 'pag ninarate yung buhay mo sa TV ang sasabihin nung voice over ay ito na ang isa sa mga malaking dagok sa buhay mo... paano ka nagrereact?

Ako kasi, 'di ko sure.. (haha), pero sa pagkakaalam ko, either I act normal or slightly more tahimik... or maybe minsan may overcompensation.. extra chatty.  In short, wala pala akong ang default reaction.  Haha.  kung anong maisipan.. but I guess normal ang mas default.  'Di pa naman ako (well, at least nung tumanda na ako) sigurong biglang napagbuhusan ng galit/frustration.

Nung isang araw kasi, tumawag ako sa... basta sa isang department/office, kasi kailangan ko mag inform na hindi makakarating yung consultant namin sa seminar:

Asyang: Hello, good afternoon po, Dr. Sapinoso po ito sa Hema, inform ko lang po na hindi na makakaattend si Dr. *** sa seminar next week.
Kalmadong Kuya: Ay, wait lang po, lipat ko ko po kayo kay Sir **.

Agit na Kuya: Hello?
Asyang: (repeat) Hello po! Good afternoon po, Dr. Sapinoso po ito sa Hema, inform ko lang po na hindi na makakaattend si Dr. *** sa seminar next week.
Agit na Kuya: E BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!?



Asyang: *silence* *palpitations*
Agit na Kuya: Sino ulit?!
Asyang: Dr. ** po
Agit na Kuya: BAKIT HINDI NA SYA PUPUNTA???
Asyang: *lunok* Uhm, dumating daw po kasi yung visa nya, so out of the country na po sya next week.
tooooooot.... toooooooot..... tooooooot....

*aaahhh.... binabaan ako ni kuya....*

Seriously, ang nega diba?  Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.  (Joke lang) Pero baka naman may pinagdaanan lang si "Kuya"... like PMS.  Hinayaan ko na si Ate. *wink, wink*

Tapos nung isang araw, bumili ako sa snacks for movie.  Parang okay naman si Ate.  Tinanong nya kung what time ang movie, kasi 10 minutes pa daw para maluto and fries.  Sabay abot ng resibo ko, at nagbilin na tatawagin na lang po kayo ma'am.  So nakipagkwentuhan muna ako sa gilid.

... after 3 minutes ....

Ate: MA'AM ACE!!! MA'AM ACE!!!

*panic!*

Ate: Iced tea. Tatawagin ko po kayo ulit. (Sabay slide ng dalawang iced tea)

*whew* 

Kinabahan ako.  Nung bata kasi ako, pag may ginawa akong mali.. or kung may hindi ako ginawa na dapat ginawa ko, tapos galit si mama, sisigaw na 'yan: ALEXANDRAAAAAA! *patay*  Alexandra lang ako 'pag galit sya eh.  

Parang ganun 'yung sigaw ni Ate... parang dapat... Ma'am Ace!!! Ma'am Ace!!! Bakit di ka pa nag saing?!? Buong araw ako sa trabaho, tapos pag uwi ko ako pa din magsasaing?!?! 

Parang gusto ko na lang mag-sorry.  Haha.

Baka may pinagdadanan lang din si Ate.  Pero, in fairness sa kanya, kalmado na sya, at nakasmile nung inabot nya ang fries.  Or baka nafeel nya lang na natakot ako sa kanya nang slight.

Nakakatawa na lang sya ikwento ngayon. Pero diba? Sana mabawasan ang mga nega, lalo na sa mga taong (katulad kong) wala naman ginawa para ikagalit nila.  The world needs more love and laughter.  ('Yun oh).

Good night!




Wednesday, January 6, 2016

Asyang's 2015 Movie List



Belated happy new year ulit!!  Sabi ko nga, dapat countdown blogs ito… pero nakapag explain na ako kung bakit ngayon ka lang… dumating sa buhay ko.. (nagvivideoke pa din ang kapitbahay namin!! Ano ba kuya!! Anong pinagdadaanan mo?!)
Kaya ko pa din naman pala mabuhay without twitter, facebook at kung ano-ano pa.  Nakapag catch-up ako sa mga tv series, at finally, napanood ko na ang Star Wars Episode 1 to 6.. nahiya naman kasi ako na parati kong sinasabing adik ako sa movies, pero ni isang Star Wars movie wala akong napanood.  So ayan.  Bakasyon na bakasyon sa bahay, na-enjoy ko ang bonding ko sa bed at tv..  syempre with my family din naman, in fairness. But aymishusomaaaaats, social media.

Anyway, sige, fine.  Kahit di ko na sya nagawa, balik-tanaw na lang kasi sayang naman ‘to.  Ineffort ko ito panoorin lahat para lang makapagpost ng listahan.  So ang 2015 ko ay punong-puno ng movies.  Sana naalala ko silang lahat. Ito na, in no particular order.. .(haha, sino nakagets non? Kung di mo gets… secret)

Maze Runner: The Scorch Trials
Spectre
The Man from U.N.C.L.E.
Burnt
The Martian
The Transporter: Refueled
Everest
Heneral Luna
Pitch Perfect 2
The Mockingjay Part 2
Inside Out
Hitman Agent 47
Paper Towns
Magic Mike XXL
Mission Impossible: The Rouge Nation
Fantastic Four
Pixels
Trainwreck
San Andreas
Jurassic World
American Sniper
Fifty Shades of Grey
Insurgent
Furious 7
Insidious Chapter 3
Avengers
Max
Minions
Age of Adaline
In the Heart of the Sea

Tapos may required na MMFF movies every year… kung anong pinanood ko, secret ko na ‘yon.  Anyway, feeling ko may kulang pa dyan eh.  Pwede na rin siguro ako mag movie blogs sa kaadikan na ‘yan.  Kaso ang masheshare ko lang ay… kung pano ako natunaw sa silya ko nung naghihiyawan ang mga teenager sa sine sa mga kilig moments sa A Fault in Our Stars (ayan! 2015 din ba yan?) at kung ilang beses ko sinabing “bakit ba natin pinanood to?” habang nanonood ng The Transporter.  We’ll see.. baka this 2016 i-push ko ‘yan.

P.S.  Sa sine ko lahat pinanood ‘yan ha.  No to piracy.  Piracy is a crime, sabi ni Derek Ramsey.



Monday, January 4, 2016

Happy 2016! - love, Asyang


Happy new year!! Alam ko na late na, (actually, January 1 ngayon, pero sa Monday ko pa ito mapopost) but let me explain. ..

Umuwi kasi ako ngayong Christmas break.. kasi wala naman akong pasok (yehey!).  Sabi ko, kahit mahaba ang to-do list ko, isisingit ko pa rin ang plano kong countdown blogs… mga balik-tanaw sana sa mga pinag gagagawa ko sa buhay for 2015.  Kaya lang, walang signal sa bahay ko.  Lahat ng pocket wifi, tinry ko na: globe, sun, smart.. tinry ko na ilagay sa bintana, sa garden, sa garage. Waley.  Hence, my absence in social media.  Nabibilang lang nya ang notifications, pero di ko nababasa…. Whhhhyyyyy? Actually, kahit text message, nahihirapan na ako mag-send.

Pasensya na sa mga hindi ko nagreet ng Merry Christmas at Happy New Year! Hindi ka nag-iisa, kasi mom ko lang at si Potch ang naggreet ko.  Gumive-up ako sa kakapindot ng try again.  May mga narecieve naman ako na text… actually, ang blog na ito ay specially para i-share ko ang pinakamemorable (yes, ito na yata talaga) na greeting ng happy new year.

Sa mga single na tulad ko, nabibilang nyo pa ba kung ilang times na kayo tinanong nang, "kailan ka magpapakasal?" Ano ba ang dapat sagot dyan? Bukod sa maganda kong smile, at balik-question na, "kanino pala!?" Haha anyway, di naman ako actually nabobother, pero ito na nga kasi ang greeting nya sa akin:

Text number 1:

PTL! (Praise the Lord!) Gud am sis Ace.  May boyfriend ka na? Dapat christian din.  Hwag kang gumaya kay ***** o ***** (yes, nagname drop talaga sya… ) matatanda na.  (Grabe ka naman sa matanda na)  Kung wala pa mag pray ka.  Maganda ka naman. Dapat may family ka na this 2016.  Happy New Year.  God is good.

In fairness, natawa talaga ako.  Kilala ko na kasi sya, so natawa lang talaga ako.  Tama naman sya, na dapat christian, at dapat ipagpray, God is good, at maganda ako.  (Hahahaha joke lang).  Akala ko tapos na…  after 10 seconds…

Text number 2:

Mabilis ang panahon.  Mamaya menopausal ka na.  Mag pray ka. 

Actually, may text number 3 pa, pero wag nyo na basahin.  Uyyyy, di ko inimbento ‘yan ha.  Sinabihan nya talaga ako na magmemenopause  na ako. Ganyan talaga ang concern at greeting nya para sa akin sa first day of 2016.

Pero as a reflection to that, ang totoo ko ngang sagot pag tinatanong ako, ay.. kung darating, darating.  Kung wala, edi wala.  Because seriously, I trust the Lord’s plan for me.  (Amen!)

So... late man ako, babati pa din! Happy 2016 ulit sa inyo! Muah!

P.S. GRABE.. di ko alam kung anong plan ng kapitbahay namin, pero ang sakit na ng ulo sa buong araw nilang pagvivideoke ha.


Thursday, December 3, 2015

Asyang's Slam Book #1


Ang dami ko na naman inaatupag.  Nakalimutan ko na naman tuloy itong blog ko, hu hu hu.  Pero, I promised, na hindi ko na ineneglect ang aking blogging duties.  For my future self.  Anyway, chineck ko ang listahan ko, wala kasi akong maikwento na interesting... so...

nung grade school ba kayo nauso sa class nyo ang autograph? Yung katulad nang nasa picture..

Anyway, sa amin kasi nauso yan, yung nabibili sa national bookstore.  So syempre, gusto ko din, para cooll ako.  Kaso ayaw ako ibili ni Mama.  Sabi nya, gagawan na lang nya ako ng slam book / slum book (bilang artsy artsy si mother).  True enough, ginawan nya talaga ako, from scratch.  Recycled notebooks, colored pens, magazines, glue, tira tirang wrapping paper... tadah!



syempre hindi yan ang actual, pero para sa mga hindi nakaexperience nyan, ganyan sya.  Pipili ka ng number, then every page, susulat mo yung answer mo sa number mo.  Eventually, di na cool ang nabibiling autograph sa national bookstore.  At 'must-have' na sa class ko ang artsy slam book. 

Tapos naalala ko, nung high school ako, parating nagrereklamo yung circle of friends ko, na napakasecretive ko daw.  May issues pa ako nun sa buhay.  #teenager.  Pero ngayon, wala naman na, so ang dami ko nang kwento no?  Minsan, gusto ko na nga pigilan yung sarili ko magkwento, kasi feeling ko, ayaw na nila makinig sa mga napakarandom sharing ko.  Pero sa mga friends ko lang ako madaldal, in real life, tahimik ako.

Pero 'di ko pipigilan tonight ang pagsheshare ko ng random things about me.  Dahil.... wala akong kwentong adik.  Slam book entry #1 na lang muna.

---

> My name is Frances Alexandra.  Frances ay galing sa paternal lola na Francisca, at Alexandra from my maternal lola, Alejandra.  Para walang tampuhan.  Wala akong naabutan na lolo, so sila lang.  Ang nickname na Ace ay walang origin.  Gusto lang ni mother.

> Akala ko unique na ang name ko, pero nung high school, may kapangalan ako.  Lamang lang sya ng I... Frances Alexandria.  At hindi Ace ang nickname nya.

> My favorite color is...

> Super naadik ako sa nail polish.  Actually, ang goal lang naman dati ay bawal ang maruming nails.  Pero eventually, naging regular reward for myself na 'yan.


> No to Hawaiian pizza


> Yes to books... kahit ang dami ko pang hindi nababasa *tears*


> Coffee or tea? COFFEE.  and my default starbucks drinks: iced soy latte or iced green tea latte


> Kaya ko ito ubusin



- 'yan muna for now -