Tuesday, June 28, 2016

Asyang, at ang mga taong may pinagdadaanan.

'Pag meron ka bang pinagdadaanan, like serious stuff... 'yung 'pag ninarate yung buhay mo sa TV ang sasabihin nung voice over ay ito na ang isa sa mga malaking dagok sa buhay mo... paano ka nagrereact?

Ako kasi, 'di ko sure.. (haha), pero sa pagkakaalam ko, either I act normal or slightly more tahimik... or maybe minsan may overcompensation.. extra chatty.  In short, wala pala akong ang default reaction.  Haha.  kung anong maisipan.. but I guess normal ang mas default.  'Di pa naman ako (well, at least nung tumanda na ako) sigurong biglang napagbuhusan ng galit/frustration.

Nung isang araw kasi, tumawag ako sa... basta sa isang department/office, kasi kailangan ko mag inform na hindi makakarating yung consultant namin sa seminar:

Asyang: Hello, good afternoon po, Dr. Sapinoso po ito sa Hema, inform ko lang po na hindi na makakaattend si Dr. *** sa seminar next week.
Kalmadong Kuya: Ay, wait lang po, lipat ko ko po kayo kay Sir **.

Agit na Kuya: Hello?
Asyang: (repeat) Hello po! Good afternoon po, Dr. Sapinoso po ito sa Hema, inform ko lang po na hindi na makakaattend si Dr. *** sa seminar next week.
Agit na Kuya: E BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!?



Asyang: *silence* *palpitations*
Agit na Kuya: Sino ulit?!
Asyang: Dr. ** po
Agit na Kuya: BAKIT HINDI NA SYA PUPUNTA???
Asyang: *lunok* Uhm, dumating daw po kasi yung visa nya, so out of the country na po sya next week.
tooooooot.... toooooooot..... tooooooot....

*aaahhh.... binabaan ako ni kuya....*

Seriously, ang nega diba?  Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.  (Joke lang) Pero baka naman may pinagdaanan lang si "Kuya"... like PMS.  Hinayaan ko na si Ate. *wink, wink*

Tapos nung isang araw, bumili ako sa snacks for movie.  Parang okay naman si Ate.  Tinanong nya kung what time ang movie, kasi 10 minutes pa daw para maluto and fries.  Sabay abot ng resibo ko, at nagbilin na tatawagin na lang po kayo ma'am.  So nakipagkwentuhan muna ako sa gilid.

... after 3 minutes ....

Ate: MA'AM ACE!!! MA'AM ACE!!!

*panic!*

Ate: Iced tea. Tatawagin ko po kayo ulit. (Sabay slide ng dalawang iced tea)

*whew* 

Kinabahan ako.  Nung bata kasi ako, pag may ginawa akong mali.. or kung may hindi ako ginawa na dapat ginawa ko, tapos galit si mama, sisigaw na 'yan: ALEXANDRAAAAAA! *patay*  Alexandra lang ako 'pag galit sya eh.  

Parang ganun 'yung sigaw ni Ate... parang dapat... Ma'am Ace!!! Ma'am Ace!!! Bakit di ka pa nag saing?!? Buong araw ako sa trabaho, tapos pag uwi ko ako pa din magsasaing?!?! 

Parang gusto ko na lang mag-sorry.  Haha.

Baka may pinagdadanan lang din si Ate.  Pero, in fairness sa kanya, kalmado na sya, at nakasmile nung inabot nya ang fries.  Or baka nafeel nya lang na natakot ako sa kanya nang slight.

Nakakatawa na lang sya ikwento ngayon. Pero diba? Sana mabawasan ang mga nega, lalo na sa mga taong (katulad kong) wala naman ginawa para ikagalit nila.  The world needs more love and laughter.  ('Yun oh).

Good night!




2 comments:

  1. agree, ang hindi komagets sa mga tao bakit FnaF nila ang pagkagalit sa mundo, hahahahha, e masama sa heart ang naiistress diba? buhay nga naman!

    ReplyDelete