Back again... na, na, na, na, na.... na, na, na, na, na...
Asyang is back. Back again.
Actually, nagselfie ako. Yung effort mag emote like Eminem. Kaso si Eminem na lang nilagay ko kasi baka masira ang araw nyo.
Hmmm... ang bilis. October na. Natapos din ang 3 months ko na outside rotation. Kung saan walang concept of weekends and holidays. At hindi uso ang normal working hours. Well, that's life. And that's training. And that's how you become a better doctor. *nuks nemen*
Kakagising ko lang eh. Yes, this is the life. Yung nakakapag late afternoon nap ako. Pero actually, ang dami ko pang gagawin. Anyway... anong kwento? Hmmm.. ano nga ba?
May narealize ako. Hindi ko kayang maging full time whatever. Nagrerebelde yung utak ko. Kasi sa outside rotation, papasok ako ng maaga.. (define maaga: mga 7:30ish to 8ish, haha), tapos di na ako masisilayan ng araw. Pumuti ako, in fairness. Rounds, rounds. Clinic, clinic. Doctor all day. Hanggang mid-way, ayaw na gumana ng utak ko for some time. Tsaka ayaw gumalaw ng katawan ko. Kasi bored na sya. Hindi sa ayaw ko nung ginagawa ko, I love my job. *nuks nemen part 2* At lalong hindi boring ang Medicine. Pero normal naman siguro na gusto mo naman ng ibang bagay in life. So naalala ko, nung college ako, na ang dami kong agenda sa buhay.. Swimming.. School.. Tambay.. Santugon.. Student Council.. Tambay.. kasya yun lahat sa isang araw. (Paano??) Di naman nagrebelde ang utak ko or katawan ko. Ang saya kasi nun, na maraming bagay in life. Namiss kong... mag blog... mag jogging... mag... ano pa nga ba? magbasa ng hindi about hematology...
So yun. I can't be a full-time whatever.
Hmmm. And recently, medyo natanong ako kung introvert ako. Nang magkakaibang tao. Hmmm.. mukha ba akong extrovert? Ever?
Sa mga nakagets, yey! Welcome to the club.
Sa mga hindi.. Hello :D
Tsaka nagkaroon kami ni Tabs ng traumtic experience. Na dapat si Tabs ang magkwento, para mas intense. Kasi mag intense yung exposure nya. Tabs! Pakiblog please. Pero habang 'di nya pa kinukwento, yung fun part of the adventure na lang ang popost ko dito. Kasi super fan girl mode ko nung Pentatonix Concert. Super SAYAAAA. Ang saya saya ko. Haha. Pero di naman fan girl level na naiyak akong napanood ko sila. Siguro pag Coldplay na. Or Adele. Or Birdy.
Anyway, back to regular blogging efforts for me. Guess who's back?!
Sorry. Finilter ko na lang ng slight. :P
Yes, boblog ko talaga ang PTX.
ReplyDelete10/10 sa last picture.
Cute ko no?
Deletereminds me of a natalie tran's alex mack picture.
Deletehttp://s143.photobucket.com/user/tabach0i/media/Capture.png.html