Tuesday, September 22, 2015

Asyang and Crossroads


Fine, strictly speaking, hindi crossroad ang picture.  Kasi hindi sya cross.. pero yan ang binigay ni google (credits to the owner), na nagustuhan ko ang effect.

Finally, wala na akong tinanggap na excuse today para hindi gumalaw.. meaning mag exercise.  Well, medyo legit naman yung sumakit kasi talaga ang tuhod ko.  And nagkatime naman na 3 hours straight ang dance practice (counted naman yun as exercise).  But anyway, tumakbo ako ulit today.  At naalala ko na ito nga pala ang pinakamunimuni time ko.

So today, ang muni muni ay about sa mga dreams ko pa in life, and choices in life.  Well, nung bata naman ako ang sabi ko dream ko maging doctor, so check na yan.  But syempre, marami pa din akong random things na naiisip na gusto kong gawin.  Pero naisip ko nga, paano ba ako nakarating dito? Like, ang daming (major) decisions na ginawa ko in life, kaya ako napadpad dito.

Seriously, never kong naimagine na maachieve ko kung ano man ang meron ako today.  But looking back, I feel so blessed, because during the times when I felt like the future was uncertain, God has always provided the answers.  Parang, ‘di ko pa nga napagppray ng bongga, may answer na si God.  And some of them, ay hindi ang preferred answers ko at that time.  Syempre hindi naman always masaya lang, or keri lang lahat, or yung gusto mo lang ang pwede, but being a Christian, you learn to see things differently.  Eventually, it becomes so easy to find the greatness in the simplest things.  (So, seryoso naman nga ako nung sinimulan ko ang paragraph with seriously.)

With that, I am super happy and thankful for my life, with all its imperfections.  Pero, sabi ko nga, hindi naman always masaya.  So kung masaya ako sa major decisions ko in life, kabaligtaran yan ng mga minor decisions ko in life.
 
Like sa pagpili ng line sa buffet.  Umattend kasi kami ng convention, at di ko alam kung kaninong bright idea ang buffet (for a convention na P6,000.00 ang registration!!!).  So madami naman ngang set, pero super haba ng pila sa lahat.  Pero gutom na talaga kami ha.  As in.  Tapos, nung mga 3 people na lang ang nasa harap naming, dun pa naubos lahat.  At tsaka pa naisip ni kuya na sabihan kaming lumipat ng line.  Sa buffet table na may pilaaaaaaaaaaaa pa din.  (Seriously?!? End of the world na ba kasi wagas na yung gutom ko!!)  Tapos hindi masarap yung food.  And then nung isang araw, sa grocery, kakapili ko ng cashier, dun pa ako napunta sa naubusan ng paper for resibo nung ako na.. as in, na-bag na lahat ng binili ko, pero di ako makaalis.  Ugh.  Bakit ganoooooooon?? Sinabon ko naman!!!!!

4 comments:

  1. Replies
    1. Yung connercial tabs! Haha naisip ko sya randomly

      Delete
  2. Grabe ang ganda ganda nito,

    "And some of them, ay hindi ang preferred answers ko at that time. Syempre hindi naman always masaya lang, or keri lang lahat, or yung gusto mo lang ang pwede, but being a Christian, you learn to see things differently. "

    The feels, the hugot, may pinagdaraanan kasi ako ngayon asyang, kung alam mo lang, condemn na codemn na ko sa pgiging kristiyano ko. Hahahhahaha. At asyang aahh? shinare ko yan sa FB, nasiyahan kasi talaga ako sa sinabi mong yann, pero bakit? ou bakit? sinaaaaaboooon ko din naman? hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aaawww... Thank you so much! I also enjoy reading your blogs! Ang dami ko pang kailangan i-back read. At kinilig ako sa nomination mo. 😁

      Delete