inaantok na talaga ako. every rounds ko sa floors, tumatawad na ako ng power nap. in short, natulugan ko ang lahat ng nurses station, at may red na bilog na ako malamang sa noo. hehe. in fairness to me and my new found default face, natuwa naman ako sa complement na: you always look happy, that's nice. haha. dati kasi puro na lang mukha kang suplada. haha oh well. bangag pa din ako. di lang siguro halata na from na ako at hindi pa naliligo. buti na lang, may mga baon ang mga nurses at pinapakain ako. at tinitimplahan pa ako ng iced tea. natuwa naman ako.
ano bang mahirap sa sapinoso? hindi naman ako galit, nagwowonder lang. haha s-a-p-i-n-o-s-o. kasi sabi ko sa nurses, pag may nagpapage pa na Dr. Sapinosa, or Dr. Pinoso, hindi na ako sasagot. hahaha. natawa lang din sila kasi tumatawa ako. ok na yun, basta patulugin nyo ako, hehe. salamat sa mga hindi nang gigising para sa to follow at rbs. very good. clap, clap. kasi hindi ko na alam kung pano ko hahatiin ang katawan ko.
ayun. may irita mode pa. buti na lang, sa mga tinginan, nagkakaintidihan kami na.. alam na. nakakainis. kaya idadaan na lang namin sa sinigang. at starbucks coffee (para sa sticker). cheers na lang.
antok na talaga ako. at di ko na rin masyado maramdaman yung legs ko. haha. kaya, iba na lang. ayoko na pag usapan ang ospital. pagkain na lang kaya ulit. bakit ang sarap kumain? favorite ko talaga yun. ay, mas masaya pala. Pumasa na yung brother ko sa boards!! Woohoo. Sana yumaman na sya at tustusan nya ako. Poverty kasi. Bakit ba ganun? hehe antok na talaga ako. As in may ptosis na nagaganap. Di ko naman alam kung bakit ko pinagpipilitan mag blog. Wala namang kwenta ang random thoughts ko. Naiinis lang din kasi ang ng bonggang bongga. Dinaig pa ang... anong tawag dun sa color blue thingy na hand sanitizer sa hospital? hay wala na.. di na gumagana yung utak ko. anyway, malupit pa sya dun sa paglilinis ng kamay. wala pang 2 seconds, nakaturo na sa iba. lupet.
"assumera ka kasi" shet, sumakit yung tyan ko kakatawa. umiral na naman ang kamalditahan ko. di naman yun kamalditahan. truth lang ito. fact. ganun. bagay na di ko kaya baguhin, kahit anong pilit. sadyang ganun talaga ang buhay. kanya kanyang trip yan sa buhay. ganun din naman, may ayaw ka.. di mo naman mabago din. e.. ganun talaga. kesa mag ubos ako ng energy, kebs na lang. napakarandom na nito...
ano na ulit tawag dun sa kulay blue na hand sanitizer?! nakakainis. bakit hindi ko maisip! tumigil na yung utak ko.
kelan ko ba malalaman ang kwento ng BV na to? wag ka naman madamot. haha. shet asyang, nagkakasigns of aging ka na. inaantok ka na palagi.
ReplyDeletehindi yan sign of aging tabs!! from duty kasi ako! haha
ReplyDelete