Monday, March 15, 2010

Old Posts

Exagge naman yung ten years, mga 11 months lang to be exact. At baka nga this time, looseness of associtations na. Anyway, short kwento muna: second attempt ko na ito to blog. I hate multiply for not saving my blog! After approximately 30 minutes of typing (my random thoughts), I clicked on the publish button, then *poof*, bumalik lang sya sa site then walang blog. Arg. Effort. Anyway, my psych/anes experience is driving me crazy. Crazy people. At nakakapagod ng malala. Kakasira ng ulo sa psych (maiimunne ka nga naman, which is scary kasi baka lang dahil yun crazy ka na din) At kamusta naman ang diner dash ng pagBP sa PACU (recovery room)!?!?! I hate it. Dapat may hinahire na lang para magBP eh. Super sakit sa kamay last time nung toxic duty ko. Try nyo magBP for…. 15 hours!!! Buti na lang 1 more duty na lang (tomorrow… ngayon pa lang nagdadasal na ako) Not fun. And my patient’s have NPO breath… hmmm… reminiscing OB… Anyway, last time may mga funny kwentos, but ngayon na lang sya funny dahil during that time, naiirita lang ako sa kapaguran ko. May lola, na sumisigaw… sabi nya wag daw syang deadmahin, at wag magbingibingihan. Naiinip na kasi sya. Then she saw me, “Doktora, pakipulot nga ang sipilyo ko (sabay turo sa floor), nahulog ko.” (syempre walang toothbrush, imagination lang ni lola. Tapos 66 year old female, kakagising lang, umiiyak. Yung pang kinder-na-inagawan-ng-candy iyaw. “ang ate ko, asan ang ate ko?” paulit ulit. Nakakaloka si kuya nurse, pinatulan. “Lola? May ate pa kayo?” (with a grin). At si pay patient, “Nurse?!” (I’m not a nurse, I’m not wearing green scrubs!) “pakitawagan ang relatives ko sa roon, I want my pillow and my blanket. And water.” (Ate, nakita mo bang umaapaw na ang mga pasyente dito sa PACU at medyo all by myself ako ngayon?) syempre, in real life, deadma lang ako, walk away at baka may maisip pa syang iutos sa akin. Syempre, di din ako tumawag sa room nya. At maya maya narinig ko na lang winawarla na nya yung mga nurse.
Anyway, triage ako the yesterday sa ER. May patient from Bulacan, referred for CTT insertion. Pina THOC (to hospital of choice). So mega explain na naman ako, “punong puno po ang ospital, walang kama, walang mag oopera etc etc…” (habang nagsusulat na ako ng form) so gone na si lola. After 1 hour, bumalik sya at dineclare ni kuya ng pumunta daw sila Ospital ng Maynila at pinabalik daw sila sa PGH!!! Nakakaloka. Tinurf na nga pinabalik pa sa amin. So explain na naman ako na hindi nga sya maadmit dahil no vacancy. Even the floors are not vacant! Haha so… after 20 minutes, nagpapaliwanag pa din ako.. hay.
Tap tap revenge! Where’s sandee? Adik na ako sa tap tap revenge 2. Gusto ko na tuloy ng iTouch just for that. I miss lady gaga and her themed stage (complete with all the diamonds spinning) Hehe I want to play.. 
Si joanne ang kasama ko ngayon dito sa PACU…. Resident to patient: Anong pangalan mo? Patient: Bumubulong… Resident: Lakasan mo, kailangan marinig ko dito (nakatayo sya sa medyo malayo.. ) Joanne: may ganun ba, parang snellen? Kasama bas a NVS ang distance? Ace: baka ayaw nya lang maamoy ang NPO breath.
Gusto ko na magbakasyon. As in beach. May sand, may araw, may tubig… walang pasyente. But no, ang meron lang ako ay countdown to IM rotation.. boo. Boljakan na naman. Wish ko lang tlga, wag ako madeprive ng tulog! And food. Marunong pa kaya ako magbasa ng ECG? Sana naman no, dahil balak ko magIM.
Manood kayo ng Glee. Na nakuha ko lang kay Bea “nagbago na ako” Tauli. Magsstart na ulit yung Grey’s Anatomy. Yey. Meron pang kasunod yung mga sinulat ko kaso pagod na ako magtype. To be continued.

No comments:

Post a Comment