New blog. Hindi ko na kasi inuupdate yung multiply blog ko for the longest time. Anyway, whatever. I need a new space for my random thoughts. Haha. Internship ends in 47 days. I love it. But still, parang ito ang pinakamatagal na 47 days, I have to spend it in Pedia pa talaga. At hindi nakakatulong si Neilson, na super tinatamad na din kumilos. Teh, wala tayong mararating pareho nito. Super tamad na natin pareho. Anyway, may new found hobby ako (c/o Maetan). Ang ifollow ang mga tao sa twitter, ie. Kris Aquino. Friends, itry nyo din. Medyo boring minsan pero pwede na din. Haha. Kanya kanyang hobby lang yan.
Kailangan ba talaga mag boards? Sabi ko kaya mama, hindi na muna ako magboboards. Sabi ko magtitinda na lang din ako. At tinawanan nya ako. Haha. Syempre, joke ko lang yun. Deep inside naman alam ko na hindi yun mangyayari dahil magboboards na ako. (Friends, pray for me. This is it.) Haha. At minsan, alam kong kinocomfort nyo lang ako kapag sinasabi ninyong papasa naman ako, pero sa totoo lang, added pressure sya minsan. E paano nga kung hindi?! Haha. Kailangan ko matuto maging optimistic ulit. Pero ang masmalaking tanong, ay pag pumasa ako, anong gagawin ko? Hindi naman ako nag iisa sa dilemma na yan. But still, ano na nga ba ang master plan? Sabi ko nga, pwede bang mag housewife na lang? Kahit walang asawa? Masmaganda kasi yung pakinggan kesa sa bum for life. Haha. Or magresidency? E ano naman? Parang inaassume na ng mga tao na IM person ako. Paano kung iba na lang pala? E ano naman? So confusing. Sana high school na lang ako ulit, na ang pinoproblema ko ay kanino ako kokopya ng assignment. At naremember ko lang ang pinagkkwentuhan namin nung isang araw. Lahat kami ay boto sa mag babies na si Joanne Santos (special mention). Isipin mo na lang Joanne, at least your eggs will be useful, unlike sa mga eggs namin na nasusunog lang sa radio. (I hate rad techs… X-ray! Toot!) Wala man lang chance magtago? At ilang beses mong uulitin? Ano na? Sacrificial eggs. Anyway, masmarami na kaming nakakarealize ng No to PGH sa residency. At wag nyo kaming ijudge kung ang rason namin ay gusto naman naming mag outfit pag resident na kami. Yung mabango kami. Yung white talaga ang dapat na white na damit. At higit sa lahat, yung hindi namin pproblemahin ang mga stretcher ng mga pasyente. Syempre mas may seryosong reasons kami, pero diba? Ok na din na reason yan? Kanya kanya lang yan.
No comments:
Post a Comment