Kamusta naman ang 15 hours sa bus. Para kaming evacuation area sa bus. Walang pagkain at kung may tubig man, walang gustong uminom dahil sa gitna ka lang ng highway (na baha) pwede umihi. Bakit ako nasa bus?
Kasi may pasok kasi ako sa PGH ng 4pm. Syempre umuulan, naisip ko na na baha sa taft. So tinext ko si Neil nung morning. Sabi nya nung pumasok sya di pa naman baha sa Faura. So sabi ko aalis na lang ako ng maaga para maabutan ko pa ang no-flood-sa-faura. So yun, nagbus na ako since dadaan naman yun sa harap ng condo, feeling ko naman makakarating ako ng matiwasay. So wala pa namang flood sa Imus, with minimal flood sa Bacoor. Tapos pagdating sa may Baclaran, traffic kasi super di na umaandar yung mga papuntang EDSA pero nakadaan pa naman kami. So in short nakarating pa kami sa Quirino. But no hope talaga na makarating sa Taft. So umikot pa yung bus to Roxas kasi dun lang yata may dry land. Until makarating kami near Manila City Hall, na baha na. Tapos after super tagal naming nakapark dun, sinampa na lang nung driver yung bus sa island para makarating sa other lane. Kaya naman pala hindi umaandar. Kasi waterworld na yung kasunod. Puro tubig lang talaga yung makikita. Hindi ako bababa! And kung bumaba ako, saan naman ako pupunta diba? So mga 3:30 na ito ng hapon. Ilang hours na kami sa bus, at si manang di na kinaya, umihi na sa balde sa likod kasi wala naming tao (mga 6 lang kami sa bus). Composure pa ako pero may slight panic na kasi gusto ko na lang talaga makauwi. Tapos may narrating na naman kaming dry land somewhere sa area na yun, and super daming stranded na mga tao. Super basa na sila and all. Tapos napuno na yung bus and pabalik na kami sa Cavite… na narating namin nung 3:30 na ng umaga! NPO. Napanood namin lahat ng palabas ng GMA 7 mula yung show before Eat Bulaga hanggang Walang Tulugan ni Master Showman. Katext ko pa si Jane na nagkkwento ng disaster sa UERM. Super worried ko na. Di ko pa macontact si Christian. So panic. Nakakabaliw, agit pa yung ibang tao sa bus kasi nga parang wala naman kaming mararating. Baha naman sa labas. Walang food. Walang CR. Nagiging kalmado na lang ako kasi at least wala ako sa bubong mala Cristine Reyes. Gusto ko lang makauwi ng matiwasay. Hindi masaya. Thank you na din kay Lord, di ko naman kinailangan mabasa at lumusong sa baha.
No comments:
Post a Comment