Yes. Swimming ipis.
Ako ay isa sa mga taong nag-aalarm ng super maaga, para lang makapag-snooze ng maraming beses. At pag totoong time na bumangon, kailangan ko pa ng ilang minutes para umiikot ikot sa kama, at mga 3 mins for social media browsing bago ako finally bumangon. At pag bangon ko, parang tulog pa din ang half of myself.
So, nung isang umaga, half-asleep me, ay nasa shower na. At ang bumati sa akin that day… ay isang floating ipis sa half-full na timba. Actually, di sya floating, nakatungtong pa naman sya sa handle ng tabo.
Take note, hindi sya ipis. Isa syang IPIS. So nagpanic ako at nawala ang bawat butil ng antok sa katawan ko. Nagtowel ako agad just in case maging flying ipis sya. Ayokong tumakbo sa hallway nang walang saplot.
Anyway, tumayo ako for 30 seconds, para mag isip ng game plan. Kasi hindi option ang hindi maligo. Anyway, naisip kong kailangan ko muna tanggalin ang tabo.
So habang nagpapalpitate ako (seryoso kasi, i hate ipis), nilubog ko ang tabo sa water hanggang sa napilitan syang magfloating tapos kinuha ko ang tabo. So nagpanic swimming paikot ikot sa timba, at buti na lang di sya nakalipad.
Tapos, binuhos ko sya sa toilet.
Goodbye ipis. Ayun lang. Nanalo ako.
No comments:
Post a Comment