Saturday is my free day. Ito ang araw na ang attitude ko ay: lahat ng ayoko gawin today ay kaya kong gawin bukas.. (except pala kung ako ang duty.. rounds muna; tsaka usually, tinatapos ko na ang mga bagay bagay pag Friday – yes, kailangan ko mag explain). Hence, I love Saturdays. Pero may isang part ng Saturday, na hindi masyado fun: ang pagpila sa shuttle.
Dati naman kasi wala si Ate dun. Pero few weeks ago, after ko magliwaliw sa Makati at oras nang umuwi, pumila ako sa shuttle. Tapos, bigla na lang may lumapit sa akin na Ate, na maspayat pa sa akin, and I think masmatangkad pa ako sa kanya. Pero feeling nya sya si John Regala.. (or si Dick Israel… ginoogle ko pa yan). So out of nowhere, in her siga voice, sabi nya sa akin, “Asan na ang pamasahe?”. Natakot ako promise. Sabay hanap ng pambayad.
So, nung sumunod na week, ayan na naman si ate. But this time, si ate girl na nasa harap ko ang una nyang nilapitan, at inabutan sya ng 500 pesos. Again, in her siga voice, sabi nya “Ate, wala ka bang barya?” (with a facial expression na nagsasabing “ang hassle mo naman ate”). Natakot din yata si ate girl kasi bigla syang nakapaglabas ng exact amount. Buti na lang, sakto din ang pambayad ko.
At ang pinakarecent incident ay ang paghahanap nya sa pasaherong di nya pa nasusuklian. So nakaupo na kaming lahat sa van, sabi ni ate, “sino yung may sukli pa?”, again sa pinakasiga nyang boses. Lagot, ang tahimik. After 3 seconds, inulit nya ang tanong, nilevel up nya lang ang volume. Finally, itong si kuya nan aka earphones ay nagtaas na ng kamay. Tapos sabi ni ate, “Hindi pa kasi sumagot agad!” Sabay abot ng sukli then slide ng pinto. Galit si Ate.
So, kung uuwi ka din sa Imus from Makati, like me, maghanda ka ng P55.00, pumila ng maayos.. and avoid eye contact. You are welcome in advance.
No comments:
Post a Comment