Monday, July 20, 2015

Asyang... and a Random Thought

Kailangan ko mag-aral pero may kailangan din ako i-share.  Naiisip nyo ba minsan kung ano-ano ang mga fears nyo in life?  Baka may mini list pag pinag-isipan ko yan ng mabuti, (at pag seryoso ako).

Anyway, isa sa mga fear ko ay nangyari na naman sa akin nung  weekend.  Kumain ako ng lunch, sinigang na bagnet sa watermelon (masarap, Simple Lang, Ayala Triangle), na sinundan ko ng coffee.  Tapos uminom pa ako ng tubig.  So, after non, kailangan ko na magrestroom break dahil puro tubig na ang katawan ko. (pero para malinaw, naiihi lang ako ha).

Medyo malayo-layo pa yung nilakad namin bago namin narating ang restroom, so medyo urgent na talaga sya.  Tapos pagpasok ko, ang daming tao, may mga nakatayo na sa labas ng stalls, pero maluwag dun sa dulo.  “Excuse me, excuse me”… tapos halfway, nakita kong may stall na bukas… Yeeeessss!

Tapos pagdating ko dun, nakababa ang takip…… Nnnnooooooo!



Binubuksan nyo ba? Ako kasi, di ko kaya, takot ako sa pwedeng sumurprise sa akin.  Naisip ko lang kasi, ano bang rason para ibaba mo takip?  (Hindi ko pa ito ginawa… sa pagkakatanda ko…) pero ang naiisip ko lang ay kung nagdeposit ka ng surprise, at kailangan mo ng headstart para kumaripas palabas, bago pa makita ng kasunod mo ang surprise mo for her.  Na pag nabuksan nya at hahanapin nya ang salarin, nakatakbo ka na palabas.  Hence, never akong nagbubukas, kahit gaano pa ka-urgent ang matter.  Ako lang ba?   



No comments:

Post a Comment