Wednesday, May 11, 2016

Asyang was attacked!

So... it's been a while... again. Haaaay. Well this time, hindi naman sa busy busyhan, tinamad lang talaga ako.  In general.  I have those moments...  of katamaran.  Hence, my not studying for the exam and endless hours na naubos watching youtube videos and tv series.  Ngayon, trying to get back to my usual routine.  

So sabi ng schedule ko, kailangan na ng progress ng powerpoint ko for my lecture.  Kaso gusto ko pa tumawad ng konting slack time pa...

So let's see, my random thoughts... oooohhh! So last week ay PCP convention sa Marriott.. after nung isang lecture, had to go to the toilet.  Pero dahil kakatapos nga ng lecture, medyo sabay sabay nakaisip yung mga tao ng 'oooh! toilet break!', so ang daming tao.  Feeling ko naman keri ko pa, so bumalik muna sa mga friends ko at sabi ko later na lang dahil ten year yung haba ng pila.  Lumipas pa ang ilang minutes, (naiimagine ko yung sound effect sa movies, pag may may time lapse, or yung nag iimagine sila.. ten den den..) until, di ko na keri.  Pero this time... maluwag na sa CR.  Yey! 

Isa sa mga pet peeve ko, yung mga taong matagal sa cubicle, kahit alam nilang ang haba ng pila. Kasi diba, di mo bahay.  Isipin mo naman ang kapakanan ng mga taong ihing ihi (or jebs na jebs) sa labas. Rapido.  Ganon.  So minsan, pag super tagal nung tao sa cubicle, tapos ang dami nang lumabas sa ibang cubicle, na mas late pang pumasok sa kanya, ang expectation ko ay dapat pang miss universe na itsura nya paglabas.  Tipong dapat nakapagbihis na sya, blow dry ng hair at make-up sa tagal nya sa loob.

Anyway, hindi ako matagal. Actually, patapos na ako nung biglang may nag attempt buksan yung cubicle ko.  Tinry nya isa, tapos medyo nagpanic ako, kasi akala ko bubukas habang I was still in a very vulnerable state.  Buti na lang, hindi nagiba ang lock.  So akala ko nagets na ni ate sa labas na may tao pa.  After 3 seconds, inattempt nya ulit... paulit ulit.  Ate!! 'Wag kang mamressure!! Binibilisan ko na po.... and then, pagbukas ko ng pinto....


I wish nag e-exaggerate lang ako, pero na-trauma ako, kasi ganyan talaga sya pagbukas ko nang pinto.  Minus the sibak... plus a sosyal handbag on the other arm, sabay sabi nang... "ihing ihi na ako!!!".  Seriously, nag panic ako.  Kasi pumapasok na sya sa cubicle nang hindi pa ako nakakalabas. 

As in dumikit ako sa wall bigla kasi sumugod si Ate.  


Actually, hindi ganyan, kasi nagulat talaga ako... Feeling ko, more of ganito....


Shucks, sana napicturan ko yung itsura ko nung moment na yun.  Feeling ko benta.  Anyway, nakalabas naman ako nang buhay, with palpitations for a few seconds before ako nakarecover.

So that was my traumatic experience.  Whew!  Aaaaaaaaand... my extra slack time is over.  Back to work.

Wednesday, April 13, 2016

Asyang in Brisbane, Australia!



So... it's been  a while.  Haha medyo natagalan no? Busy busyhan as usual, excited pa naman ako sa adventure kwento ko.  Pero before the kwento..... gusto ko lang mag rant.... ANG OA NG INIT HA.  Parang nasa kabilang kanto lang yung araw.  Kamusta naman yung kalagkitan?

Anyway, it's time for my adventure kwento.  Super excited to write about traveling.  Well, isa 'yan sa mga favorite ko sanang gawin, kaya lang, nung may sweldo pa ako... walang time for traveling, at ngayon, na mas may time for traveling, wala akong sweldo.  Oh well.  So this year, I had the opportunity to travel (for free!) and attend a conference in Australia.

Medyo umeffort ako ng kaunti, at first time ko gumawa ng video. So finally, mapopost ko na... after ten years. 


(O diba, puro mukha ko... haha) Super fun. Kahit nung first day, ay wala kaming tulog.  So umalis kami sa Manila ng 3 pm, at nakarating kami ng 6:30 am sa Brisbane... ang catch, hindi ako nakatulog sa plane, mga 30 minutes lang.  Tapos, 8:30 am yung start ng activity.  So ayun, walang ligo, walang tulog.  Nagtoothbrush lang sa hotel lobby (kasi di pa kami nakacheck-in) tapos nagpatong ng blazer.  Tapos... nakadalawang kape ako pagdating sa conference.  Effort ang manatiling gising.


Me, Mike and Jolie

Di nama halata diba? Mukha naman kaming fresh... nagpabango din kami, don't worry.  So nung first day, may konting lectures lang for the trainees.  Tsaka konting time to meet other trainees from different countries.  Uhm.. di pa naman ako masyado friendly.. mahiyain kasi ako in real life.  (totoo 'yan.. hindi ako suplada, shy lang)


And then, may lunch with the experts.. that's me. haha with the thrombosis and anticoagulation group.  So nung una, kahit medyo hindi kami (meron kasi kaming kasama from Australia and Singapore... na hindi pumopoverty) makarelate sa mga mas ideal set-up, marami din naman kami natutunan.

Convention Day 1
Kaming tatlo ulit, mas fresh, nakatulog na at nakaligo.


So ayan. 'Wag ko na ikwento yung mga nilecture, haha... medyo nakalimutan ko na yata ng slight.  (di ko pa nagagawa yung powerpoint ko for the echo... kru, kru, kru)

Wala masyadong ganap sa Brisbane... haha convention lang talaga... tsaka konting lakad and picture.  Kasi mga 5:30ish sarado na nga talaga ang mga stores. Kumain lang din kami sa random kainan, naglakad, naligaw, naglakad pa nang naglakad, tapos sumakay ng ferris wheel, naglakad pa ulit, nagpictorial. haha. ganun lang.  Actually, inaantok na kasi ako, haha, wala akong makwento.

Ay.. ayun naalala ko na.  Seryoso na kwento, nung Saturday muni-muni walk naming tatlo, medyo may sadness moment kami, nang very light... kasi nga, hindi naman nga kasi ideal ang nagagawa natin sa Philippines (...at least for Hematology).  'Yung may nagsabi sa amin na 'di sila makapaniwalang "FFP transfusion pag dumugo ang mga hemophiliacs" ang meron sa atin.  Habang ang issue nila ay anong protocol nila for prophylaxis. (hello, developing country...).  Well, meron naman din tayong mga factor concentrates, kaso di naman afford... or yung mga near-expiry or expired... nadodonate sa atin.  So yes, medyo na-sad kami for some time. During the convention, as usual, maraming mga bagong mga gamot... na kailan kaya natin maeexperience? Hmmm.. but.. but.. eventually, naisip naman namin, 'di ba nakakamotivate din? Na sobrang dami pang matututunan in the field of Hematology.  So sabi namin, kung may opportunity for further training, e go lang.  

Yun lang... bilang ang option for further training ay abroad... 'yan ang problema.  Haha. Dahil mga nasa 30 and above age group na kami, sana naman kumita na kami no? yung iba naman may mga sweldo kahit papaano, kami lang mga taga-PGH ang pumopoverty level talaga. So 'yan. Wala masyadong kwento pala. Haha. Sorry naman, inaantok na din kasi ako. Pictures na lang ulit.. babawi na lang ako sa Sydney.  (kung saan walang humpay ang lakwatsa)

Asyang, the official photographer of Dr. Cuarteron

Mr. Congeniality, with his new friend from Myanmar.

More pictures...
with Paola and her fiancee.. Filipina receptionist sa hotel, pinasyal nila kami
Wheel of Brisbane

Habang hinihintay namin magshopping si Mike, may stranger na sumama sa picture namin.
Ito yun, after our Saturday muni-muni walk.


'Yun lang! :)





Friday, March 18, 2016

Asyang the Past and Future version

So hello naman! Ako na ang nawala, huhu.  Medyo busy busyhan... being a hema fellow, studying, being a research assistant, writing my own research paper, events organizer, tagahakot ng gamit (naglipat-office kami), studying... and my favorite, travelling!

I missed you! Matagal ko nang gusto i-share kung bakit ako may blog.  Well, ang totoo, it's just for me... for my future self to be exact.  Thanks to Natalie Tran, I now have 2 versions of myself.

Well, yes, instant photoshop.. in just 2 mins! haha (ayan, mali spelling... waa na akong time mag edit, oh well)



But I don't hate my past self most of the time... minsan lang.  Haha.  Pero isa kasi sa mga problema ng present self ko, ay ang memory ko.  Minsan kasi (actually, madalas), hindi ko macontrol ang flight sof ideas ko.  Ang dami kong naiisip hanggang sa matabunan yung mga unang thoughts.  Sorry na  lang tuloy sa mga bantay na naghihintay ng abstract nila sa labas ng office, tapos nakalimutan ko sila kasi nadistract ako.  Or.. ang mga bagay na kailangan ko gawin in a day.  (Hence my need for post-its and cork boards/planner).  Basta, makakalimutin ako.

And ang weird, pag may nagkkwento sa akin ng mga bagay/event, na hindi ko maalala pero andun ako apparently sa event na yun.  Sabi ko nga, sana talaga may usb na lang ang utak... yung pwede mag expand din ng memory space.

But anyway, back to past self.  Sabi ko nga, hindi ko naman hate ang past self ko, kasi, naiisip pa din naman nya si Future Asyang.  Like for example, nung nag move out ako sa condo after residency training... ito yung time na unemployed na ako, syempre nagsort ako ng mga gamit na iuuwi at itatapon.  Tapos yung super luma kong wallet na sira sira na, itatapon ko na sana... buti na lang, binuksan ko... tenenen! P 5,000.00! Ang saya non diba? as in malutong pa... love it.  So may pera ako, thanks to Past Asyang.

Isa pa, recently... ibig sabihin isa na akong Fellow na nagttrabaho nang walang sweldo (yes, uso pa din ang slavery), ang dami ko nang nagastos for the week... siguro sa food.. kasi naalala kong ang lakas ng motivation ko mag exercise.. haha... anyway, so dami nang gastos... tapos pag suot ko ng jogging pants ko may matigas sa pocket! Tenenen... P 200.00! Whew!

I don't know if may sense pa ito.  Pero yun ang point, makakalimutin ako.  So.... I'm writing for Future Asyang.

Dear Future Asyang, ito mga kalokohan ko.

P.S.  At dahil super nag enjoy ka sa iyong latest travel adventure... i-bblog ko yan, soon, with pictures and videos.  

Muah! 
Past Asyang