Actually, dapat magkkwento about the last movie we saw. Well, every weekend... actually every Saturday, nanonood kami ng movie. Kung may maganda man or wala, go 'yan basta walang ibang agenda. Kung walang maganda, we choose a random movie, and hope na lang na maganda. Last year, the worst talaga ang transporter... pero after last saturday... scratch that WORST MOVIE: Transporter 2... may bago na akong answer... Precious Cargo. Seriously, sino ba nagproduce non? Ang panget talaga, promise. Unang hint na panget sya, sa pila pa lang, OP na kami, kasi puro nakapower card ang mga tao. 'Yung mga senior citizen na ang goal ang ay magpalamig sa sine, since libre sila. But anyway... dahil ang masasabi ko lang ay panget sya, playlist blog na lang ulit. Actually, this is inspired by Dr. Rmin Miranda, at sa ilang araw naming LSS.
Please play nyo to, at damayan nyo kami. Hindi ko alam kung bakit to pinapanood ni Rmin, at bakit nasilip ko pa.
1. Bonakid Theme Song
Very very wrong.... ilang araw namin kinanta ang Bonakid 3 Plus... parang hanggang ngayon... help. Pag three pataas.... mag Bonakid pre-school, three plus! Isa pa ulit, Pag three pataas.... mag Bonakid pre-school, three plus!
2. Middle
Not so bad as an LSS, well compared to number 1. Kaso nung time kasi na LSS ko to, hindi ko alam ang lyrics nya... so actually yung paulit ulit kong kinakanta ay... with you in the middle... ten tenenen tenen. Yes, yung nasa 1:00 min ng video kung di mo gets. As in 'yan lang, paulit ulit. Pero ngayon, medyo alam ko na yung lyrics.
3. Youth
Bilang kahit saan ako magpunta recently, mall... or sa uber... or... wala na akong maisip... pero diba, maririnig mo sya. In fairness to Troye Sivan... maganda naman. Although yung Happy Little Pill nya, mas gusto ko yung cover version ng Superfruit. Pero kung mas gusto nyo ng acoustic, may version din sya.
Hmmmm... 'yan lang pala ang LSS ko lately... at least yan lang naalala ko sa ngayon. Haha. But just to complete my "list", lagay ko na lang ang mga "most played" ko recently... let's see....
So... it's been a while... again. Haaaay. Well this time, hindi naman sa busy busyhan, tinamad lang talaga ako. In general. I have those moments... of katamaran. Hence, my not studying for the exam and endless hours na naubos watching youtube videos and tv series. Ngayon, trying to get back to my usual routine.
So sabi ng schedule ko, kailangan na ng progress ng powerpoint ko for my lecture. Kaso gusto ko pa tumawad ng konting slack time pa...
So let's see, my random thoughts... oooohhh! So last week ay PCP convention sa Marriott.. after nung isang lecture, had to go to the toilet. Pero dahil kakatapos nga ng lecture, medyo sabay sabay nakaisip yung mga tao ng 'oooh! toilet break!', so ang daming tao. Feeling ko naman keri ko pa, so bumalik muna sa mga friends ko at sabi ko later na lang dahil ten year yung haba ng pila. Lumipas pa ang ilang minutes, (naiimagine ko yung sound effect sa movies, pag may may time lapse, or yung nag iimagine sila.. ten den den..) until, di ko na keri. Pero this time... maluwag na sa CR. Yey!
Isa sa mga pet peeve ko, yung mga taong matagal sa cubicle, kahit alam nilang ang haba ng pila. Kasi diba, di mo bahay. Isipin mo naman ang kapakanan ng mga taong ihing ihi (or jebs na jebs) sa labas. Rapido. Ganon. So minsan, pag super tagal nung tao sa cubicle, tapos ang dami nang lumabas sa ibang cubicle, na mas late pang pumasok sa kanya, ang expectation ko ay dapat pang miss universe na itsura nya paglabas. Tipong dapat nakapagbihis na sya, blow dry ng hair at make-up sa tagal nya sa loob.
Anyway, hindi ako matagal. Actually, patapos na ako nung biglang may nag attempt buksan yung cubicle ko. Tinry nya isa, tapos medyo nagpanic ako, kasi akala ko bubukas habang I was still in a very vulnerable state. Buti na lang, hindi nagiba ang lock. So akala ko nagets na ni ate sa labas na may tao pa. After 3 seconds, inattempt nya ulit... paulit ulit. Ate!! 'Wag kang mamressure!! Binibilisan ko na po.... and then, pagbukas ko ng pinto....
I wish nag e-exaggerate lang ako, pero na-trauma ako, kasi ganyan talaga sya pagbukas ko nang pinto. Minus the sibak... plus a sosyal handbag on the other arm, sabay sabi nang... "ihing ihi na ako!!!". Seriously, nag panic ako. Kasi pumapasok na sya sa cubicle nang hindi pa ako nakakalabas.
As in dumikit ako sa wall bigla kasi sumugod si Ate.
Actually, hindi ganyan, kasi nagulat talaga ako... Feeling ko, more of ganito....
Shucks, sana napicturan ko yung itsura ko nung moment na yun. Feeling ko benta. Anyway, nakalabas naman ako nang buhay, with palpitations for a few seconds before ako nakarecover.
So that was my traumatic experience. Whew! Aaaaaaaaand... my extra slack time is over. Back to work.
So... it's been a while. Haha medyo natagalan no? Busy busyhan as usual, excited pa naman ako sa adventure kwento ko. Pero before the kwento..... gusto ko lang mag rant.... ANG OA NG INIT HA. Parang nasa kabilang kanto lang yung araw. Kamusta naman yung kalagkitan?
Anyway, it's time for my adventure kwento. Super excited to write about traveling. Well, isa 'yan sa mga favorite ko sanang gawin, kaya lang, nung may sweldo pa ako... walang time for traveling, at ngayon, na mas may time for traveling, wala akong sweldo. Oh well. So this year, I had the opportunity to travel (for free!) and attend a conference in Australia.
Medyo umeffort ako ng kaunti, at first time ko gumawa ng video. So finally, mapopost ko na... after ten years.
(O diba, puro mukha ko... haha) Super fun. Kahit nung first day, ay wala kaming tulog. So umalis kami sa Manila ng 3 pm, at nakarating kami ng 6:30 am sa Brisbane... ang catch, hindi ako nakatulog sa plane, mga 30 minutes lang. Tapos, 8:30 am yung start ng activity. So ayun, walang ligo, walang tulog. Nagtoothbrush lang sa hotel lobby (kasi di pa kami nakacheck-in) tapos nagpatong ng blazer. Tapos... nakadalawang kape ako pagdating sa conference. Effort ang manatiling gising.
Me, Mike and Jolie
Di nama halata diba? Mukha naman kaming fresh... nagpabango din kami, don't worry. So nung first day, may konting lectures lang for the trainees. Tsaka konting time to meet other trainees from different countries. Uhm.. di pa naman ako masyado friendly.. mahiyain kasi ako in real life. (totoo 'yan.. hindi ako suplada, shy lang)
And then, may lunch with the experts.. that's me. haha with the thrombosis and anticoagulation group. So nung una, kahit medyo hindi kami (meron kasi kaming kasama from Australia and Singapore... na hindi pumopoverty) makarelate sa mga mas ideal set-up, marami din naman kami natutunan.
Convention Day 1
Kaming tatlo ulit, mas fresh, nakatulog na at nakaligo.
So ayan. 'Wag ko na ikwento yung mga nilecture, haha... medyo nakalimutan ko na yata ng slight. (di ko pa nagagawa yung powerpoint ko for the echo... kru, kru, kru)
Wala masyadong ganap sa Brisbane... haha convention lang talaga... tsaka konting lakad and picture. Kasi mga 5:30ish sarado na nga talaga ang mga stores. Kumain lang din kami sa random kainan, naglakad, naligaw, naglakad pa nang naglakad, tapos sumakay ng ferris wheel, naglakad pa ulit, nagpictorial. haha. ganun lang. Actually, inaantok na kasi ako, haha, wala akong makwento.
Ay.. ayun naalala ko na. Seryoso na kwento, nung Saturday muni-muni walk naming tatlo, medyo may sadness moment kami, nang very light... kasi nga, hindi naman nga kasi ideal ang nagagawa natin sa Philippines (...at least for Hematology). 'Yung may nagsabi sa amin na 'di sila makapaniwalang "FFP transfusion pag dumugo ang mga hemophiliacs" ang meron sa atin. Habang ang issue nila ay anong protocol nila for prophylaxis. (hello, developing country...). Well, meron naman din tayong mga factor concentrates, kaso di naman afford... or yung mga near-expiry or expired... nadodonate sa atin. So yes, medyo na-sad kami for some time. During the convention, as usual, maraming mga bagong mga gamot... na kailan kaya natin maeexperience? Hmmm.. but.. but.. eventually, naisip naman namin, 'di ba nakakamotivate din? Na sobrang dami pang matututunan in the field of Hematology. So sabi namin, kung may opportunity for further training, e go lang.
Yun lang... bilang ang option for further training ay abroad... 'yan ang problema. Haha. Dahil mga nasa 30 and above age group na kami, sana naman kumita na kami no? yung iba naman may mga sweldo kahit papaano, kami lang mga taga-PGH ang pumopoverty level talaga. So 'yan. Wala masyadong kwento pala. Haha. Sorry naman, inaantok na din kasi ako. Pictures na lang ulit.. babawi na lang ako sa Sydney. (kung saan walang humpay ang lakwatsa)
Asyang, the official photographer of Dr. Cuarteron
Mr. Congeniality, with his new friend from Myanmar.
More pictures...
with Paola and her fiancee.. Filipina receptionist sa hotel, pinasyal nila kami
Wheel of Brisbane
Habang hinihintay namin magshopping si Mike, may stranger na sumama sa picture namin.