Yes, late na... February 16 na kasi... now... (so kung kelan ko ito ma-ipublish... hehe anong petsa na?). Sabi ko kasi nung February 14, ibblog ko 'to. Kaso super pagod na ako pag uwi. 'Di ko sure kung accumulated pagod (kasi di ako nagpahinga nung weekend) or sign of aging... or both. Or may factor din na nakakadrain ng energy ang heat wave sa labas... summer heat na. (Why?? February pa lang...) But anyway, I have a hearts day kwento!
So last year (well 2017, pero mga late last year.. fine, November to be exact) ko inumpisahan ang efforts ko para sa hindi-ko-pinangarap na skill of driving. Kung kilala nyo ako, delaying tactics to the max. Initially naman, legit ang reason ko na nagka near-death experience naman ako nung nabangga kami ng 10-wheeler truck. Pero nung nakaget over na ako dun... oh well. Ikkwento na lang ang valentine's day kwento ko.
So, kumuha na ako ng driver's license. Basta si-net ko ng wednesday, para di naman ako mawalan ng source income, dahil yan ang day na wala akong clinic sa umaga. In short, gusto ko lang sabihin na hindi ko sinadyang pumunta dun ng February 14, 2018. Anyway, so naexperience ko naman ang waiting game nung kumuha ako ng student's permit, I came prepared. Inexpect ko na ang matagal na paghihintay... at pagtunganga. Actually, may bitbit na din akong libro (novel, not textbook). At excuse me, nag aral din ako ha, kahit sabi nilang madali. Ilang beses ko tinake ang reviewer online. Ang issue ko lang talaga, sa dami ng exam na tinake ko sa buong buhay ko, hindi ako sanay sa Tagalog exam. Hindi sa nag iinarte ako, pero may weird feeling na nag eexam ako ng Tagalog. Pwede ka naman magrequest ng English exam, pero kasi, magpapaspecial pa ba ako.. Anyway...
So andun na nga, after ng maraming minutes of paghihintay after ng picture taking... tinawag na ako para pumasok sa "lecture room" daw, also known as "review room" which in reality ay waiting room na may nakapaskil na mga road signs and all para ireview mo daw. In fairness to A1 driving school, pinatitigan din naman sa akin yan nung orientation day ko. Tapos may video lang about instructions sa exam, na sinascan daw sya at bawal mag bura at isa lang dapat ang answer mo. Ganyang stuff, at konting samplex. So medyo matagal ulit na hintayan dito... okay lang naman sa akin.. sabi ko nga, inexpect ko ito. Ang hindi ko inexpect ay ito....
Si Kuya Officer sa entrance, yung nagtatawag ng mga papaupuin sa "review room", pumunta sa harap at akala ko naman tuloy nga, maglelecture. Tapos sabi nya, 'wag daw kami mainip. Kasi baka bumagsak daw kami kung papasok sa kami sa exam room na mainit ang ulo dahil nainip kami sa labas. So sabi ko, ah di naman pala lecture, baka pep talk lang. But no...
Kuya LTO Officer: Sige, bibigyan ko kayo ng tips. Katulad nito. Anong ibig sabihin nito? *sabay turo sa one way na sign*
Examinees: One-way *yun lang ba?!* (haha)
Kuya LTO Officer: Okay. Pwede ba mag-park dyan?
Examinees: *iba-iba na sagot*
Tapos may sumigaw with confidence: Hindi! *syempre naisip ko na mali sya, kasi... testmanship*
Kuya LTO Officer: *medyo galit voice* bakit, ano bang sabi ng sign? one way. Ito ang no parking *sabay turo sa no parking sign* 'Yan, inip na inip kayo dito, di nyo alam pagpasok nyo dun, mahirap yang exam. Babagsak kayo.
I therefore conclude, hindi ito pep talk.
Ang dami nya pang sinabi, lahat nagtatapos sa hindi kayo papasa sa exam. Hanggang si ate na katabi ko, nakayuko na.
Kuya LTO Officer: Akala nyo kasi madali lang. 11 years na ako dito sa trabaho, alam ko na itsura nung mga bumabagsak. Ganyan na ganyan, yung mga itsura nyong inip na inip na. Binasa nyo ba ito? *sabay turo sa printed policy about sa mga magrere-take ng exam* Maghihintay kayo ng 1 month and 1 day para mag apply ulit at mag take ng exam. 40 items lang ang exam, kailangan nyo ng 75%. Iba iba kayo ng exam ng mga katabi nyo kasi 660 questions yan, na nirarandomize. Hindi kayo pwede magkopyahan. Mahirap yan. Pustahan tayo, marami sa inyo babagsak dyan. Ako nga, magkakamali pa dyan eh. Kahit may mga kakilala kayo dito, hindi nila kayo matutulungan. Mag isa ka lang dyan sa loob!
Ay naku talaga, ang tagal nya dun sa harap. Naglelecture kung paano kami ay babagsak dahil mukha kaming inip na inip. So finally, umupo na sya ulit sa likod. Hindi ko alam kung nagkataon lang, or ako talaga ang pinaparinggan nya. Kasi lumingon ako sa likod. 'Di ko alam kung bakit, syempre nakatunganga lang ako dun eh. For some reason lumingon ako tapos nakita nya ako. Tapos sabi nya, "Hay nako, inip na inip pa din." Tapos tumatawa sya.
Kuya LTO Officer: *kausap ang isang Kuya na naka Gear One Driving School uniform* Inip na inip sila. Hayaan mo, matatandaan nila ito, Valentine's Day, bagsak sila sa exam.
Kuya, ano bang pinagdaanan mo today at ang bitter mo? Una sa lahat, yung answer sheet, ordinary papel, wala nung mga mark para sa automated na checking. Fifty pesos kaya binabayad namin sa med school para sa extra na answer sheet na pang automated. At nung inabot sa akin ang answer sheet ko, may malaking handwritten in red ink na 38. (nagkamali ako ng shade sa isa eh) pero may isang tanong na di ko talaga alam. Pangalawa, pumasa ako. 'Wag kang ano dyan ha. Imbes na naghintay ako patiently, pinainit mo lang ulo ko eh. Pero after naman, nakakatawa na lang sya. At nagkaron pa tuloy ako ng blog. But anyway, bakit nga ba ang nega?! Masama bang mainip? E wala namang nagrereklamo sa amin, lahat naman kami silently naiinip lang. Baka sya yung inip na inip na kaya nya naisipan na manindak ng mga mag eexam. Oh well. Natapos na yun. Nakakatawa na lang sya now. Pumasa na ako. Bow.