Monday, September 20, 2010

Flights of Ideas

Ganito pala kapag matagal akong nakatambay. Hindi ko ma-spell ang 'court' kanina. Nabubulok na yata yung utak ko. Baka sign yun na lumabas naman ako (at hindi talaga magbasa man lang, or do something productive). Therefore, mall na ito.

SO.. naglalakad ako sa mall. At kamusta naman, kelan pa naging short skirt ang uniform ng grade school at high school sa Cavite? Gossip Girl inspired? Brown short skirt, white blouse, maroon na some sort of vest, with black knee high socks! Meron ding red checkered skirt, na short kung short, sailor moon inspired siguro. Bakit ganun? Nung high school kasi ako, pahabaan kami ng skirt. Tapos niruruler ng prefect at pag masmahaba sa 3 inches (3 nga ba), sinusulatan using pentel pen yung skirt para mapilitan ka talagang gupitin. Buti na lang, madali i fold sa may waist ang skirt kaya umiikli sya instantly pag may sukatan portion. Nakakabother. Sana kasi girly din sila umupo kung gusto nila ng short skirt.

Naku, naalala ko na naman si ate. Hindi ko sya kamag anak. Si ate, na nagtitinda sa may bus terminal pauwi sa Cavite.
Lola: Magkano po ito? (sabay turo sa cookies)
Ate: *deadma* di man lang lumingon
Lola: (mas malakas) Magkano po ito?
Ate: (in fairness, lumingon. na mega simangot naman)
Lola: Ito o..
Ate: Kinse
Ate, sinong kaaway mo? Magsara ka na lang kaya kung ayaw mong magtinda. BV!

I'm watching Survivor Celebrity Showdown. Kaya ko kaya mag survivor? Takot ako magutom eh.


Speaking of takot. Takot ako sumakay sa elevator mag-isa lalo na kung more than 10 floors. Hindi ko alam kung bakit namin napag-usapan ulit ang fear ko na yan. Pero dati kasi, madalas ko napapanaginipan na nahuhulog ang elevator na sinasakyan ko. Sobrang panget way to die! Ano naman kasi laban mo sa falling elevator? So effort talaga nung tumira ako sa 1705 Manila Astral Tower. Kasi 17th! Nag kaincident pa na mag-isa ako then tumigil yung elevator, tumigil din yung puso ko. Nagpanic and then bumukas yung elevator. Hindi ko alam kung anong floor basta lumabas ako: "Stairs na ito." EFFORT, pero kesa naman mamatay ako (sa nerbyos).

Mean girl mode! Mabait naman ako eh. Si Mich at Francis may kasalanan nito eh. Haha. (hugas-kamay!) Bakit kasi. Hindi namin kayang tiisin man lait. Haha. Nung una, akala ko judgy lang itong mga friends ko. But no, after reading the said 'bio', ang sabi ko lang: "ANO DAW?". Nakakaloka, bakit ganun? Pareho lang naman kami ng alma mater, bakit hindi kami nagkaintidihan. Pictures? No comment! Sana talaga wag na ako mag comment. Sana na lang na eenjoy nya ang day off nya (what happened to WAG NA AKONG MAG COMMENT?)

Yun na!

2 comments:

  1. ano daw? hindi kita nagets. joke lang. share mo sa akin kung sino, even if i dont know the person.

    namiss ko ang hotdog at scrambled eggs. i miss emmemmah days tuloy. ako nagpicture ng adik face mo na yan.

    ReplyDelete
  2. ikaw nga. dun yan kay manang, hindi sa emmemmah.. :D kkwento ko syo tomorrow, pag nagkita tayo!

    ReplyDelete