Monday, July 27, 2015

Asyang, The Licensed Embalmer

I love Uber.  Una sa lahat, dahil di ako chinichika ng driver at hinahayaan nila ako mag muni muni by myself sa likod. 

Anyway, may koneksyon yan, pero side kwento muna.  Nung isang araw, nag aadik ako sa youtube.  Nag aadik meaning kung anong issuggest ni youtube sa gilid, pinipindot ko.  Hanggang sa marating ko ang the voice kids, at ang batang nakapasok sa Team Lea.  So may interview pa, sabi ni Lea, anong work ng parents mo?  At sabi nung bata, with matching accent, my mom is a lawyer and my dad is a licensed embalmer.  (Bumenta sa akin, bakit ba?) 

So nung isang araw, di ko na maalala san ako pupunta.  Pero walang Uber…. (Nooooo…) at kailangan ko na talaga umalis.  So napilitan akong mag cab.  Mukha namang mabait si kuya at politely nagtanong kung san ako pupunta.  Di naman sya nagreklamo at di nya rin ako binaba.  But, after 10 seconds, nagtanong na sya… Taga-PGH po kayo?

(Again, noooooo….) No to small talk sa cab.  Sabi ni mama, don’t  talk to strangers.  Nagflashback tuloy yung last time na may makulit akong driver, na ayoko naman din magsungit kasi mukha din syang friendly-ish.  Pero nung nalaman nyang doctor ako, ang dami nyang nakwento hanggang sa nagtatanong na sya kung anong vitamins ang pwede sa kanya. 

So sabi ko, “Opo”, with my prep smile (na by the way, ang meaning ng prep smile ko ay: I am uncomfortable).  Deep inside, sabi ko, “Please, please, please, wag ka na magfollow-up question.”  Pero di narinig ni kuya ang thoughts ko.  Sabi nya, “Ahhh, ano pong trabaho nyo?”

Sa point na ito, yung bata sa youtube ang naisip ko. 

Yep.  Yun ang naisigot ko, with matching accent, hence the title.


In fairness to me, nasabi ko with a straight face. (Pwede na ako mag-artista).  Effective.  Nakapagmuni-muni na ako after nun.

Monday, July 20, 2015

Asyang... and a Random Thought

Kailangan ko mag-aral pero may kailangan din ako i-share.  Naiisip nyo ba minsan kung ano-ano ang mga fears nyo in life?  Baka may mini list pag pinag-isipan ko yan ng mabuti, (at pag seryoso ako).

Anyway, isa sa mga fear ko ay nangyari na naman sa akin nung  weekend.  Kumain ako ng lunch, sinigang na bagnet sa watermelon (masarap, Simple Lang, Ayala Triangle), na sinundan ko ng coffee.  Tapos uminom pa ako ng tubig.  So, after non, kailangan ko na magrestroom break dahil puro tubig na ang katawan ko. (pero para malinaw, naiihi lang ako ha).

Medyo malayo-layo pa yung nilakad namin bago namin narating ang restroom, so medyo urgent na talaga sya.  Tapos pagpasok ko, ang daming tao, may mga nakatayo na sa labas ng stalls, pero maluwag dun sa dulo.  “Excuse me, excuse me”… tapos halfway, nakita kong may stall na bukas… Yeeeessss!

Tapos pagdating ko dun, nakababa ang takip…… Nnnnooooooo!



Binubuksan nyo ba? Ako kasi, di ko kaya, takot ako sa pwedeng sumurprise sa akin.  Naisip ko lang kasi, ano bang rason para ibaba mo takip?  (Hindi ko pa ito ginawa… sa pagkakatanda ko…) pero ang naiisip ko lang ay kung nagdeposit ka ng surprise, at kailangan mo ng headstart para kumaripas palabas, bago pa makita ng kasunod mo ang surprise mo for her.  Na pag nabuksan nya at hahanapin nya ang salarin, nakatakbo ka na palabas.  Hence, never akong nagbubukas, kahit gaano pa ka-urgent ang matter.  Ako lang ba?   



Thursday, July 16, 2015

Asyang, Tabs and Tabachoy

Para sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, meet my friend, Tabachoi.  Tabs for short.  Self-explanatory pag nakita mo sya.  Meron din syang ibang nicknames  (wag lang Taba, maooffend sya).  Pero feeling ko, Tabs ang pinakafavorite nya.

Anyway, niyaya ko si Tabs manood ng Insurgent (kasi gusto ko mapanood si Theo James).  Tapos, after ng movie, tinanong ko sya kung saang faction kami bagay: Abnegation, Amity, Erudite, Dauntless or Candor.  Pero nakalimutan ko na ang sagot nya.   Basta naalala kong bago kami lumabas ng mall, ang tanong ko sa kanya ay, paano kung napunta tayo sa Amity? (kung saan masaya lahat ng tao, at para lang silang high/lutang sa saya).

So ginaya ko sila.  “Hi Tabachoi” (medyo required na napanood mo ang movie, for full effect, pero kung hindi, imagine mo na lang na high ako on something).  Medyo loaded ako sa caffeine at ang dami kong energy kaya pinaulit ulit ko lang ang “Hiiiiii tabaaachoooiii” habang naglalakad sa kahabaan ng Pedro Gil.  Di ko naman napansin na napalapit kami sa isang  stranger…. na tabachoy din.

So sabi ko, “Hiiii Tabaaachhhoiiiii!”.  Tapos lumingon si Ate, dahan dahan kong nakita ang face nya sa peripheral vision ko, at ang sabi ng mukha nya: “$%!&* (insert bad word), sinong tinatawag mong taba----“… simultaneously sabi ko sa utak ko, “Ateeee, I caaaaan exxxplaaa—“ (slow motion kasi).  Pero bago namin matapos ang thought bubble namin, nahagip ng peripheral vision ni Ate si Tabs, walking at a glacial pace.  Tapos nawala ang bakas ng galit sa mukha ni ate, at nabasa namin ni Tabs ang thought bubble nya: “$%!&*, sinong tinatawag mong taba--- Aaaah, tabachoi nga.”


Shetty.  Muntik na ako mapaaway dun.