nakakaloka. naiistresss na ako sa buhay. hay, hindi na n
ga ako nakakapag-rant sa blog! (ngayon na lang ulit!) ilang oras ko nang binabas ang paragraph ng physiology of annexins, hindi ko pa din sya maintindihan. ano na? paano na lang? hay..
dahil dyan, magranrandom thoughts na lang ako. natapos ko na din sa wakas ang season 8 ng so you think you can dance. luvit. grabe, parang ang dali lang sumayaw pag pinapanood mo sila. love ko din si melanie moore na nanalo. lupit grabe. bakit ganun ang mga legs nila? kung san san nakakarating? tsaka ang tataas nila tumalon? tapos parang ang lambot lang nang lalandingan nila kahit hindi naman? kung selected lang ang gusto nyo mapanood, kailangan nyo mapanood ang total eclipse of the heart ni melanie moore. luvit
ewan ko kung pano nya ginawa ang tumalon at masalo ng ganun kalayo na parang wala lang. parang nagbuntong hininga lang. napaka effortless na sa kanila ang ganitong position, parang kaya nya pa kumain, maglaba at maglinis ng nakaganito:
at in fairness sa dalawang pinoy, umabot sa finale. ang galing din naman. kahit lalaki, walang awat sa split. bakit ganon?
at dahil dyan.. mag-aaral na muna ako. hay...... kamote.