Wednesday, May 25, 2016

Asyang, at ang Listahan Part II

Wow, umuulan na.  Grabe, may times nang medyo lumalamig.  Hindi na whole day na nakakatunaw ang weather.  I love rain. Chrysalism.  (Wow... paki-google).  Syempre except kung sakuna na yan, like Yolanda.  Yung saktong pang emote na ulan at kulog lang.  Tsaka, isa sa mga hate na hate ko lang pag umuulan ay ang squishy shoes.  Eiw.  Mabasa na lahat, wag lang yung paa ko, pagnakashoes ako.  *Squish, squish*  Kaya pag umuulan, dapat boots lang (yes, dahil required 'yan dito sa Manila, lalo na sa Taft) or slippers.  At least sa slippers, matutuyo lang din sya, or kaya ko punasan.  Pero weird, kasi may kilala akong mas preferred ang shoes... like squishy shoes.  I don't understand.  Bakit mo gugustushin ang prune-like-toes dahil nakababad sya sa basa.  So, yan na ang Number 5 sa listahan.

Number 6:  Narealize kong... 'wag nyo sana akong ijudge, kung ang dami kong kinaiinisan.  Hindi naman lahat lahat, like all out inis.  Yung iba, medyo nakakabother lang.  May levels.

Anyway, back to number 6.

Alam mo yung mga eskinita... or hallway.. na maliit lang... yung medyo sakto lang sa magkasalubong na tao.  Tapos may barkadang namamasyal, chika chika, kebs sa mga mga taong nakapila sa likod nila KASI ANG BAGAL NILANG MAGLAKAD TAPOS WALANG SPACE PARA MAKAOVERATAKE KA.  (Nafeel mo yung level ng inis ko? All caps,  para intense) Huwag kayo humarang utang na loob, nagmamadali ako.


Or.. ito, hindi ako naiinis.. medyo naweiweirdan lang ako.  Na medyo madalas pa mangyari sa akin.  Hanggang sa ginawa ko na syang experiment for a time.  Yung pag may makasalubong ka, tapos for some reason... marerealize mong pag tinuloy nyo pareho ang direkyon na tinahak nyo, magkakabunggo kayo.  Like face to face.  Tapos magkaharap kayo, stranger to stranger, ittry mo sya kausapin telepathically kung sino ang pupunta sa left side ng daanan or sa right... pero di gumagana.   Tapos sa bawat attempt nyo pareho pa din kayo ng direksyon.  So, ginawa ko, everytime na may ganyan, titigil ako.  At tatayo na parang poste, tapos sya na bahala magdecide.  Alam mo kung anong nangyayari?  Mga nakatatlong tao na 'to, na medyo recent (kasi madalas nga sya mangyari, di ko alam bakit), na hindi na ako gumagalaw, dun pa din sila pupunta sa kung san ako nakatayo, or, aattempt nila mag left, tapos aatras para magright na lang.  Isang beses, muntik na talaga ako matawa.  Ate, decide!! It's your choice, di na ako gumagalaw. Wag ka mag cha-cha sa harap ko.  No joke.  Muntik na ako matawa sa kanya.

Number 7:  Sabi ko nga, mabilis ako mag CR.  So 'pag may kasama ako, madalas, ako yung maghihintay.  At habang naghihintay ako, syempre, mag oobserve ako.  Very wrong lang talaga ito.  Na may mga taong hindi gumagawa nito.  Kung sa bahay nga automatic ito, lalo na dapat sa public restrooms.  Ito ay ang.... Handwashing.


Seriously, naiimagine mo ba kung anong mga nasagap na germs ng kamay mo sa banyo?!  (Hindi ko rin alam exactly.. so: http://www.womenshealthmag.com/health/public-bathroom-facts)  Ang alam ko lang, bawal silang baunin sa kung saan ka man pupunta next.  Hindi pa man ako doctor (na nakapag attend ng mga proper handwashing lectures... lecture talaga), alam ko nang dapat kang kumanta ng Happy birthday habang naghuhugas ng kamay.  Kung irarason mong never ka pa naman nagkasakit, fine.  Kaadiri pa din, naiimagine ko pa lang.

to be continued


4 comments:

  1. Yung inis ko sa hallway madalas yan, lalo na kapag ke babagal. e usually pa naman sating mga working people mabilis ang kilos ntin parang nasanay nalang talaga tayung rush hour kahit hindi naman. UGH uGH UGH talaga,

    Observant din ako sa mga taong naghuhugas ng kamay lalo na sa men's room na umiihi, ugh, naimagine ko tuloy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. eeeeeeiwwwww!! haha minsan, sa utam ko, tinutulak ko sila. minsan, feeling ko gumana yung mind power ko kasi natalisod si ateng namamasyal sa pedro gil.

      Delete
  2. baka kaya hindi naghuhugas kasi hindi naman daw nila iniihian ang kamay nila? think about it.

    ReplyDelete