Monday, May 28, 2018

Asyang's New Hobby


Yellow!

So... di ko lang talaga naipriority ang pagsusulat lately.  Wala kasi akong maisip ishare... actually meron pala.  Ang dami ko lang excuses.  Ako pa ba? Pero to be fair, pinagbigyan ko naman kasi ang iba kong hobbies.  Tulad ng manood ng manood ng kung anu-anong bagay sa youtube.  Alam nyo naman, pag sinimulan mo kasi yan, ang hirap na.. pindot na lang ng pindot  kung anong irecommmend nya sa akin.

Pero joke lang, hindi naman ako puro youtube, kasi obvious naman sa picture na hindi yun ang topic (at hindi lang yun ang ginagawa ko in life).  Kasi, isa talaga ito sa mga favorite ko gawin lately.  Nakakarelax kasi sya gawin.  Kahit papaano, nababawasan ang stress ko about adulting.  Pahinga.  Para after, ready na ulit yung utak ko for adult chores and pag iisip ng kung anong gagawin ko sa mga pasyente ko.

Ako lang ba, o talagang may therapeutic/relaxing effect ang pagbabalot ng mga libro? Sobrang nakakaadik magbalot ng libro.  Actually, may buong process 'yan na (masama na yata ito) nakakaadik para sa akin.

Una sa lahat (step 1), ang saya kasi sa bookstore.  Parang tinatawag ako talaga everytime alam kong may malapit na bookstore sa akin.  Hindi nyo naiintindihan..  Ang tagal kong isinangtabi ang pag aadik ko sa books... dahil lang ang dami dami medical books na kinailangan kong aralin.  Hanggang ngayon naman, nagbabasa pa din ako, plus journals.  Syempre, review review at update update din.  Pero, at least now, mas may time na ako (at nabawasan na ng bongga ang guilt ko pag nagbubukas ako ng librong hindi medical).  Ang sa daming taon na lumipas, kailangan ko magcatch up.  Pali-pali! (Sinong nakaintindi? Heartu)

Ang tanging nagpipigil sa akin para hindi ko bilhin sila all at once (I'm drifting on a lonely sea, wishing you'd come back to meeeee.. #Whitney), ay para may excuse ako bumalik every weekend.  Tsaka, pera na din. Fine.  'Wag tayo masyado magastos.  Hindi pa ako mayaman.

So 'pag nabili mo na ang books, as an addict, (step 2) dahan dahan mo syang ilalabas sa plastic. Kung di sya nakabalot, edi skip to the part ng paghaplos sa cover at pag amoy ng pages (step 3).  Aaminin ko, na minsan ayoko sila balutin, dahil ang ganda ng texture ng cover.  Kaso, dahil bitbit ko sila kung saan-saan, malaki ang chance ng gasgas at folds... na hindi acceptable.  So, for me, balot is the way to go.  Kaya crucial ang balot.  Hindi pwedeng basta-basta ang cover.  

Nakita ko pa ang mga old books ko, na may old-school plastic cover.  Yung nabibili sa bookstore, na 'di nawawala sa back-to-school necessities, na masmataas pa sa akin (dati 'yon, kasi bata pa ako noon).  


Pero ang chaka diba.  Bukod sa after a while ay nasisira sya (napunit na yung mga gilid gilid), at nag accumulate din ng alikabok inside.  Tapos nagkaron naman ng mga nakadikit na pambalot.  Ano bang tawag dyan?


Kaso, nagkakabubbles sya.  Syempre pag bagong lagay nakadikt sya.  Pero after some time, lahat sila nagkakaron ng ganyan.  Parang every bukas ko ng book, padami sila ng padami.  At pag hindi masyado mahaba ang nilagay mong allowance sa loob, natatanggal din sya.  Kaya finally, ang ginagamit ko ay yung pang glass.  Na nabibili sa hardware store.  S'ya ang the best for me sa ngayon.  So ang step 4 ay finally magbalot!  

Naisip ko gumawa ng video ng buong process ng pagbabalot ko..
kaya lang, masyadong weird na yata 'yon.

Tada! O diba, no bubbles, no lukot, di sya napupunit, at 'di chaka.  Natry ko na din tanggalin sya, just in case in the future, for some reason, gusto mo alisin ang cover.. naalis naman din sya (but I guess depende sa quality ng cover).  Kaya lang, kailangan mo lang pumili ng pattern na medyo tolerable as a book cover.  Unless okay lang syo ang mga overwhelmingly floral or kung ano-anong animals as a book cover.



So ayan, ang very satisfying finished product of my hobby.  Actually, hindi sa akin lahat ng books sa itaas.  'Yung nasa left ang akin.  Although, most of the books sa right, either may copy din ako, or nasa list ko ng bibilhin ko din.  In short, nagbabalot ako ng books ng ibang tao, for free.  Bilhin nyo lang yung prescribed pambalot ko syempre.  At tsaka kayo na bahala sa shipping fee.

P.S.
Dahil ang mga bookmarks ko ay mga boarding pass, at nagkandalukot na sila, at may mga sobrang pangcover, at actually dahil gusto ko pa magbalot...


tada!

Love lots,
Asyang

1 Corinthians 10;21
You cannot drink the cup of the Lord and the cup of demons too;
you cannot have a part in both the Lord's table and the table of demons.

1 comment: