Anong petsa na? Grabe, November na, patapos na ulit ang taon. Why so fast? Parang kaka-Christmas pa lang. Feeling ko kakablog ko lang.. at kakapromise ko lang sa sarili ko na magbblog na ako ng masmadalas.. *kru, kru, kru*
Ehhhhh dahil November na nga, sa ngalan ng Starbucks planner, nagkape ako. So.. hindi ako makatulog. 'Yung antok ko, naligaw na. Ang dami kong energy. Kasi naman yung Vanilla Nougat ng Starbucks, kape na nga, hitik na hitik pa sa syrup. 'Yung syrup level na bumabara sa straw tapos pag ineffort mo higupin para dumaloy ang kape, boom, asukal. Bakit naimbento 'to?! Very wrong, unless ang goal mo talaga ay diabetes levels.
Anyway, may bagong Starbucks sa Glorietta 4. (Apparently, di pa sapat ang dalawang Starbucks.) Pero bukod sa disappointment ko sa super tamis na coffee, ang highlight ay si Ate sa starbucks. Kasi, parang 3 lang silang barista. At actually, may tray table/area naman sila. Wala naman nakapaskil na Clean As You Go, pero dapat naman medyo gets mo na yun.. na may lagayan ng used trays, na may laman na mga used trays, tapos walang personnel na nag-iikot sa tables area. Actually, ang nakita ko lang naman ay ang si Kuya Guard na biglang nagligpit ng mga tray. Pero sabi ni Maetan... chismis lang 'to... si Ate yung lumapit kay Kuya Guard at inutusan si Kuya.. 'Kuya, pakilinis ang table' in a very privileged bitchy tone (again, sabi lang ni Maetan, ginaya nya pa eh. Haha). So si Kuya Guard, medyo confused, kasi nga naman seryoso sya sa pag gguard ng pinto, with full security guard costume, so pinuntahan pa din nya ang table, para kunin ang tray at ilipat sa tray area.
Una sa lahat, isang dipa lang yung return area dun sa actual table, so kung sino man ang umalis dun, di nya pa ineffortan. Kung ang inorder nya ay Vanilla Nougat, I'm sure marami syang energy para iextend ang braso nya. Pangalawa, mas malapit si Ate sa return area kesa kay Kuya Guard. Mas ineffort nyang lapitan yung Guard para mag-utos, kaysa iangat yung tray, iextend yung braso nya, tapos bitawan ang tray. At bakit nga ba uso sa Pilipinas na ang guard ay janitor na din. Para san pa ang full outfit nila at guarding accessories kung magliligpit lang din sila ng mga tray? At ano bang mahirap sa clean as you go. Di naman kailangan squeaky clean as you go. Saktong very minimal effort clean as you go lang. Tinuro naman yun sa school guys. Effort ng konti. Tray lang 'yan.
Sam Smiiiiiith... hay Sam Smith. So narelease na ang latest album nya. Nung isang araw ko pa LSS ang too good at goodbyes. Parang Adele lang 'yan eh, kahit wala kang pinagdadaanan, feeling ko may pinagdadaanan na din ako pag narinig ko sila. Plus, Sam Smith yun eh. Kahit nga 'yung Work from home ng Fifth Harmony biglang ang ganda nung kinanta nya casually...
Isama natin sya sa list ng mga singers na kung nakuha ko ang boses nila, di talaga ako magdodoctor at wala akong ibang gagawin kundi kumanta. So sana magconcert sya ulit dito. At hindi na kami ma-sam smith all over again. Sam Smith concert kasi yung nag attempt lang kami bumili online, tapos dahil pang first world ang internet ng Pilipinas, nagcrash lang yung site, tapos pagrefresh nya, sold out. Tapos mag slowmo yung mundo mo tapos... whyyyyy. So simula nun, pinipila na "namin" ang mga concert tickets.
So... may kwento pa dapat... pero next time na siguro. Iattempt ko naman matulog na. Paano ba ito.... hay.
Anyway, di ko alam kung mabblog ko pa ang Australia trip. Kasi yung 2016 nga di ko pa natatapos hanggang ngayon. (Hehe). Isama na lang din natin ang ibang pictures dito para masabi ko lang na may blog ako. Pero alang alang sa future self ko na baka gustong mag back read ng mga blogs ko, ittry ko yan.
Adelaide Zoo |
Barossa Valley |
Yan na lang pala muna.. Sana may kasunod pa akong blog... *kru, kru, kru*
hindi chismis yun. witness ako. mas issue ko ang bitchy tone niya compared sa katamaran niya. pet peeve ko ang nagfefavor ka na nga kupal ka pa.
ReplyDelete