Wednesday, August 12, 2015

Asyang, at ang Listahan (more pet peeves)

I am a happy person, in general.  Meaning, mas pinipili kong makita ang happy slash positive side of things, even in mundane things (naks).  Kaya nga kahit nakipagsapalaran ako sa ipis wars, nagpalpitate dahil kay scary ate, or muntik nang mapaaway sa stranger na tabachoy, natatawa pa din ako mag-isa tuwing binabasa ko ang mga sarili kong kwento ng kaadikan.

Kaya lang, tao lang din, at nauubos din minsan ang super powers kong humanap ng good vibes.   Kaya may listahan, at least partial list (kasi medyo mahaba na sya), ng mga bagay na NEGA talaga. So ito na…

Number 1: Pag pinapahirapan ako ng cashier sa sukli ko.  Yung iaabot nya sa kamay mo ang maraming bills… tapos tsaka nya ipapatong ang maraming barya in different sizes. 

Me: Ateeeee, please, wag mo ako ichallenge.


Dahil ang ending, may mahuhulog.  Madaming beses na yan nangyari sa akin, so effort magpulot.  At, one time, sa Starbucks, nahulog ang limang piso sa ibabaw ng banoffee pie ko.  Buti na lang second to the last piece sya at napalitan pa ni Kuya. Kundi…. Walang banoffee si Asyang.

Number 2: Ako, ayoko ng mahahabang instructions.  Kasi nakakatamad basahin.  Ang kaya ko lang ay, “encircle the correct answer” or “this way to somewhere”.  Pag humaba pa dyan, eeffort na ako humanap ng patience.

Pero,  naman, ito, hindi ko magets.


I mean, simple lang naman.  Napagkasya na nga in 4 words.  Nilakihan pa.  Whyyyy??? Paano na uunlad ang Pilipinas?  Tinuro naman sa school ang I have two hands, the left and the right.

Number 3: Ito, parang medyo napapadalas kong nasasaksihan.  Like nung isang araw, habang nagsusulat ako ng orders sa chart, nag ring yung phone ni person sa harap ko.  So, sinagot nya…

Person: Hello? Hello? (after 3 seconds) Hello??? Hello???  (itaas pa natin ang level ng volume) HEELLLOO??? HEEELLLLOOOO?? (sinilip pa ang phone…) Hello??

Me: Yung totoo kuya, I give up mo na.  Mahina ang signal.  Nakita mo yung poste na yun? Punta ka dun, tapos side step ka ng 3x to your left, tapos harap ka sa north, lalakas na yang signal mo.

Joke lang.  In reality, thought bubble ko lang yan.  Nakayuko lang ako habang tinatapos ko ang orders ko.  Pero seriously, 3 lang ang quota ko.  Pag wala kang marinig, give up mo na.

Number 4: Ang selfie flood.  May levels lang din ang tolerance ko sa selfie.  I mean, fine, kung pa isa-isa, go.  Or kung nagtravel sya mag-isa at gusto nyang ishare ang view, why not (dahil ginagawa ko din yan).  Pero, yung 16 photos na puro mukha mo in different angles…
(iniisip ko kasi mag grab ng pics ng iba, kaso baka mapaaway na ako, so ineffort ko na lang to… kaninang umaga)


(4 lang kinaya ko eh, multiply mo na lang)

OR mas lalo na to… paulit ulit… na di ko maintindihan kung nagpapagame sya ng spot-the-difference… 


OR (shout out to Francis Asilo), isang selfie lang, pero lalagyan mo ng quote, na walang kinalaman sa mukha mo.


To be continued....


6 comments:

  1. so dadami pa to? as in open ended list?
    i am such an avid fan of your blog. please post more! :)

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete