So... it's been a while... again. Haaaay. Well this time, hindi naman sa busy busyhan, tinamad lang talaga ako. In general. I have those moments... of katamaran. Hence, my not studying for the exam and endless hours na naubos watching youtube videos and tv series. Ngayon, trying to get back to my usual routine.
So sabi ng schedule ko, kailangan na ng progress ng powerpoint ko for my lecture. Kaso gusto ko pa tumawad ng konting slack time pa...
So let's see, my random thoughts... oooohhh! So last week ay PCP convention sa Marriott.. after nung isang lecture, had to go to the toilet. Pero dahil kakatapos nga ng lecture, medyo sabay sabay nakaisip yung mga tao ng 'oooh! toilet break!', so ang daming tao. Feeling ko naman keri ko pa, so bumalik muna sa mga friends ko at sabi ko later na lang dahil ten year yung haba ng pila. Lumipas pa ang ilang minutes, (naiimagine ko yung sound effect sa movies, pag may may time lapse, or yung nag iimagine sila.. ten den den..) until, di ko na keri. Pero this time... maluwag na sa CR. Yey!
Isa sa mga pet peeve ko, yung mga taong matagal sa cubicle, kahit alam nilang ang haba ng pila. Kasi diba, di mo bahay. Isipin mo naman ang kapakanan ng mga taong ihing ihi (or jebs na jebs) sa labas. Rapido. Ganon. So minsan, pag super tagal nung tao sa cubicle, tapos ang dami nang lumabas sa ibang cubicle, na mas late pang pumasok sa kanya, ang expectation ko ay dapat pang miss universe na itsura nya paglabas. Tipong dapat nakapagbihis na sya, blow dry ng hair at make-up sa tagal nya sa loob.
Anyway, hindi ako matagal. Actually, patapos na ako nung biglang may nag attempt buksan yung cubicle ko. Tinry nya isa, tapos medyo nagpanic ako, kasi akala ko bubukas habang I was still in a very vulnerable state. Buti na lang, hindi nagiba ang lock. So akala ko nagets na ni ate sa labas na may tao pa. After 3 seconds, inattempt nya ulit... paulit ulit. Ate!! 'Wag kang mamressure!! Binibilisan ko na po.... and then, pagbukas ko ng pinto....
I wish nag e-exaggerate lang ako, pero na-trauma ako, kasi ganyan talaga sya pagbukas ko nang pinto. Minus the sibak... plus a sosyal handbag on the other arm, sabay sabi nang... "ihing ihi na ako!!!". Seriously, nag panic ako. Kasi pumapasok na sya sa cubicle nang hindi pa ako nakakalabas.
As in dumikit ako sa wall bigla kasi sumugod si Ate.
Actually, hindi ganyan, kasi nagulat talaga ako... Feeling ko, more of ganito....
Shucks, sana napicturan ko yung itsura ko nung moment na yun. Feeling ko benta. Anyway, nakalabas naman ako nang buhay, with palpitations for a few seconds before ako nakarecover.
So that was my traumatic experience. Whew! Aaaaaaaaand... my extra slack time is over. Back to work.
WHAT! WHAAAAAAT? Personal space!
ReplyDeleteHindi uso kay doktora.. ihing ihi na sya.
DeleteMay lababo naman.
Delete