Wednesday, April 13, 2016

Asyang in Brisbane, Australia!



So... it's been  a while.  Haha medyo natagalan no? Busy busyhan as usual, excited pa naman ako sa adventure kwento ko.  Pero before the kwento..... gusto ko lang mag rant.... ANG OA NG INIT HA.  Parang nasa kabilang kanto lang yung araw.  Kamusta naman yung kalagkitan?

Anyway, it's time for my adventure kwento.  Super excited to write about traveling.  Well, isa 'yan sa mga favorite ko sanang gawin, kaya lang, nung may sweldo pa ako... walang time for traveling, at ngayon, na mas may time for traveling, wala akong sweldo.  Oh well.  So this year, I had the opportunity to travel (for free!) and attend a conference in Australia.

Medyo umeffort ako ng kaunti, at first time ko gumawa ng video. So finally, mapopost ko na... after ten years. 


(O diba, puro mukha ko... haha) Super fun. Kahit nung first day, ay wala kaming tulog.  So umalis kami sa Manila ng 3 pm, at nakarating kami ng 6:30 am sa Brisbane... ang catch, hindi ako nakatulog sa plane, mga 30 minutes lang.  Tapos, 8:30 am yung start ng activity.  So ayun, walang ligo, walang tulog.  Nagtoothbrush lang sa hotel lobby (kasi di pa kami nakacheck-in) tapos nagpatong ng blazer.  Tapos... nakadalawang kape ako pagdating sa conference.  Effort ang manatiling gising.


Me, Mike and Jolie

Di nama halata diba? Mukha naman kaming fresh... nagpabango din kami, don't worry.  So nung first day, may konting lectures lang for the trainees.  Tsaka konting time to meet other trainees from different countries.  Uhm.. di pa naman ako masyado friendly.. mahiyain kasi ako in real life.  (totoo 'yan.. hindi ako suplada, shy lang)


And then, may lunch with the experts.. that's me. haha with the thrombosis and anticoagulation group.  So nung una, kahit medyo hindi kami (meron kasi kaming kasama from Australia and Singapore... na hindi pumopoverty) makarelate sa mga mas ideal set-up, marami din naman kami natutunan.

Convention Day 1
Kaming tatlo ulit, mas fresh, nakatulog na at nakaligo.


So ayan. 'Wag ko na ikwento yung mga nilecture, haha... medyo nakalimutan ko na yata ng slight.  (di ko pa nagagawa yung powerpoint ko for the echo... kru, kru, kru)

Wala masyadong ganap sa Brisbane... haha convention lang talaga... tsaka konting lakad and picture.  Kasi mga 5:30ish sarado na nga talaga ang mga stores. Kumain lang din kami sa random kainan, naglakad, naligaw, naglakad pa nang naglakad, tapos sumakay ng ferris wheel, naglakad pa ulit, nagpictorial. haha. ganun lang.  Actually, inaantok na kasi ako, haha, wala akong makwento.

Ay.. ayun naalala ko na.  Seryoso na kwento, nung Saturday muni-muni walk naming tatlo, medyo may sadness moment kami, nang very light... kasi nga, hindi naman nga kasi ideal ang nagagawa natin sa Philippines (...at least for Hematology).  'Yung may nagsabi sa amin na 'di sila makapaniwalang "FFP transfusion pag dumugo ang mga hemophiliacs" ang meron sa atin.  Habang ang issue nila ay anong protocol nila for prophylaxis. (hello, developing country...).  Well, meron naman din tayong mga factor concentrates, kaso di naman afford... or yung mga near-expiry or expired... nadodonate sa atin.  So yes, medyo na-sad kami for some time. During the convention, as usual, maraming mga bagong mga gamot... na kailan kaya natin maeexperience? Hmmm.. but.. but.. eventually, naisip naman namin, 'di ba nakakamotivate din? Na sobrang dami pang matututunan in the field of Hematology.  So sabi namin, kung may opportunity for further training, e go lang.  

Yun lang... bilang ang option for further training ay abroad... 'yan ang problema.  Haha. Dahil mga nasa 30 and above age group na kami, sana naman kumita na kami no? yung iba naman may mga sweldo kahit papaano, kami lang mga taga-PGH ang pumopoverty level talaga. So 'yan. Wala masyadong kwento pala. Haha. Sorry naman, inaantok na din kasi ako. Pictures na lang ulit.. babawi na lang ako sa Sydney.  (kung saan walang humpay ang lakwatsa)

Asyang, the official photographer of Dr. Cuarteron

Mr. Congeniality, with his new friend from Myanmar.

More pictures...
with Paola and her fiancee.. Filipina receptionist sa hotel, pinasyal nila kami
Wheel of Brisbane

Habang hinihintay namin magshopping si Mike, may stranger na sumama sa picture namin.
Ito yun, after our Saturday muni-muni walk.


'Yun lang! :)





3 comments:

  1. Awwwww.
    Well, doktora, sabi nga nila, slowly but surely. Malay mo for some weird force of nature mag sprint develop ang Pinas #optimism
    Sama ako sa traveling mo. :(

    ReplyDelete
  2. Hello po Dra.
    Patient nyo po ito si Jed.. may message po ako sa FB nyo, hindi nyo pa po ata nababasa.. nwala din po ung cp # nyo samin. Slamat po.

    ReplyDelete