I love Uber. Una sa lahat, dahil di ako chinichika ng driver at hinahayaan nila ako mag muni muni by myself sa likod.
Anyway, may koneksyon yan, pero side kwento muna. Nung isang araw, nag aadik ako sa youtube. Nag aadik meaning kung anong issuggest ni youtube sa gilid, pinipindot ko. Hanggang sa marating ko ang the voice kids, at ang batang nakapasok sa Team Lea. So may interview pa, sabi ni Lea, anong work ng parents mo? At sabi nung bata, with matching accent, my mom is a lawyer and my dad is a licensed embalmer. (Bumenta sa akin, bakit ba?)
So nung isang araw, di ko na maalala san ako pupunta. Pero walang Uber…. (Nooooo…) at kailangan ko na talaga umalis. So napilitan akong mag cab. Mukha namang mabait si kuya at politely nagtanong kung san ako pupunta. Di naman sya nagreklamo at di nya rin ako binaba. But, after 10 seconds, nagtanong na sya… Taga-PGH po kayo?
(Again, noooooo….) No to small talk sa cab. Sabi ni mama, don’t talk to strangers. Nagflashback tuloy yung last time na may makulit akong driver, na ayoko naman din magsungit kasi mukha din syang friendly-ish. Pero nung nalaman nyang doctor ako, ang dami nyang nakwento hanggang sa nagtatanong na sya kung anong vitamins ang pwede sa kanya.
So sabi ko, “Opo”, with my prep smile (na by the way, ang meaning ng prep smile ko ay: I am uncomfortable). Deep inside, sabi ko, “Please, please, please, wag ka na magfollow-up question.” Pero di narinig ni kuya ang thoughts ko. Sabi nya, “Ahhh, ano pong trabaho nyo?”
Sa point na ito, yung bata sa youtube ang naisip ko.
Yep. Yun ang naisigot ko, with matching accent, hence the title.
In fairness to me, nasabi ko with a straight face. (Pwede na ako mag-artista). Effective. Nakapagmuni-muni na ako after nun.