Ayoko nang nalelate (sa mga important na bagay ha), as in.
Kung ma-late man ako, yan ay sa mga kadahilanang beyond my control
(katulad nung may nasunog na bus sa expressway, inabot ako ng 4 hours sa daan;
tsaka nung ondoy, na ten years ako sa bus… actually, di ako late nun, di na talaga
ako nakarating), or hindi kasi important (pero required). Usually, maaga ako,
tapos nagpapalipas ng oras some place near.
Kaya ganun na lang ang panic ko pag di ako nagigising sa
alarm.. like nung isang araw, na aattend kami ng convention, at ang usapan ay
aalis ng maaga. 8:15 daw aalis, at
nagising ako ng 8:09am. Hala. Sabi ko: “Sssssshhhhhh*****” -- sabay dampot
ng towel, toiletries, and within 5 seconds, nasa shower na ako. Bam! Ang bilis ko kumilos. Dumating pa din ako ng 8:15 sa office, kasi
advanced naman ang watch ko. But anyway…
So di ko na nga natuloy yung kwento ko last time. Well, isa kasi ang movies sa mga pag aadik
ko. Lately, once a week, pag may
magandang movie. Pag madaming maganda, edi 2 movies a day. (walang makakapigil samen!) Pero ang kwento ko ay… actually, gusto ko
lang mag survey. Di ko kasi napapansin
to dati, nung sinabihan lang ako, tsaka ko narealize na pag magstastart na yung
movie, halos ubos na ang movie food ko.
Kasi nga ayoko ng late (yes, important ang movies), so
napapanood ko lahat. Mula sa mga advertisement
ng Ayala Land, ng mga sundalo, at ang babala nina Derek Ramsey at Gaby dela
Merced about piracy. Kung kumain pa
naman ako ng popcorn, kasing bilis ng pag ligo ko pag 8:09am ako
nagigising. So, ang tanong ko lang ay,
ako lang ba? Seryoso bang hinihintay nyo magsimula ang movie bago nyo
sinisimulan kainin ang baon nyo?
P.S.
Alam mo yung mga taong inis inis sa mga kasama nila sa
sine na mahilig magtanong kung anong nangyayari sa movie… habang andun din
naman sila? Hindi ako yun. Haha. Partly dahil guilty ako dyan. Pero hindi dahil di ko maintindihan ang movie
at kailangan ko ng interpreter, pero kasi, for some reason, alam ng bladder ko
pag nasa sine ako. Di ko alam kung pano
nya nalalaman. Pero every 20 minutes
kailangan ko magtoilet break. So, babala
sa mga makakasama ko sa movies, magnotes kayo.
Binibilisan ko naman promise, as in takbo… (kasi may mga movie house na
walang toilet sa loob).