Fine, strictly speaking, hindi crossroad ang picture. Kasi hindi sya cross.. pero yan ang binigay
ni google (credits to the owner), na nagustuhan ko ang effect.
Finally, wala na akong tinanggap na excuse today para hindi
gumalaw.. meaning mag exercise. Well,
medyo legit naman yung sumakit kasi talaga ang tuhod ko. And nagkatime naman na 3 hours straight ang
dance practice (counted naman yun as exercise).
But anyway, tumakbo ako ulit today.
At naalala ko na ito nga pala ang pinakamunimuni time ko.
So today, ang muni muni ay about sa mga dreams ko pa in life,
and choices in life. Well, nung bata
naman ako ang sabi ko dream ko maging doctor, so check na yan. But syempre, marami pa din akong random things
na naiisip na gusto kong gawin. Pero
naisip ko nga, paano ba ako nakarating dito? Like, ang daming (major) decisions
na ginawa ko in life, kaya ako napadpad dito.
Seriously, never kong naimagine na maachieve ko kung ano man
ang meron ako today. But looking back, I
feel so blessed, because during the times when I felt like the future was
uncertain, God has always provided the answers.
Parang, ‘di ko pa nga napagppray ng bongga, may answer na si God. And some of them, ay hindi ang preferred
answers ko at that time. Syempre hindi
naman always masaya lang, or keri lang lahat, or yung gusto mo lang ang pwede,
but being a Christian, you learn to see things differently. Eventually, it becomes so easy to find the
greatness in the simplest things. (So,
seryoso naman nga ako nung sinimulan ko ang paragraph with seriously.)
With that, I am super happy and thankful for my life, with
all its imperfections. Pero, sabi ko
nga, hindi naman always masaya. So kung
masaya ako sa major decisions ko in life, kabaligtaran yan ng mga minor
decisions ko in life.
Like sa pagpili ng line sa buffet. Umattend kasi kami ng convention, at di ko
alam kung kaninong bright idea ang buffet (for a convention na P6,000.00 ang
registration!!!). So madami naman ngang
set, pero super haba ng pila sa lahat.
Pero gutom na talaga kami ha. As
in. Tapos, nung mga 3 people na lang ang
nasa harap naming, dun pa naubos lahat.
At tsaka pa naisip ni kuya na sabihan kaming lumipat ng line. Sa buffet table na may pilaaaaaaaaaaaa pa
din. (Seriously?!? End of the world na
ba kasi wagas na yung gutom ko!!) Tapos
hindi masarap yung food. And then nung isang
araw, sa grocery, kakapili ko ng cashier, dun pa ako napunta sa naubusan ng paper
for resibo nung ako na.. as in, na-bag na lahat ng binili ko, pero di ako
makaalis. Ugh. Bakit ganoooooooon?? Sinabon ko naman!!!!!