Friday, March 18, 2016

Asyang the Past and Future version

So hello naman! Ako na ang nawala, huhu.  Medyo busy busyhan... being a hema fellow, studying, being a research assistant, writing my own research paper, events organizer, tagahakot ng gamit (naglipat-office kami), studying... and my favorite, travelling!

I missed you! Matagal ko nang gusto i-share kung bakit ako may blog.  Well, ang totoo, it's just for me... for my future self to be exact.  Thanks to Natalie Tran, I now have 2 versions of myself.

Well, yes, instant photoshop.. in just 2 mins! haha (ayan, mali spelling... waa na akong time mag edit, oh well)



But I don't hate my past self most of the time... minsan lang.  Haha.  Pero isa kasi sa mga problema ng present self ko, ay ang memory ko.  Minsan kasi (actually, madalas), hindi ko macontrol ang flight sof ideas ko.  Ang dami kong naiisip hanggang sa matabunan yung mga unang thoughts.  Sorry na  lang tuloy sa mga bantay na naghihintay ng abstract nila sa labas ng office, tapos nakalimutan ko sila kasi nadistract ako.  Or.. ang mga bagay na kailangan ko gawin in a day.  (Hence my need for post-its and cork boards/planner).  Basta, makakalimutin ako.

And ang weird, pag may nagkkwento sa akin ng mga bagay/event, na hindi ko maalala pero andun ako apparently sa event na yun.  Sabi ko nga, sana talaga may usb na lang ang utak... yung pwede mag expand din ng memory space.

But anyway, back to past self.  Sabi ko nga, hindi ko naman hate ang past self ko, kasi, naiisip pa din naman nya si Future Asyang.  Like for example, nung nag move out ako sa condo after residency training... ito yung time na unemployed na ako, syempre nagsort ako ng mga gamit na iuuwi at itatapon.  Tapos yung super luma kong wallet na sira sira na, itatapon ko na sana... buti na lang, binuksan ko... tenenen! P 5,000.00! Ang saya non diba? as in malutong pa... love it.  So may pera ako, thanks to Past Asyang.

Isa pa, recently... ibig sabihin isa na akong Fellow na nagttrabaho nang walang sweldo (yes, uso pa din ang slavery), ang dami ko nang nagastos for the week... siguro sa food.. kasi naalala kong ang lakas ng motivation ko mag exercise.. haha... anyway, so dami nang gastos... tapos pag suot ko ng jogging pants ko may matigas sa pocket! Tenenen... P 200.00! Whew!

I don't know if may sense pa ito.  Pero yun ang point, makakalimutin ako.  So.... I'm writing for Future Asyang.

Dear Future Asyang, ito mga kalokohan ko.

P.S.  At dahil super nag enjoy ka sa iyong latest travel adventure... i-bblog ko yan, soon, with pictures and videos.  

Muah! 
Past Asyang