Tuesday, June 28, 2016

Asyang, at ang mga taong may pinagdadaanan.

'Pag meron ka bang pinagdadaanan, like serious stuff... 'yung 'pag ninarate yung buhay mo sa TV ang sasabihin nung voice over ay ito na ang isa sa mga malaking dagok sa buhay mo... paano ka nagrereact?

Ako kasi, 'di ko sure.. (haha), pero sa pagkakaalam ko, either I act normal or slightly more tahimik... or maybe minsan may overcompensation.. extra chatty.  In short, wala pala akong ang default reaction.  Haha.  kung anong maisipan.. but I guess normal ang mas default.  'Di pa naman ako (well, at least nung tumanda na ako) sigurong biglang napagbuhusan ng galit/frustration.

Nung isang araw kasi, tumawag ako sa... basta sa isang department/office, kasi kailangan ko mag inform na hindi makakarating yung consultant namin sa seminar:

Asyang: Hello, good afternoon po, Dr. Sapinoso po ito sa Hema, inform ko lang po na hindi na makakaattend si Dr. *** sa seminar next week.
Kalmadong Kuya: Ay, wait lang po, lipat ko ko po kayo kay Sir **.

Agit na Kuya: Hello?
Asyang: (repeat) Hello po! Good afternoon po, Dr. Sapinoso po ito sa Hema, inform ko lang po na hindi na makakaattend si Dr. *** sa seminar next week.
Agit na Kuya: E BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!?



Asyang: *silence* *palpitations*
Agit na Kuya: Sino ulit?!
Asyang: Dr. ** po
Agit na Kuya: BAKIT HINDI NA SYA PUPUNTA???
Asyang: *lunok* Uhm, dumating daw po kasi yung visa nya, so out of the country na po sya next week.
tooooooot.... toooooooot..... tooooooot....

*aaahhh.... binabaan ako ni kuya....*

Seriously, ang nega diba?  Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.  (Joke lang) Pero baka naman may pinagdaanan lang si "Kuya"... like PMS.  Hinayaan ko na si Ate. *wink, wink*

Tapos nung isang araw, bumili ako sa snacks for movie.  Parang okay naman si Ate.  Tinanong nya kung what time ang movie, kasi 10 minutes pa daw para maluto and fries.  Sabay abot ng resibo ko, at nagbilin na tatawagin na lang po kayo ma'am.  So nakipagkwentuhan muna ako sa gilid.

... after 3 minutes ....

Ate: MA'AM ACE!!! MA'AM ACE!!!

*panic!*

Ate: Iced tea. Tatawagin ko po kayo ulit. (Sabay slide ng dalawang iced tea)

*whew* 

Kinabahan ako.  Nung bata kasi ako, pag may ginawa akong mali.. or kung may hindi ako ginawa na dapat ginawa ko, tapos galit si mama, sisigaw na 'yan: ALEXANDRAAAAAA! *patay*  Alexandra lang ako 'pag galit sya eh.  

Parang ganun 'yung sigaw ni Ate... parang dapat... Ma'am Ace!!! Ma'am Ace!!! Bakit di ka pa nag saing?!? Buong araw ako sa trabaho, tapos pag uwi ko ako pa din magsasaing?!?! 

Parang gusto ko na lang mag-sorry.  Haha.

Baka may pinagdadanan lang din si Ate.  Pero, in fairness sa kanya, kalmado na sya, at nakasmile nung inabot nya ang fries.  Or baka nafeel nya lang na natakot ako sa kanya nang slight.

Nakakatawa na lang sya ikwento ngayon. Pero diba? Sana mabawasan ang mga nega, lalo na sa mga taong (katulad kong) wala naman ginawa para ikagalit nila.  The world needs more love and laughter.  ('Yun oh).

Good night!




Monday, June 20, 2016

Sydney! Part 1

Hongtagaaaaal.

So after 3 months, (actually, more than 3 months na nga eh), I will blog about my adventures in Sydney... na super bitin (kasi.. kailangan bumalik sa work) but super enjoy.  Special thanks to the best tour guides: Ate Grace and Kuya Art... spoiled na spoiled ako, sobra.

It was a short visit, 4 days, kaya pinagsiksikan ko na ang pwede kong gawin dun.  Power lakad.  Mga 25,000+ steps per day.  At mainit.  So may palagkitan moments din.  Pero dahil travel ito, kebs na talaga. Gow. 

Natuto ako ng some basic video things on iPad... wala lang.


Pinanood mo ba? Panoorin mo please, para sa effort ko.  (Haha!)

Day 1: Ang medyo biglaan.  Kasi naghihintay na ako for boarding nung natawagan ko si Kasey, at nalaman kong pwede ko sya i-meet that day.  So from airport, nag late lunch lang kami sa Parramatta, and then pinasyal na ako ni Kasey.  Sabi nya, mag train na lang kami, kasi hindi sya sanay magdrive sa city.  Ewan ko ba sa kanya, kung bakit biglang nagdrive pa rin sya.  So, hindi nya ako masyado kinakausap sa car, kasi busy sya sa dami ng kaba.  Haha.  

With Kasey at Coogee Beach

Nakarating naman kami, safely.  Tumambay lang sa beach... (wala akong swimming attire, kasi nasa maleta pa).  Kumain ng ice cream, nagkwentuhan, ang nagpaaraw ng slight.  After nyan, ang totoong adventure.  Bilang hindi naman sya masyado nagddrive outside Parramatta, naligaw kami.  Kung san-san na kami nakarating, partida, may GPS pa kaming gamit.  Haha.  Tapos in the middle of panic ni Kasey, (sya lang, kasi ako nag eenjoy sa road trip), biglang naubos ang batt ng GPS nya. Nakauwi naman kami, after ilang extra kilometers, plus ang paglipad namin sa humps.  That was fun! Ulitin natin Kasey.  Pagbalik ko, payat ka na.  Promise mo 'yan.

Day 2: Nung nalaman ni Ate Grace na makakavisit ako sa Sydney, sinabi na talaga nyang kailangan ko mag bridge climb.  MAG-ISA.  Ito kasi sya...


at hindi kasi ako masyado fan ng heights.  So feeling ko di ko carry.  Hongtaaas.  But anyway, no choice naman, kasi binook na ni Ate.  Sabi ko, "Hala, bahala na."

Muntik pa kami ma-late, from Cicular Quay train station...

Circular Quay Train Station... ayun yung bridge sa likod...

....tinakbo namin hanggang Harbour Bridge.  Power hingal, pero umabot ako.  Dumating ako mga 2 mins before the schedule.  

Hindi joke yung 2 minutes.  Takbo talaga. 
Ang smile ng excited/kabado.
So there.  Wala nang atrasan.  May konting orientation sa loob, introduce yourself to the group, sign ng waiver.  So yung mga kasama ko from US, may mga European, at di ko na masyado maalala... First time naman namin lahat na mag bridge climb.  *whew* Puro partners ang kasama ko, except for 2 senior (haha jinudge ko nang above 60 sila) na loner like me.  Mga 30-45 minutes din siguro, ang change costume, pag-iwan ng lahat ng gamit sa lockers (yes, wala kang pwedeng bitbitin sa taas, kahit watch kailangan alisin), pag gear up (yes, maraming kailangan ikabit syo) and demo/return demo sa pag-akyat baba ng mga stairs... and then go na!


Picture!
Hindi pala sya nakakatakot, promise.  And safe.  Super fun, relaxing, at kung gusto mo mag muni-muni while hinahangin at tumatanaw ng view, this is it.  May times kasi na nakatayo ka lang sa isang spot, while waiting for your group (na isa-isa kasi kaming pinipicturan).  Hindi ako nag muni-muni, (kung winownder nyo yan) kasi, medyo (actually.. super) friendly si John.  Ang kasunod ko sa line.  John from U.K., na umakyat din mag-isa.  He has travelled the world twice (sabi nya 'yan), for work and for leisure.  At sa dami ng adventures nya, ang dami nyang shinare sa akin.  Marunong sya ng konting Tagalog, at ang tawag nya sa akin ay kababayan.  Your guide will also share with you ang history ng bridge and mga kwento nang mga landmarks na matatanaw ninyo.

Mahangin talaga sa taas.
But seriously, this was my favorite activity in Sydney! One, because akala ko matatakot lang talaga ako.  Two, kasi ang saya naman nga nya, adventure na relaxing, at ang ganda ng view.  And three.. basta favorite ko sya. So, for those who will be flying to Sydney, kung game ka sa isang cool adventure... Go for it.  Book your climb http://www.bridgeclimb.com/ and enjoy.

My bridge climb friend, John.
...to be continued...