Yellow!
I'm okay guys.. (well, di ka naman nagtanong, pero sinagot ko na din)
Pero kasi, baka isipin ninyong something is wrong, dahil ang susunod na playlist ay maaring maglaman ng mga kantang para sa... mga malulungkot, para sa may pinagdadaan, para sa may mga hugot in life...
..at para sa akin na mahilig lang talaga mag sound trip. Bakit nga ba kahit okay lang ako, gusto ko ng sad songs? (Random tanong) I guess there is a certain comfort sa sadness. (Ano daw?) Namuni-muni ko ito kanina.. habang naglalakad, tapos kausap ko ang sarili ko:
Ah, ibblog ko na lang ang mga yung playlist ko, kahit meron sad songs (ulit).
But why?
Kasi gusto ko lang, at wala akong maisip na topic.
Ang dami mo yatang oras..
Hindi no, madaming kailangan gawin tonight, isingit natin habang nagpapainit ako ng tubig pampaligo.
Okay, so why sadness?
E kasi, it's okay to be sad. Sometimes it feels good to be sad. It reminds you that life is not perfect, and that's okay. It reminds that you that being happy is a choice. It's something you can control. You can always chose to be happy and thankful for whatever you have.
...well, something like that. Hindi ko na maalala verbatim yung conversation namin (namin talaga). Pero actually, ang katotohanan sa title na may tears ay.. ito ang mga singers/band na pag napanood ko ng live, baka maiyak ako, kasi.... favorite ko sila. Ayun lang naman. So 'di naman lahat ay sad songs pala. So let's go...
1. Coldplay
So unahin na natin yan, bilang namention ko sya recently, na baka maiyak ako kapag napanood ko sila live. Dahil... ang tagal ko na silang inaabangan. O diba, Yellow.. tapos The Scientist, Clocks.. di pa ako super fan.. hanggang sa may Speed of Sound.. Fix You na...
(na by the way, choreography by Travis Wall. Na pagnakita/napanood ko din si Travis Wall, baka mag fan girl ako at di ko mapromise na hindi maiyak sa tuwa.).... so diba? Ang dami na nilang album hindi ko pa sila napapanood, nakakaiyak. Ayoko na umasa sa mga lumalabas sa facebook, maniniwala na lang ako pag may ticket na ako (kung makabili ako, shet, kailangan ko yan). More than ten years na ito. (11 years to be exact, kung sa Fix You ako nagsimulang mag abang.... na hindi ko na din sure).
2. Adele
Kakasabi ko lang din nyan. Recently. So ayan. Hindi ko na maalala (well, marami talaga akong hindi maalala) kung paano ko nadiscover si Adele. Di ko sure kung dahil dito sa Hometown Glory
...but anyway... yung ibang favorite ko ay actually di nya original composition, pero super mas gusto ko yung version nya: I can't make you love meeeee, if you don't. You can't make your heart feel, something that it won't... tsaka yung When the evening shadows and the stars appear, and there is no one there to dry your tears, I could hold you for a million years, to make you feel my love...
Pero ibigay na natin sa kanya, pinanganak talaga sya para maging singer/songwriter. Buti na lang narealize nya yun.
3. Birdy
Na parati nasa playlist entries ko. Ito, naalala ko kung paano ko sya nadiscover. Duty ako sa ICU. Pagod na pagod. (Toxic eh). Tapos finally, nagkachance ako makahiga sa bed 1 ng ICU. (Don't worry, walang nakaadmit. Hindi ako tumabi sa pasyente.) Tapos binuksan ko yung TV. Tapos MTV nya ng Skinny Love. Tapos sabi ko, ay, favorite ko na sya. Actually, di siguro yan ang first time na marinig ko sya, pero wala lang, maikwento lang.
Pero seriously, favorite ko talaga sya. So ito ang latest nya... starring Eleven.
Ito talaga, malaki ang chance na nakakaiyak.. hindi lang fangirl mode, pero kasi ang dami nyang tagos sa heart na kanta. 'Yung kahit hindi mo pinagdadaanan yung nasa lyrics, feeling mo pinagdaanan mo na din.
Baka 'pag live, intro pa lang ng 9crimes (shet....) maiyak na ako. Tapos kahit anong kantahin nya maiyak na lang ako. Haha OA.. (di naman siguro...)
Is that alright? Give my gun away when it's loaded. Is that alright? If you don't shoot it how am I supposed to hold it....
5. Ingrid Michaelson
Napagod na yata ako magkwento.. haha pero malamang narinig nyo sya, bilang madalas sya magamit sa mga TV series, as background music. Like in Grey's Anatomy. Hay.. Ingrid Michaelson. All we can do is keep breathing....
Ayun lang naman for now. Ano pa ba? Wala na yata.
P.S. So kung may confirmation naman na magcoconcert sila, sa Pilipinas (or yung malapit na sa Pilipinas), pwede pa-text ako? Thanks. Bye!