Yes, check ang Taiwan! Kung saan wala akong ginawa kundi kumain at maglakad para magburn ng kinain para makakain ulit. Dahil dyan, sumuko ang tyan ko, lalo na ang legs ko... but that's for another blog.. or vlog.. or memory bank na lang. Pag isipan ko.. (kung mamotivate akong gumawa ng alin man dyan hehe)
Because today, gusto ko lang i-share ang experience ko sa mga pila para lang makarating sa Taiwan. Hindi ko na maalala kung anong number na sa listahan.. Number 8? But anyway, isa sa nakakainis diba, yung mga sumisingit sa pila. Medyo malas talaga ako sa mga pilahan eh (parang medyo nablog ko na yata ng slight).
So after ten years namin sa pila for bag drop.. (yes, ten years ang pila.. why??), ang haba din ng pila sa immigration. So dito nagsimula ang trend nang singitan. Bakit kasi may concept tayo (di ko lang kasi sure kung very pinoy lang 'to) na pwede ka mag-save ng spot sa mga pila. Lalo na sa aiport.. kung saan...
Una, sa labas pa lang kami ng immigration (kasi ganun kahaba yung pila, abot sa labas).. tapos may sumilip na Ate from inside, sabay kaway para sumenyas na "Guys, let' go, nag save ako ng space nyo sa delubyo sa kahabaan ng pila na ito". Hindi lang kasi isang tao ang kasama nya (pero kahit isa lang, bakit di sya pumila katulad ng ibang tao? like me?), pero kasama nya ang isang baranggay. Like nanay, tatay, ate, kuya, bunso, si inday, si tita, si tito, yung pinsan, yung boyfriend ng pinsan, yung kaibigan ng boyfriend ng pinsan... isang baranggay nga kasi. Ang OA. Samantalang si Ate lang naman yung pumila tapos sisingit silang lahat. Wala namang express lane for baranggay. Pakiexplain.
Pakiexplain kung bakit naisip nilang okay lang 'yon. At pakiexplain kung bakit okay lang din yun kay Kuya Guard?!
Dahil una pa lang yan, may pangalawa. Kasi after ten years ulit sa immigration (at after unti-unting nauubos ang energy ko sa pagtayo sa kainitan), finally, dalawang ate na lang sana, tapos kami na. But no, si Ate, nung turn na nya, lumingon para tawagin ang immediate family nya. Na nasa kabilang pila. Tapos isang buong pamilya silang sumugod sa harapan namin. At dahil immediate family sila ni Ate, okay lang daw.
Pero may pangatlo pa. Kasi nung boarding na, family outing din yung nauna sa amin. 'Di ko lang alam kung anong nangyaring aberya, pero ang bilis kasi nung kabilang line o.. nakapasok na sila, habang natrap na naman kami after ng family outing o. Anong petsa na?
At kung akala mo ay tapos na, may pang apat pa. 'Di pa tapos eh. Kasi syempre, pila ulit pagdating sa Taiwan. Eh medyo nasa 30s ang seat namin, so paglabas namin pila na naman talaga. Binilisan ko na nga lakad kasi naimagine ko na yung paghaba ng line, nag overtake na kami ng mga ate at kuya na nagsstroll pa. Tapos, after ng efforts na 'yun, itong si Ate sa harap namin, senyas senyas na naman sa likod. TAPOS MAY SUMUGOD NA PULUTONG NG MGA ATE AT KUYANG MABAGAL KUMILOS. Ano 'to? Save na naman? Di naman kayo disabled. Pasalamat kayo pagod na ako.. at wala akong energy kumausap ng tao.. at ayoko ng mga confrontations.. pero ibblog ko kayo:
Hoy Mildred, (narinig ni Tabs, tinawag ka nyang Mildred) at friends and/or family of Mildred. Mainit na ulo ko. Walang save save sa pilahan. Sa susunod pumila kayo, either bilisan nyo kumilos para mauna kayo, or dun kayo sa DULOOOO!
Hindi ko na alam minsan kung minamalas ako para lang may mablog ako eh. But anyway, sana magka-energy ako for the real Taiwan blog, para naman hindi puro rant ang mga mababack read ko sa future. Haha. Pero dahil bed time ko na, pictures na lang muna ulit...
...and the rest to follow (after ten years din. 'Wag naman sana.)