Tuesday, January 30, 2018

Warning: Medyo kadiri.




So bale, ito pala ang magiging first entry ko the year.  Hmmmm.. napaisip tuloy ako kung itutuloy ko pa.
I guess oo, may fair warning naman.



Intro na lang muna siguro.  So how's life?

Ito.  The beginning of adulting.  Parang lahat ng nangamusta sa akin kinwentuhan ko lang kung gaano kagastos and adulting time for doctors.  Lahat na lang may babayaran... application sa hospital, Philhealth accreditation, BIR registration, insurance, clinic.... oh well.  But patience is a virtue, at after ilang mga panahon.   na wala akong ginagawa (kung di magbayad ng kung ano-ano at tumunganga sa clinic), medyo may patients naman na, kahit papaano, kahit lagnat at ubo.. at konting hema.  Lahat naman ganyan ang sinabi, tyaga lang sa umpisa. So para sa mga magsisimula ng practice, the struggle is real, at di ka nag-iisa (Unless umaapaw ang pera mo at okay lang syo magbayad ng maraming bagay.  Good for you. Ikaw na. Haha.)  But from my experience, 'wag mag-alala, God will provide.  (Always!) Special thanks na din kay Chad (congratulations ulit, by the way), sa help at sa pag tour sa akin sa Cavite (na parang hindi ako taga dito, kasi ang daming lugar ng di ko na alam, at first time ko madaanan).

So back to kadiri.

Nung isang araw, after ko magrounds sa GentriMed (by the way, may Hematologist na sila... #ShamelessPlug), dumaan ako sa grocery.  Kasi may short grocery list ako galing sa nanay ko.. so...

           Gardenia Wheat Bread - check
           Nescafe Instant Coffee - check
           Colgate - check

So ang kulang ko na lang ay cheese.  Actually, wala naman sya sa list, naisip ko lang kasi lately nag aadik ako sa Arla Cream Cheese sa toasted bread for my breakfast. So nakarating ako sa mga cheese, at nakita ko na sya.  Kinuha ko, pero for some reason, naisipan ko pang maglakad sa kabilang dulo para tumingin ng iba.  Wrong move.

Kasi kadiri talaga.  May malaking daga na nagtatago sa likod ng mga Ques-O at Eden!  As in lumundag sya para magtago sa likod ng pinakamalaking size ng cheese.  Yung katawan nya, kasing haba nung mga pinakamalaking box ng Eden at Ques-O na cheese.  Hindi yung normal size ha.  Hanggang sa mahabang black na buntot na lang ang visible for ilang seconds, tapos nawala na sya sa ilalim ng mga cheese.  

Unfortunately, ako lang ang nakikita nung moment na 'yun  Wala man lang akong karamay sa shock.  Anyway, dahil may social concern ako, tinawag ko si Kuya na taga ayos ng mga shelf.  

          Asyang: Kuya, may malaki pong daga sa likod ng boxes ng cheese.
         Kuya Employee: Ay naku, hindi ko na po mahahabol yun.  *sabay layas*

Hmmm... parang normal lang kay kuya ang idea na may malaking daga sa grocery nila.  After kong kilabutan ng bongga, ganun na lang yun.  Kadiri talaga.




Mga ganyan siguro sya.  Sorry, kailangan ko ng karamay.  Para mafeel nyo din ang nafeel ko.  Anyway, di ko sana papangalanan ang grocery, pero apparently, kahit saan na branch may mga daga sila.  Kasi kinwento ko sa mga tao, tapos sabi nila, may mga daga naman daw talaga dun.. Bakit?!?!


Dear Walter Mart, 

Pakiexplain kung bakit kailangan ko ma-trauma habang naggrocery? Bakit po ang laki ng daga nyo? At bakit kebs si kuya employee na may dagang nagtatago sa likod ng cheese?

Thank you.

-Asyang