Sunday, December 31, 2017

Asyang's 2017 Movie List

Tada!

Nafefeel ko na ang end of the year kasi nagsimula na ang mga videoke party/marathon ng mga kapitbahay namin...


Hindi ko maintindihan, bakit ang bilis ng panahon? End of the year na naman.  Anong nangyari sa 2017? Well, on second thought, ang dami nga naman nang nangyari sa akin this year.  2017 was truly amazing, and I feel so blessed.  I hope it was also great for you. (*wink*)  Syempre hindi naman always masaya and walang problema.  Sabi ko nga,  choice  mo naman ang to be happy and thankful, kahit na may mga hurdles and kung ano ano pa.  Pero 'wag tayo humugot, kasi... ayoko lang. Tsaka ang layo sa title oh...  ito ang usual end-of-the-year blog ko eh.

Anyway, medyo konti lang ang napanood ko this year.. pero hindi naman na masama.  Dahil wala akong naexperience na "Precious Cargo" movie this year.  Tsaka, marami kasi akong inatupag kaya nabawasan ng time for weekend movies... (gumawa ng research para grumaduate, grumaduate, nagtravel, and finally nakapagbasa ng mga nakatambak kong non-medical books).  

Anyway, yes, 2017 movies...



Unahin na natin ang Academy Award Movies.  Maganda lahat.  'Yun lang masasabi ko.  Kaya nga kahit konti lang ang napanood ko this year, keri na, kung ganyan naman ang mga movies.




Ito ang "Everest" movie ko of 2017 (Asyang and the Everest).  Hindi ko na maalala kung pinili ko talaga ito, or random movie again.. pero nastress ako.  Kung gusto mo ng stress movies, isunod mo na ito sa Everest kung di mo pa napapanood.  Hindi sya isa sa mga favorite movies ko of 2017, pero definitely memorable sya.  Dahil kung sa Everest namatay sa yelo ang bida, dito.. *spoiler alert* lahat sila namatay bukod sa alien na kalaban, na nakarating pa sa Earth.


I love this movie.  Una sa lahat, iappreciate natin ang movie made out of 65,000++ hand painted frames.  Beautiful and sad.. sad but beautiful.  Tapos marirnig mo pa ang Starry Night sa end ng movie.  Oh well.  Maganda. 


Christopher Nolan!! Hans Zimmer!! I love iiiit!  Wala na akong ibang masabi kundi.. ang galing.



Sobrang nostalgic din nito.  May mga nagcomment na di sila natuwa masyado kay Emma Watson, pero kebs.  Ang saya ko sa movie na ito.  

Anyway, sabi ko nga maraming maganda this year, pero yung iba, ililista ko na lang:

8. Passenger
9. xXx: Return of Xander Cage
10. Split
11. John Wick: Chapter 2
12. Logan
13. Ghost in the Shell
14. Gifted
15. Going in Style
16. The Fate of the Furious
17. Guardians of the Galaxy 2
18. King Arthur
19. Pirates of the Carribean: Salazar's Revenge
20. Wonderwoman
21. Transformers The Last Knight
22. Girls Trip
23. Geostorm
24. Bad Genius
25. Thor: Ragnarok
26. Justice League
27. Murder on the Orient Express
28. The Last Jedi

HAPPY NEW YEAR!!
Hindi ko alam kung joke time 'tong visitor counter ng blog ko, pero thank you sa mga bumibisita.. baka napipindot nyo lang (haha) pero super thank you din kahit 'di kayo nagcocomment *ahem* *wink, wink*


Change the world around you by living a better story.
-Donald Miller

Tuesday, December 19, 2017

Oh girls TAIWANna have fuuuun


Ang galing ko sa title no.. (naisip ko 'yan in 5 seconds, bwahaha)

Para saan nga ba ang blog na ito? Parang last week pa nasa draft ko yung title at picture.  'Di ko na maalala kung ano nga bang naisip kong ikwento. Haha.

Well.... I guess, "travel-ish" blog na lang.. actually, food blog na lang pala, i-memory bank ko na lang ang full travel experience (ng bus bloopers, hiking at mga random places na narating nang di sinasadya).  Sana napicturan ko pala lahat ng kinain ko, meron yatang kinain ko lang agad. :P

Spicy Beef Noodles at Yong-kang Beef Noodle (since 1963)
~500 NTD for 2

Yes! So number 1 talaga namin kinain ay beef noodles sa Taiwan. Hindi naman sya mahirap hanapin kasi malayo ka pa lang matatanaw mo na yung pila sa labas.  Mga ilang tumbling lang from the metro station ('yan ang kung sa tamang exit ka lumabas..).  For the record, sa tamang exit kami lumabas.  So no English, at kahit may checklist sila na pang tally ng order namin, di naman namin mabasa.  Medyo inaattempt pa ni tabs na isa-isahin ang chinese characters kung pareho, nauwi naman din sa pagturo lang sa picture.  Make sure lang na sabihin mong small ang order mo (small na 'yang nasa picture), unless na lang bongga talaga yung gutom mo, go.  By the way, warning ko na.  Hindi ako foodie, at di ko madedescribe in detail ang mga pagkain, ang kaya ko lang ay kung masarap, pwede na or kadiri.  Kanya kanyang judgment na 'to.  But ito, masarap naman kasi talaga.  Masarap kahit yung normal/original lang, pero for me, spicy version ang mas winner.  'Di naman namanhid ang bibig ko, pero kasi si Kuya Japanese na kasama namin sa table, nagwaterfalls ang pawis nya.  Well, baka lang di sya sanay sa spicy, or baka may factor na large kasi ang inubos nya.

Scallion Pancake, sa kanto ng Yong-kang
~20 NTD (?)
Lasang pancake nga.  Hindi yung pancake ng pancake house.. yung nilalako or nabibili lang sa kanto-kanto.  Except may hints of fishball-ish na lasa.  Original yung kinain ko, baka masmasarap yung ibang options: with egg, with cheese.. with everything, everything, everything (kumanta ako).  Mahaba kasi yung pila, so nakipila lang kami.  Okay lang naman sya. Nothing stellar (wow).  Haha.

Ay Chung Flour Rice Noodle, Wanhua District
~50 NTD, small (?)

Masarap din! Kahit wala kang ilagay, pwede na.  Pero masmasarap pag may black vinegar.  Tapos konting (as in konti lang kasi ang anghang ng chili sauce nila) chili sauce.  Medyo nung bandang huli nga lang iniwasan ko na yung mga pork intestine, kasi nangawit na ako.  


Crispy Crab, Raohe Night Market
~100 NTD
Masarap din, pero mas masarap siguro isawsaw sa suka (mahilig kasi ako talaga sa suka).  'Di ko masyado naisip na balikan kasi halos same lang naman sa mga nakakain sa Pilipinas.

Taiwanese Pepper Angus Beef, Raohe Night Market
200 NTD
Ito, promise, naenjoy ko.  Ang sarap eh.  Maraming stalls naman nito, sa kahit saang night market.  May mga stalls din na may iba't ibang seasoning.  Pero parang best seller ay yung with Himalayan Salt lang.  Pero Taiwanese Pepper yung na-try ko, kasi nasa Taiwan ako eh, so why not try ang pepper nila (haha). Super sulit. 

Black Pepper Pork Bun, Roahe Night Market
50 NTD
Masarap din.. kaso.. sobrang busog na busog na kasi ako nung binili ko ito.  Pero masarap nga naman, may konting kunat factor yung bread, or mali na yung naimagine ko (medyo, more than a month ago na kasi bago ko pa ito nagawan ng blog).  Pero naaalala kong masarap sya ay nanghinayang ako ng wala nang space yung tyan ko. 

Hot star large fried chicken

Masarap talaga eh.  Actually, sa Australia ko unang na-try ito, habang naglalakad sa may China Town area.  So syempre, kinain ko din sa Taiwan.  In fairness, same naman ang lasa.  Nakakaadik.  Medyo nakakatuyo lang ng lips sa alat after a while (kung uubusin mo mag-isa siguro), pero pwede naman uminom, so go lang sa kain.  May natikman din akong giant fried chicken sa Shilin Night Market, pero ito pa din ang masmasarap (IMHO).  Buti na lang meron na nito dito sa Pilipinas, so kung magcrave man, may chance kumain dito. 

Crispy Baguette, Vanilla

Masarap din, pero pwedeng hindi na balikan.  Lasang broas na may vanilla cream.  Pero in fairness, masarap nga pala yung vanilla filling nila.  Katabi lang ito ng hot star sa may Ximending.


Addiction Aquatic Development

Yes! Masarap! One of my favorite kinain in Taiwan. Kasi mahilig ako sa seafood at Japanese food.  Nasa may fish market lang sya.  Kung magmetro ka papunta, medyo may more than 1km lakad from the nearest metro station.  May option naman na magbus or magcab, pero maspinili namin ang metro + power walking.  Actually, yung walking nakatulong after kumain.  Kasi kinailangan kong idigest ang napakarami kong kinain.  

So may option ka na kumain sa loob, resto style.. or, maggrocery ka ng mga pagkain at kumain sa labas (which I think is cheaper, actually di ko sure).  Pero anyway, naggrocery lang kami, na may kasamang panic kasi hindi ko alam kung anong uunahin.  Sa dami ng choices ng mga nakabox na sushi at sashimi, at kung ano ano pang seafood.  In fairness sa lahat ng kinuha namin masarap lahat.  At bilang isang adik sa miso soup, ang sarap ng miso soup nila.  The best.  At ang daming laman, na hindi ko na mainintidihan kung anong kinakain ko, pero basta masarap.  Price range ~150-350 NTD each para sa mga sushi/sashimi and other seafood boxes.  Fresh pa lahat.  Basta, ang point ko, try nyo.  Favorite ko dito.

Stinky Tofu, Maokong
Medyo requirement naman na matikman ito sa Taiwan kasi sikat sya at kahit saan maamoy sya.  Hindi naman sya nakakasuka.  May mga tao kasing nagsabi na kadiri.  Not so bad, or dahil lang default na mahilig ako sa tofu.  Anyway, kahit saan nga makakakita ka naman nito.  Pero itong sa Maokong, (dun lang sa may kainan paglabas mo ng Maokong Gondola station), not as stinky as the usual stinky tofu, and compared sa nakain ko sa Shilin.. mas masarap ito, medyo mas todo ang weird asim kasi yung gulay sa iba, plus masmasarap yung chili nila. Pero as a Pinoy, walang sinabi 'to sa tokwa't baboy natin.  Haha.  Tokwa't baboy forever.

Oyster Omellete, Shilin Night Market

Legit. Masarap.  Masmasarap pag may chili.

Beef Curry, Modern Toilet Restaurant

Modern Toilet Restaurant

Sweet & Sour Fish, Modern Toilet Restaurant
Hmmm... ordinary lang yung food.  I guess ipupunta mo lang ang experience na weird sya kasi toilet ang theme.  Or baka lang sa dami ng masarap kasi kainan sa Taiwan, di ko sya naappreciate. Chineck lang talaga namin sa checklist na at least na-try namin.



Kung ano man 'tong deep fried taro/yolk custard, Ningxia Night Market
100 NTD
Sobrang sarap.  Sa Ningxia Night Market ko lang ito nakita, at thank you sa nagrecommend na hanapin ito.  Isa sya sa mga stalls na may kapilahan, pero sulit naman nga kasi ang pila.  Kahit ang pagkalost in translation, sulit na, kasi ang sarap nya. Sana pala dinamihan ko pa ang bili, kaso naisip ko din na busog na busog na ako, as usual.  Nakapa-rate limiting factor ng capacity ng tyan ko, huhu.  Anyway, medyo more locals than tourists kasi sa Ningxia (or nagkataon lang?) compared to Raohe and Shilin.  So.. di kami magkaintindihan ni kuya.  Anyway, with some pagturo at pagkamot nya ng ulo sa pag iisip ng english key words, nakabili naman ako. 

Anyway, may mga hindi ko na yata nailagay dito.  Like yung peanut ice cream roll! Mas masarap yung nasa Juifen Old Street, parang mas quality yung wrap.  'Wag mo din palagyan ng kinchay, weird. Ano pa ba, tea egg, masarap din.  O basta, kain lang ng kain!

Bonus: For pasalubong, favorite ko ang hand-made nougat ng Cherry Grandfather.  Masmasarap sya kaysa sa mga nasa night market.  May mga pa-free taste naman ang mga stores/stalls, so pwede mamili.  Pero promise, yan na ang masarap for me (ssabi din ng mga langgam sa bahay namin masarap yan, kasi dinagsa nila yung isang pirasong naiwan ko sa table). 

Tsaka... kung ang requirement pasalubong ay pineapple cake (bakit nga ba? binilin kasi 'to sa akin, tapos ang dami nga naman pineapple cakes dun), sa mga tinikman ko, masarap yung nasa Juifen Old Street.  Di ko maalala yung name, pero color red ang box, tapos nasa mini gold boxes ang bawat pineapple cake.  250 NTD yung 10 pieces.  Pero kung gusto mo ng level up pineapple cake....


Ang sarap promise.  Mas mahal nga lang din (mga 3x times yung presyo, haha), pero ang sarap kasi. 'Di ko maexplain.  Meron silang plain lang na pineapple cake, pero wag mo na pansinin yun.  Mas masarap 'to. Wu Pao Chun sa basement ng Eslite Spectrum Shopping Mall.  Di ko natry yung Sunny Hills na pineapple cake, kasi msarap din daw yun.  Next time.

Oh well, nagutom na naman tuloy ako. 

Wow, after 3 weeks sa drafts, nakatapos din ako ng blog!
Nag-iisip ako ng pang year-end blog eh.  Kung wala, edi ito na yun!

Advanced Merry Christmas and may you all have a Blessed 2018.

- Love lots,
Asyang


P.S. May vlog version ang blog na ito. Kain tayo.




Ephesians 2:8-9 (NIV)
For it is by grace you have been saved, through faith -- and this is not from yourselves,
it is the gift of God -- not by works, so that no one can boast.


Friday, November 24, 2017

Pila and Pet Peeves


Yes, check ang Taiwan!  Kung saan wala akong ginawa kundi kumain at maglakad para magburn ng kinain para makakain ulit.  Dahil dyan, sumuko ang tyan ko, lalo na ang legs ko... but that's for another blog.. or vlog.. or memory bank na lang.  Pag isipan ko.. (kung mamotivate akong gumawa ng alin man dyan hehe)

Because today, gusto ko lang i-share ang experience ko sa mga pila para lang makarating sa Taiwan.  Hindi ko na maalala kung anong number na sa listahan.. Number 8? But anyway, isa sa nakakainis diba, yung mga sumisingit sa pila.  Medyo malas talaga ako sa mga pilahan eh (parang medyo nablog ko na yata ng slight).

So after ten years namin sa pila for bag drop.. (yes, ten years ang pila.. why??), ang haba din ng pila sa immigration.  So dito nagsimula ang trend nang singitan.  Bakit kasi may concept tayo (di ko lang kasi sure kung very pinoy lang 'to) na pwede ka mag-save ng spot sa mga pila.  Lalo na sa aiport.. kung saan...



Una, sa labas pa lang kami ng immigration (kasi ganun kahaba yung pila, abot sa labas).. tapos may sumilip na Ate from inside, sabay kaway para sumenyas na "Guys, let' go, nag save ako ng space nyo sa delubyo sa kahabaan ng pila na ito".  Hindi lang kasi isang tao ang kasama nya (pero kahit isa lang, bakit di sya pumila katulad ng ibang tao? like me?), pero kasama nya ang isang baranggay.  Like nanay, tatay, ate, kuya, bunso, si inday, si tita, si tito, yung pinsan, yung boyfriend ng pinsan, yung kaibigan ng boyfriend ng pinsan... isang baranggay nga kasi.  Ang OA. Samantalang si Ate lang naman yung pumila tapos sisingit silang lahat.  Wala namang express lane for baranggay. Pakiexplain. 

Pakiexplain kung bakit naisip nilang okay lang 'yon.  At pakiexplain kung bakit okay lang din yun kay Kuya Guard?!

Dahil una pa lang yan, may pangalawa.  Kasi after ten years ulit sa immigration (at after unti-unting nauubos ang energy ko sa pagtayo sa kainitan), finally, dalawang ate na lang sana, tapos kami na.  But no, si Ate, nung turn na nya, lumingon para tawagin ang immediate family nya.  Na nasa kabilang pila. Tapos isang buong pamilya silang sumugod sa harapan namin.  At dahil immediate family sila ni Ate, okay lang daw.  

Pero may pangatlo pa.  Kasi nung boarding na, family outing din yung nauna sa amin.  'Di ko lang alam kung anong nangyaring aberya, pero ang bilis kasi nung kabilang line o.. nakapasok na sila, habang natrap na naman kami after ng family outing o.  Anong petsa na?

At kung akala mo ay tapos na, may pang apat pa.  'Di pa tapos eh.  Kasi syempre, pila ulit pagdating sa Taiwan.  Eh medyo nasa 30s ang seat namin, so paglabas namin pila na naman talaga.  Binilisan ko na nga lakad kasi naimagine ko na yung paghaba ng line, nag overtake na kami ng mga ate at kuya na nagsstroll pa.  Tapos, after ng efforts na 'yun, itong si Ate sa harap namin, senyas senyas na naman sa likod.  TAPOS MAY SUMUGOD NA PULUTONG NG MGA ATE AT KUYANG MABAGAL KUMILOS. Ano 'to? Save na naman? Di naman kayo disabled.  Pasalamat kayo pagod na ako..  at wala akong energy kumausap ng tao.. at ayoko ng mga confrontations.. pero ibblog ko kayo:

Hoy Mildred, (narinig ni Tabs, tinawag ka nyang Mildred) at friends and/or family of Mildred.  Mainit na ulo ko.  Walang save save sa pilahan.  Sa susunod pumila kayo, either bilisan nyo kumilos para mauna kayo, or dun kayo sa DULOOOO!


Hindi ko na alam minsan kung minamalas ako para lang may mablog ako eh.  But anyway, sana magka-energy ako for the real Taiwan blog, para naman hindi puro rant ang mga mababack read ko sa future. Haha.  Pero dahil bed time ko na, pictures na lang muna ulit... 








...and the rest to follow (after ten years din.  'Wag naman sana.)



Saturday, November 4, 2017

Sunday random kwento: Starbucks, Sam Smith and Singapore Airlines




Anong petsa na? Grabe, November na, patapos na ulit ang taon.  Why so fast? Parang kaka-Christmas pa lang.  Feeling ko kakablog ko lang.. at kakapromise ko lang sa sarili ko na magbblog na ako ng masmadalas.. *kru, kru, kru*

Ehhhhh dahil November na nga, sa ngalan ng Starbucks planner, nagkape ako.  So.. hindi ako makatulog.  'Yung antok ko, naligaw na.  Ang dami kong energy.  Kasi naman yung Vanilla Nougat ng Starbucks, kape na nga, hitik na hitik pa sa syrup.  'Yung syrup level na bumabara sa straw tapos pag ineffort mo higupin para dumaloy ang kape, boom, asukal. Bakit naimbento 'to?!  Very wrong, unless ang goal mo talaga ay diabetes levels.

Anyway, may bagong Starbucks sa Glorietta 4. (Apparently, di pa sapat ang dalawang Starbucks.)  Pero bukod sa disappointment ko sa super tamis na coffee, ang highlight ay si Ate sa starbucks.  Kasi, parang 3 lang silang barista. At actually, may tray table/area naman sila.  Wala naman nakapaskil na Clean As You Go, pero dapat naman medyo gets mo na yun..  na may lagayan ng used trays, na may laman na mga used trays, tapos walang personnel na nag-iikot sa tables area.  Actually, ang nakita ko lang naman ay ang si Kuya Guard na biglang nagligpit ng mga tray.  Pero sabi ni Maetan... chismis lang 'to... si Ate yung lumapit kay Kuya Guard at inutusan si Kuya.. 'Kuya, pakilinis ang table' in a very privileged bitchy tone (again, sabi lang ni Maetan, ginaya nya pa eh. Haha).  So si Kuya Guard, medyo confused, kasi nga naman seryoso sya sa pag gguard ng pinto, with full security guard costume, so pinuntahan pa din nya ang table, para kunin ang tray at ilipat sa tray area.

Una sa lahat, isang dipa lang yung return area dun sa actual table, so kung sino man ang umalis dun, di nya pa ineffortan.  Kung ang inorder nya ay Vanilla Nougat, I'm sure marami syang energy para iextend ang braso nya.  Pangalawa, mas malapit si Ate sa return area kesa kay Kuya Guard.  Mas ineffort nyang lapitan yung Guard para mag-utos, kaysa iangat yung tray, iextend yung braso nya, tapos bitawan ang tray. At bakit nga ba uso sa Pilipinas na ang guard ay janitor na din.  Para san pa ang full outfit nila at guarding accessories kung magliligpit lang din sila ng mga tray?  At ano bang mahirap sa clean as you go. Di naman kailangan squeaky clean as you go.  Saktong very minimal effort clean as you go lang.  Tinuro naman yun sa school guys.  Effort ng konti.  Tray lang 'yan.

Sam Smiiiiiith... hay Sam Smith.  So narelease na ang latest album nya.  Nung isang araw ko pa LSS ang too good at goodbyes.  Parang Adele lang 'yan eh, kahit wala kang pinagdadaanan, feeling ko may pinagdadaanan na din ako pag narinig ko sila. Plus, Sam Smith yun eh.  Kahit nga 'yung Work from home ng Fifth Harmony biglang ang ganda nung kinanta nya casually...




Isama natin sya sa list ng mga singers na kung nakuha ko ang boses nila, di talaga ako magdodoctor at wala akong ibang gagawin kundi kumanta.  So sana magconcert sya ulit dito.  At hindi na kami ma-sam smith all over again. Sam Smith concert kasi yung nag attempt lang kami bumili online, tapos dahil pang first world ang internet ng Pilipinas, nagcrash lang yung site, tapos pagrefresh nya, sold out.  Tapos mag slowmo yung mundo mo tapos... whyyyyy. So simula nun, pinipila na "namin" ang mga concert tickets.

So... may kwento pa dapat... pero next time na siguro.  Iattempt ko naman matulog na. Paano ba ito.... hay.

Anyway, di ko alam kung mabblog ko pa ang Australia trip.  Kasi yung 2016 nga di ko pa natatapos hanggang ngayon. (Hehe).  Isama na lang din natin ang ibang pictures dito para masabi ko lang na may blog ako. Pero alang alang sa future self ko na baka gustong mag back read ng mga blogs ko, ittry ko yan.

Adelaide Zoo

Barossa Valley






Yan na lang pala muna.. Sana may kasunod pa akong blog... *kru, kru, kru*




Thursday, April 27, 2017

One La Salle Night of Excellence

What is a champion? 

A winner. A gold medalist. A titleholder.

But Coach Guy taught us to be more than just titleholders. He would always remind us that being a champion also means someone who fights for one another and/or a cause. In swimming, it meant fighting not only for yourself but also for your teammates.. for DLSU.

After a decade, i am still reminded to push myself and be this definition of a champion.

Congratulations Coach Guy! Thank you for bringing out the champion in us.