Tuesday, October 13, 2015

Asyang and the Everest


So isang araw.. nagising ako, at tinatamad ako.  In general.  Pumasok pa din naman ako, usual day, pero alam mo yung feeling na deep inside, gusto mo lang tumambay sa bahay? 'Wag masyado mag effort.  Ganun.  Nangyayari naman yun, once in a while, tapos lilipas din.  (I guess sa ibang tao hindi lumilipas....) But anyway, medyo natagalan ako ng konti maka move on sa phase na ito... mga ilang days din (lumagpas ba ng week?). Haha.  So, nung finally, wala na akong choice, nagsipag sipagan na... nahaggard naman ako sa paghahabol.

Then finally, nung weekend na yun, nireward ko ulit ang sarili ko ng movie.  Random movie, kasi hindi kami nakabili ng tickets the day before (na usual naming ginagawa para iwas hassle)... kung saan may available na pinakamalapit na screening time. Tenenen.  Everest.  Sabi ko pa naman nung pinanood ko yung trailer, ayoko panoorin 'yan kasi nasstress ako sa mga ganung movies.  But anyway, pinush na namin.

At, sabi ko na nga ba, pagsisisihan ko 'to.  Well, fine, not 100% pagsisisi kasi maganda naman ang movie. Pero nastress talaga ako!! *Spoiler alert!* Sa fact na, pwede sila mahulog anytime, at sa struggle and acclimatization, sa mga naninigas na lang to death, sa bakit hindi nila naplano na aabutan sila ng storm, sa bakit nauubusan ng oxygen.... why?? Hanggang sa isang point during the movie, sabi ko medyo masakit na ulo ko, tapos narealize kong ang diin na kasi ng pindot ko sa left side ng ulo ko nang dahil sa stress.

Tapos, may masayang part naman, na nakarating sila sa tuktok.  Yey! Yey for Ate Japanese!  Bet na bet kong magtatagumpay sya... for some reason... so, 'yan na ang consolation for the stress ko, successful si Ate!  But no... nanigas sya to death at di na nakababa! Stress!! Again, whhhhyyyyy??  Tapos itong si Doug, sige na kuya, you're doing it to inspire the kids.  Pero bakit mo pa pinagpilitan?? Alam mo Kuya, minsan, kahit gustong gusto natin ang isang bagay, we have to humbly accept defeat.  Accept the fact na it's not for you, at least hindi sa oras na 'yan.  Namatay ka tuloy, nagdamay ka paaaaa... patalo!! Namatay yung bida because of you...!! Sarap nya iakyat ulit sa Everest tapos itulak pababa.  Stress!!  At true story sya.  Sinong hindi masstress??  Pinakita pa ang pictures ni Ate Japanese.... at ni Doug!!  Ikaw Doug!! Ikaw ang salarin!!

Nastress ako ng slight again..... wait.

Nakaisip tuloy ako ng kwentong stress!! Haha. Sa Thursday na... Asyang meets Ate Mystica.

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala nabura ang comment ko na una. But yes, bwisit na Doug yan. Gusto ko din siya tapon sa Everest. But ang pinakaissue ko, si Ate Yazuko. Siya ang best supporting actress para sa akin. Masakit sa puso tong movie na to.

      Delete