Wednesday, August 19, 2015

Asyang and the Movies

Kahit busy busyhan ako ngayon, pipilitin ko magkwento.  Push ko na ‘to.  Tsaka kahit gaano ka-busy, kailangan ko pagbigyan ang “protected time” for myself, na madalas ay nailalaan sa pag-aadik ko sa good food (na sa ibang araw ko na kkwento) at movies.

(Side kwento) Bakit ako busy? Ito na kasi ang panahon ng paghahanda para sa annual convention… which means… required na naman kami magpakitag gilas with our dance moves.  Wow.  May moves.  Masaya naman in general ang experience last year, kahit narealize kong malayo ang expectation sa reality pagdating sa flexibility and dance skills ko. 



As a frustrated gymnast/contemporary dancer (contemporary talaga, Amy Yakima level, ganon), everytime may dance step na hindi mapagkasunduan ang utak ko at ng katawan ko, gusto ko sumigaw ng “kamoteeeee, swimming na lang, huhu”.  So, isipin mo na lang ang effort ko (actually, effort naming lahat) ngayon, na may legit teacher kaming push kung push.    At hindi kayang ibully ni Rmin na palitan ang steps na mahirap.  So yung utak ko, parating…

1..2..3..4..5..6..7..8..

At dahil legit si teacher, may ganito pa, 7…8…talon…takbo…hawak…5…6…7...8…1…2..Heeeeee! (strike a karate kid pose)..4..5..6..7..8. Run…  (Kamoteeee.. bakit ang hirap gumalaw sa lupa?)

Anyway, pangalawang reason… dahil sa pagbabalik ng weekly quiz.  Yes, grade school lang.  Quiz kung quiz.  At bitbit ko si Williams kahit saan.  Bakit? Kasi, kamote again, competitive kami.  Huwag na natin ideny and nerdy mode natin.  Yung nagcocompare-an kung ilang pages na ang nabasa, kung gaano kakulay ang mga libro, at nagsisite ng page pag sumasagot (yes Jayme, I am thinking of you).  At bibong bibo pagdating sa pagchecheck ng papers. 

So, medyo mahaba ang side kwento! Therefore, next time na lang pala totoong kwento.

Hehe.



Wednesday, August 12, 2015

Asyang, at ang Listahan (more pet peeves)

I am a happy person, in general.  Meaning, mas pinipili kong makita ang happy slash positive side of things, even in mundane things (naks).  Kaya nga kahit nakipagsapalaran ako sa ipis wars, nagpalpitate dahil kay scary ate, or muntik nang mapaaway sa stranger na tabachoy, natatawa pa din ako mag-isa tuwing binabasa ko ang mga sarili kong kwento ng kaadikan.

Kaya lang, tao lang din, at nauubos din minsan ang super powers kong humanap ng good vibes.   Kaya may listahan, at least partial list (kasi medyo mahaba na sya), ng mga bagay na NEGA talaga. So ito na…

Number 1: Pag pinapahirapan ako ng cashier sa sukli ko.  Yung iaabot nya sa kamay mo ang maraming bills… tapos tsaka nya ipapatong ang maraming barya in different sizes. 

Me: Ateeeee, please, wag mo ako ichallenge.


Dahil ang ending, may mahuhulog.  Madaming beses na yan nangyari sa akin, so effort magpulot.  At, one time, sa Starbucks, nahulog ang limang piso sa ibabaw ng banoffee pie ko.  Buti na lang second to the last piece sya at napalitan pa ni Kuya. Kundi…. Walang banoffee si Asyang.

Number 2: Ako, ayoko ng mahahabang instructions.  Kasi nakakatamad basahin.  Ang kaya ko lang ay, “encircle the correct answer” or “this way to somewhere”.  Pag humaba pa dyan, eeffort na ako humanap ng patience.

Pero,  naman, ito, hindi ko magets.


I mean, simple lang naman.  Napagkasya na nga in 4 words.  Nilakihan pa.  Whyyyy??? Paano na uunlad ang Pilipinas?  Tinuro naman sa school ang I have two hands, the left and the right.

Number 3: Ito, parang medyo napapadalas kong nasasaksihan.  Like nung isang araw, habang nagsusulat ako ng orders sa chart, nag ring yung phone ni person sa harap ko.  So, sinagot nya…

Person: Hello? Hello? (after 3 seconds) Hello??? Hello???  (itaas pa natin ang level ng volume) HEELLLOO??? HEEELLLLOOOO?? (sinilip pa ang phone…) Hello??

Me: Yung totoo kuya, I give up mo na.  Mahina ang signal.  Nakita mo yung poste na yun? Punta ka dun, tapos side step ka ng 3x to your left, tapos harap ka sa north, lalakas na yang signal mo.

Joke lang.  In reality, thought bubble ko lang yan.  Nakayuko lang ako habang tinatapos ko ang orders ko.  Pero seriously, 3 lang ang quota ko.  Pag wala kang marinig, give up mo na.

Number 4: Ang selfie flood.  May levels lang din ang tolerance ko sa selfie.  I mean, fine, kung pa isa-isa, go.  Or kung nagtravel sya mag-isa at gusto nyang ishare ang view, why not (dahil ginagawa ko din yan).  Pero, yung 16 photos na puro mukha mo in different angles…
(iniisip ko kasi mag grab ng pics ng iba, kaso baka mapaaway na ako, so ineffort ko na lang to… kaninang umaga)


(4 lang kinaya ko eh, multiply mo na lang)

OR mas lalo na to… paulit ulit… na di ko maintindihan kung nagpapagame sya ng spot-the-difference… 


OR (shout out to Francis Asilo), isang selfie lang, pero lalagyan mo ng quote, na walang kinalaman sa mukha mo.


To be continued....


Wednesday, August 5, 2015

Asyang, The Observer

Medyo mahilig ako mag observe ng tao pag free time ko.. Pag 5-minute study break sa coffee shop.. Pag nasa byahe.. LRT.. Shuttle.. etc. Pero minsan, kahit kailangan ko na magfocus sa mga mas important na mga bagay, may mga tao talagang pilit na aagawin ang attention mo.

Syempre, may kwento na namang kasunod. Naalala ko to habang nakatitig ako sa ilaw, nang matagal, kasi nasa dentist ako. Minsan di ko na alam saan pa ako titingin pag nasa dentist ako. Ayoko naman titigan yung dentist, awkward at nakakaduling. Anyway, back to kwento.

Few weeks ago, umattend kami ng grand rounds. Dun na kami umupo sa likod, kasi nagstart na ang lecture about heart failure. Ipupush ko sana makinig, kasi baka magfade na ang general IM knowledge ko. Kaso, wala pang 2 minutes akong nakikinig sa lecture, si intern sa harap namin ay nagpapapansin na sa headbanging skills nya.

"Woop! Woooooop!"

Yan yung sound effect na naiimagine ko everytime babagsak ang ulo nya tapos irerebound nya pabalik. From duty yata sya. So una, mild headbanging lang, so pilit ko syang deadmahin, but after a while, nabother na ako... Kasi nakikita ko na ang cricoid cartilage area nya (or, yung area kung saan ang adams apple dapat) at, sabi ko nga, nakaupo ako sa likod nya. Major "exorcist" skills. Kung dumilat siguro sya in that position, tatakbo ako palabas. 

Walang true friends si ate intern, kasi walang gumising sa kanya! Di ko na natiis kasi wala nang nakikinig sa lecture, pinapanood na lang sya, kahit yung iba nagpapanggap at pumiperipheral view lang. So... binully ko ang friend ko para gisingin sya. Pero natulog pa din sya after 2 mins. Tapos sinabayan ko na lang sya ng "wiiikiiiii wiiiikkiiiii tsssssh tsssssh". (Yeah, my legit beatboxing skills).

Ayan. Wala akong naintindihan sa lecture. Thanks te.