Wednesday, September 15, 2010

Emotera Mode ni Asyang

Moving out! Huhu. Bakit nakakalungkot maghakot ng gamit? At nakakapagod.

Pero seryoso, may something sa paglilipat na ito. Una sa lahat, hindi ko na kasi alam ang kasunod. Parang, after nito, saan na ako pupulutin? Malamang sa bahay muna, pero after nun? Hindi ko na alam. Patience. Pero nakakapraning din. Pwedeng exciting at pwedeng scary, ang thought na hindi mo pa alam kung anong kasunod. Plus, sa totoo lang, tahimik man at mas tipid ang buhay probinsya, hindi na ako sanay. Parang masaya lang sya kung uuwi ka for the weekend para magrelax at makatikim ang lutong bahay. Pero hindi sa ganitong panahon. Parang nakakadagdag sya sa kalungkutan! Haha.

So anong next? Residency. Yun ang plan. Nag apply ako ng IM sa Polymedic, UE and Cardinal. Mag-apply sana ako ng OB sa TMC, pero parang masyado na magulo utak ko, ayoko na din dagdagan ang dilemma, so stick to IM na nga lang ako. So san na? Hindi ko alam! HINDI KO ALAM. Maghihintay na lang ako kasi nakakabaliw isipin. Siguro naman kung pinasa ako ni Lord sa boards, may paglalagyan naman sya sa akin.

Maiba naman tayo. Mineet ko yung friend ko sa Barcino para makipag kwentuhan. Medyo sakto din. Namiss ko talaga yun kausap. Anything under the sun, plus medyo nag reminisce and in a way, nagkaconfidence ako ulit after ko mag anxiety attack. Actually, narealize ko, ganun na nga ako. Nagpapanic slight, then panic ng major. Kahit alam ko naman na in the end, go lang ako ng go. Fight. Minsan talaga kailangan ko lang mag-rant, magreklamo.. In the end, I checheer ko din naman ang sarili ko. Kailangan ko lang siguro na maremind na kaya ko to. Kaya sa mga friends kong hindi nagsasawa sa mga panic attacks ko at nagcheecheer sa akin, thank you nang super dami. Hindi rin ako magsasawa sa pagcheer sa inyo kasi nagkakapanic attacks din naman kayo. Haha. Tsaka wala akong friend na loser kaya pag sinabi kong carry nyo yan, carry lang.

Ikkwento ko sana yung conversation namin ng friend ko, kaso over sharing. Haha. Naisip ko wag na muna ishare. Basta ang sagot ko sa malupit nyang tanong ay: pwede ‘wag ko na munang sagutin?! Haha kasi naman! Malalaman din natin siguro ang sagot, at wish ko ay hindi naman YES ang sagot. Ang lungkot nun.

Matanda na tayo. Bakit ako nakarecieve ng text na matanda na tayo?! Haha feeling ko kasi college pa din ako. Kaya nga ako nalulungkot na residency na ang kasunod, kasi wala namang college student ang nagreresidency! Ibig sabihin, 25 na talaga ako. (sorry naman sa mga hindi 1985. Pero nagets nyo naman ang point… ng MATANDA na tayo kasi magreresidency na tayo)

So, saan na ang next? HINDI KO NGA ALAM. Pero sabi nga ng friend ko, feeling nya kaya naman nya mag enjoy kung san sya mapadpad. Therefore, magfeefeeling na din ako. Kaya ko mag enjoy, kung saan man ako mapadpad. Pero, mamimiss ko kayo nang MALALA. As in. Magkikita pa din naman tayo diba?

1 comment:

  1. oo naman asyang. given na yun na magkikita talaga. not that much, pero oo. :)

    ReplyDelete